Chapter10

2.3K 63 0
                                    

Chap10

-RENJI POV-

Napasinghap ako ng may maramdaman akong mabigat at nakahiga sa aking balikat. Agad akong napabalikwas doon.

"Fvck!" Mura ko ng makalayo ng bahagya.

Nakita ko siyang nagmulat ng kanyang mata at inosesnte pang tumingin sa akin.

"Good morning boyfriend" Nakangiting bati nito sa akin.

"Anong good sa morning? Aber! Bakit ka ba nasa tabi ko?" Derekta kong tanong ng makatayo ako.

"Tumabi ako sayo, Anong masama doon? Ayaw mo noon magkatabi tayong natulog" Nakangiti nitong sagot at mabilis na bumangon. Napasapo naman ako sa aking noo at napa face-palm.

"Hindi dahil sa nagseselos ako eh pwede ka ng tumabi sakin" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Nagunat unat siya ng kanyang braso at lumapit sa akin.

"Bakit ang aga-aga nagsusungit ka? Ayaw mo ba sa akin boyfriend?" Nakapout nitong tanong. Napaiwas ako ng tingin.

"Tumigil ka nga sa kaka-pout mo! Hindi bagay sayo" Sabi ko at tinalikoran siya.

"Baka ang ibig mong sabihin nakukyutan ka sa pagpout ko" Hinarap ko siya at sinamaan siya ng tingin pero mabilis siyang nakalapit sa akin. "Or baka naman natetempt kang halikan ako boyfriend" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Napalunok ako ng sunod sunod ng magpout na naman siya sa harap ko. Sheeeet! Napahawak ako sa bibig ko at lumayo sakanya.

"Obakit?"Nakangising tanong niya.

"Tumigil ka nga sa mga ginagawa mong iyan. Kababae mong tao ikaw pa ang nagbibigay ng motibo Tch!" Prangka ko sakanya. Pero ngumisi lang siya sa mga sinabi ko.

"Walang masama sa ginagawa ko" Kainis! Bahala nga siya. Tinalikoran ko na siya at dumeretso na sa banyo para makaligo na.

Iniwan ko na siya pagkatapos kong makakain ng agahan at nauna ng tumungo ng school. Naiinis ako kapag nandiyan pero hinahanap naman siya ng mga mata ko. Walang kami pero gusto ko akin lang siya. Tch!

"Baliw ka na renji, Baliw kana talaga" Bulong ko sa aking sarili habang naglalakad na sa may corridor nitong University.

"Psssst!"

Napalingon ako ng may marinig akong sumitsit. Hinanap ko kung saan galing iyon. May ilan ang nagdadaan pero mukhang hindi naman sila ang sumisitsit.

"Psssst!"

Narinig ko ulit iyon pero hindi ko na pinansin pa baka nangtitrip lang seguro ang sumisitsit na iyon. Tch!

"Psssst! Renji"

Napahinto ako ng marinig kong binangit ang aking pangalan. At agad na lumingon sa paligid.

"Dito Renji" Kaway nito ng mahagip siya ng aking mga mata. Nasa may sulok siya nakatayo at inaalok ako nito lumapit sakanya.

Hindi ko alam pero humakbang ako at lumapit naman sakanya. Hinatak niya agad ako at dinala sa likod ng university. Sino ba ang babaeng to? Bakit nanghahatak nalang siya bigla.

"Ano bang kailangan mo?!" Inis kong tinanggal ang kanyang kamay sa kamay ko.

"Lumayo ka sakanya!" Napaatras ako sa sinabi niya. Pero bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon.

Wala pa siyang binabanggit na pangalan pero pakiramdam ko kilala ko ang taong tinutukoy niya.

"Lumayo kanino" Kunot noo kong tanong dito. Pero aligaga naman siyang nagpalinga linga sa paligid.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon