Chapter39

2.4K 58 2
                                    

Chap39

-RENJI POV-

Napamulat ako ng maramdaman ko ang pagpatak ng ulan sa mukha ko. Napabalikwas na rin ako dahil sa hindi malaman kung nasaan ako.

"Fvck!" Malakas na mura ko. At nagpalinga-linga sa buong paligid pero wala akong makita dahil madilim na.

Biglang pumasok sa isip ko iyong singsing. Kinapa ko iyon sa aking bulsa, basang basa na ang lalagyan nito ngunit nandoon pa rin ang singsing na binili ko para kay alex.

Oo nga pala, Buti nalang nakaligtas ako sa tumambang sakin, paano nalang ang magina ko kung namatay ako ng ganoon ka aga. Shit!

*Flashback*

"Ang tagal mo naman!" Reklamo ko kay kurt pagkapasok nito sa bahay.

"Chill lang men! Heto na nga oh" Nakabungisngis nitong iniaabot sa akin iyong susi ng kanyang kotse.

"Hwag ka ngang bumungisngis dyan, nakakabagot kayang maghintay! Tch!" Sabi ko sakanya pagkakuha ko ng susi na inabot niya.

"Traffic men, kaya ako natagalan. Masyado ka namang hot" Di ko na siya pinansin dahil nagmamadali ako.

Lumabas agad ako ng bahay at sumakay ng kotse at pina-andar iyon. Binaba ko ang bintana ng kotse ng makita ko si kurt na sumunod pala sakin.

"Ibabalik ko nalang ito kurt, Salamat" Sigaw ko, Nakabungisngis itong nagthumbs up.

"Pakasalan mo na, para wala ng kawala" Pahabol nito ng isasara ko na ang bintana ng kanyang kotse. Napangisi nalang ako tsaka pinatakbo ang kotse.

Nasa highway na ako ng maisipan kong bumili ng singsing. Tama si kurt, kailangan kong pakasalan si alex para wala na ngang kawala. Isa pa, kasal nalang ang kulang sa amin ni alex.

Lumiko ako para pumunta sa alam kong jewelry shop, ibibili ko si alex ng singsing.

Pinark ko agad sa tapat ng shop ang kotse tsaka mabilis na bumaba. Sinalubong agad ako ng staff ng shop.

"Wedding ring please" Sabi ko dito.

"This way sir" Sabi nito at pinasunod ako.

Maraming klase ng singsing ang naroroon, pero my isang singsing ang naka-agaw ng atensyon ko.

"Magkano to?" Tanong ko.

"25k sir" Pota ang mahal. Pero mas mahal ko si alex kaya bibilhin ko na.

Inilabas ko ang wallet ko at kinuha doon ang card na binigay sa akin ni grandpa. Iyon ang gagamitin ko pambayad sa binibili kong singsing.

Malaki ang pera na tina-transfer ni grandpa sa bank account ko, cheneck ko iyon ng maalala ko kahapon lang.

"Kukunin ko na" Sabay abot ng card. Ngumiti ang babae bago iyon kinuha.

"Ito na ho sir" Inabot nito ang binili kong singsing kasama ang card. "Thank you" Pahabol pa nito.

Lumabas na ako at sumakay na sa kotse tinitigan ko pa ang singsing na binili ko.

"Sana magustuhan ito ni alex" Sabi ko sa sarili habang titig na titig sa singsing.

*tok-tok*

Naibulsa ko kaagad ang singsing sa bulsa ng pantalon ko ng may kumatok sa bintana ng kotse.

Napangunot ako at binuksan ang bintana sa may passenger ng kotse.

"Anong kailangan mo?" Sabi ko sa lalaking kasing edad ko lang siguro.

Hindi ito sumagot mabilis nitong binuksan ang pinto at naupo sa passenger seat tsaka naglabas ng baril at itinutok sa akin.

"Paandarin mo ang kotse! Bilis!" Utos nito sakin.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon