Chapter29

2K 59 5
                                    

Chap29

-RENJI POV-

One week na ang nakalipas ng mangyare ang hindi inaasahan sa birthday ni cass sa mactan island. Nung una hindi ako makatulog dahil sa nangyare. para akong nagka-phobia, maging sila luke ay ganoon din.

Nalaman na din nila kung ano si alex, dahil sinabi niya ang totoo kung bakit nangyari ang ganoon sa party ni cass. Nagulat ako ng malamang alam pala ni kurt ang tungkol kay alex. Mas una niya palang nalamang assassin si alex kaysa sa akin. Tch!

"Alex" Lambing ko sakanya at niyakap siya mula sa likod. Nakatayo siya sa harap ng fridge at tinitignan ang laman doon.

"Hmmm?" Iyon lang ang tanging narinig ko mula sakanya.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sakanyang bewang at ipinatong ang aking baba sa kanyang balikat.

"Pwede mo ba akong turuan ng martial arts pati na rin sa paghawak ng baril?" Bahagya siyang lumingon, nasa balikat lang niya ang aking baba kaya malapit ang kanyang mukha sakin.

"You sure?" Poker-face niyang tanong sakin. Tumango naman agad ako.

"Palagi nalang ikaw iyong nagtatanggol sa akin hindi ba, Gusto kong matuto ng martial arts para ako naman ang po-protekta sa sarili ko. Ganoon din sa paghawak ng baril, para naman pagkasama mo ako sa mission magaling na akong humawak at kumalabit ng baril" Mahabang paliwanag ko sakanya.

Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ko pero kita sa mukha niya ang pagdadalawang isip kung tuturuan niya nga ba ako.

"Okay boyfriend, payag ako" Lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. Yes!

"Thanks girlfriend" Mabilis ko siyang binigyan ng halik sa pisngi. Napansin ko ang pag-ngunot at pagpikit niya. "Bakit?" Agarang tanong ko.

"Wala, nagugutom lang ako" Binitawan ko siya ng kunin niya ang yogurt sa fridge.

Pumunta kami ng sala para manood ng TV kinain niya ang yogurt na dala niya ngunit hindi niya naubos at inilapag na nito sa mesa. Hindi nga nangalahati iyong kinain niya. Nahiga ito sa couch at ginawang unan ang hita ko tsaka Pumikit.

"Dito ka lang boyfriend, We will go to the mansion pagka-gising ko, Okay?" Nakapikit niyang sabi.

"Sige, tulog ka na. Dito lang ako sa tabi mo" Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. Napagod siguro siya sa exam sa school.

Pagkagising nga niya ay nagpunta kami sa kanilang mansion. Nandoon ang kanyang grandpa ng abutan namin ngunit wala si razer dahil nasa condo unit daw ito ng tanongin ni alex ang kanyang grandpa.

Maaga kaming natulog dahil maaga ang gising namin para turuan niya akong mag-martial arts.

Stretching muna ang ginawa namin sa una. Sunod ay ang basic ng martial arts moves na ang itinuro niya sa akin.

Nasa martial arts room kami at sobra akong nahihirapan, Dalawang araw pa lang niya akong tinuturuan pero kulang nalang magkabali-bali ang mga buto ko sa itinuturo niya. Ang hirap, Shit!

Unang itinuro niya sa akin ay ang apat na basic ng martial arts moves na....forearm block, roundhouse kick, palm heel strike at front elbow strike. Mga iyan daw ay madalas ginagamit sa judo, chin na, jujutsu, taekwondo at brazilianjiu-jitsu. Para pang-atake sa kalaban.

Doon palang ay nahihirapan na ko. Ngunit ginusto ko ito kaya kakayanin ko lahat, kahit mahirap.

"Maraming klase ng martial arts Like....Aikido, shaolin kung fu, muay boran, Tang soo do, wushu, ninjutsu, combatives, kenjutsu, at hapkido" Sabi ni alex sa akin.

Nakatukod ang aking mga kamay sa aking tuhod habang pagod na pagod at hinihingal.

"Ang dami naman" Hinihingal na saad ko. Lahat ba iyon alam niya? Kaya pala ang galing niya.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon