Chapter1

7.5K 141 18
                                    

Chapter1

Pumunta ako ng school para kunin ang wallet na naiwan ko sa aking Locker. Alas otso na ng gabi at walang Guard na nagbabantay kaya mabilis lang akong nakapasok sa loob ng school.

Kung magpapa-alam ako sa mga ito, sigurado akong hindi naman nila ako papapasokin. Bawal sa campus magpapasok nang kahit sinong estudyante sa loob ng school ng ganitong oras.

Mas mabuti narin 'yong walang bantay, atleast madali akong nakapasok. Ang iisipin ko nalang ay kung paano ako makakalabas mamaya.

Nasa may corridor na ako ng maisipan kong magshort-cut para mapadali sa pupuntahan ko. Malapit sa pool ako dumaan dahil malapit lang ang locker area do'n.

Habang naglalakad may narinig akong parang may taong tumalon sa pool. Bumalik ako para siguradohin kung may tao nga ba.

Dahan dahan lang akong humakbang ng may marinig akong mahinang kaluskos.

Meow~

"Tch! Pusa lang pala" Sabay kamot sa ulo.

May narinig akong sumisid kaya ang ginawa ko ay lumapit lalo sa pool. Nasa 8feet ang lalim nito ngunit sa may 6feet ako nakatayo. Nakita ko ang babae na nagsi-swimming dito na naka-bra at panty?

"Anong trip ng babaeng to? Bat dito pa siya naliligo? Tss!" Ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pants ko tsaka tumalikod at naglakad pabalik.

Biglang tumakbo ang pusa sa may paanan ko, sa pagkaka-out of balance ko nahulog ako sa pool.

"Fvcksheeet" Inis na sabi ko.

Syeteng pusang yon. Nahulog tuloy ako. Tangina!

Nilingon ko ang babae kanina at nakatingin na siya sa akin ngayon. Kaasar!

"Tsk!" Wala akong balak na pansinin siya. Tinalikoran ko siya para umahon kaagad sa pool dahil basang-basa na 'ko.

Pa-ahon na sana ako ng may marinig akong boses na naguusap sa may di kalayuan, sigurado akong guard ang mga 'yon. Kilala ko ang mga boses ng ibang guard dito.

"May tao yata sa pool" Lagot!

"Tara! Check natin" Patay. Baka makita ako ng Guard. Shit!

Sisisid na sana ko para magtago pero nakita kong naka-tanga lang 'yong babae. Sa taranta ko lumangoy ako palapit sakanya, hinila ko siya at isinabay sa pagsisid sa pinaka-ilalim nitong pool para 'di kami makita no'ng dalawang guard.

Nasa gilid at pinaka-ilalim na kami ng pool ng maramdaman kong nagpupumiglas siya. Nilakasan ko ang pagkakahawak sakanya para hindi siya makawala sa pagkakahawak ko.

Tumingin ako sa taas, nakita ko ang dalawang guard na naglalakad.

Hindi na ako makahinga. Fuckshit!

Hinigit ko ang babae at pinaglapit ko ang bibig namin. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

Ang lambot ng lips niya. Sheeet! Pero kung 'di ko ginawa yon, pareho kaming malulunod. Isa pa, ayokong may makakita sa'min dito. Baka anong isipin ng guard sa'min kapag nakita kami dito na magkasama.

Mabuti nalang wala pang naka-installed na surveillance sa area'ng 'to maging sa pupuntahan ko dahil nasira 'yon no'ng isang linggo lang.

Umahon lang kami ng umalis na ang dalawang guard. Buti't di kami nakita ng mga 'yon.

"Kainis basang-basa na ko. Tch!" Sabi ko ng maka-ahon na mula sa pool.

Umahon na rin yong babae at nakita kong papalapit siya sa'kin at seryosong huminto sa harapan ko.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon