Chapter20

2.2K 58 0
                                    

Chap20

-RENJI POV-

Maghapon kong hindi pinansin si alex, Nagtatampo kase ako sakanya. Masyado niya akong pinag-alala, nakatulog ako sa sala ng aming bahay sa kahihintay sa kanya. Hindi ko nga alam kung anong oras na siyang dumating. Nakita ko nalang siyang naghahanda ng almusal kaninang umaga kasama si lola.

*class-dismissed*

Huling klase ko na ito, uuwi na ako ng bahay pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa aking locker.

"Boyfriend" Tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Dere-deretso lang ako sa paglalakad.

"Galit ka ba?" Tanong niya, Pero hindi ko siya nilingon.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Alam kong nakasunod lang siya sa akin hanggang sa marating ko ang aking locker at inilagay ang mga gamit ko doon.

"Hey!" Harang niya ng magsimula na naman akong maglakad.

"Tabi" Utos ko sakanya. Pero hindi siya nakinig mas lalo siyang lumapit sa akin, bahagya naman akong napaatras.

"Tell me, are you sulking?" Bagot ko siyang tinitigan.

"What do you think, huh" Inis kong sagot. Magsisimula na naman sana akong humakbang ng harangan niya ulit ako. "Ano ba alex, I am going home kaya padaanin mo ko" Bulyaw ko sakanya.

Isinuksok niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa, tumabi siya sa aking daraanan at hinayaan akong dumaan. Pero nakasunod lang din siya sa akin.

"Renji!" Salubong sa akin ni kurt, hingal kabayo itong lumapit sa akin.

"Obakit?" Tanong ko sakanya.

"Ang daddy mo kasama pala sa illegal gambling" Di ako nakaimik sa sinabi niya. Ano naman ngayon kung kasama siya sa illegal gambling na iyan. Labas ako diyan. Tch!

"Wala akong paki" Badmood ako ngayon.

Nilampasan ko na siya at nagpatuloy na sa aking paglalakad. Pero narinig kong nagsalitang muli si kurt.

"Inambush ang sasakyan ng daddy mo kagabi" Nahinto ako sa paglalakad at napalunok. "Nasa hospital siya ngayon" Patuloy niya.

Kahit na papaano ay nakaramdam din ako ng kaba at pagaalala sakanya. Hinarap ko si kurt at tinanong kung saang hospital. Nang masabi niya ang naturang hospital tumakbo ako at sumakay sa aking motor.

Tinungo ko agad ang information desk at tinanong ang pangalan ng aking ama. Mabilis naman nila iyong ibinigay sa akin at dali-daling pinuntahan iyon.

Nakatayo si Yohan sa labas ng silid ng abutan ko. Lumapit ako at sinilip iyon. May mga naka-kabit sa katawan nito at mukhang mahimbing na natutulog.

"Kamusta siya" Tanong ko kay yohan. Lumingon siya sa gawi ko.

"Stable naman na si dad" Sagot niya at ibinalik ang paningin sa loob ng silid. "Sa balikat at bewang lang siya tinamaan" Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon.

Yumuko siya at naupo sa bench kaharap lang ng silid. Sinundan ko lang siya ng tingin.

"But my mom was in coma" Malungkot na sabi niya. Napaiwas lang ako ng tingin ng isandal niya ang kanyang ulo sa dingding.

Sila ang tunay na magpamilya, isa lang akong bastardo o anak sa labas. Nabuntis ni dad si mama ng maging kasambahay si mama ng ama ko. Alam kong may galit sa akin ang mommy ni Yohan. Pero kahit ganoon, naaawa ako sa kalagayan ng mommy niya.

Tanging buntong hininga lang ang nagawa ko, hindi ko naman kase alam kung anong sasabihin ko. Ibinaling ko nalang ang paningin sa silid at pinagmasdan ang natutulog kong ama sa loob.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon