Chapter36

1.7K 53 0
                                    

Chap36

Magto-two weeks na but he still remains asleep and never wake up. Palagi akong nasa tabi niya, hoping and waiting to wake him from Coma.

Umaalis lamang ako kapag uuwi ako ng bahay para maligo at magpalit ng damit. Laging may dalang sariwang prutas sila luke kapag bumibisita. They are hoping too na magising na si renji kapag dumadalaw sila.

Ilang beses na ring bumisita si lola dito para makita si renji, umiiyak siya pagnandito si lola dahil sa kalagayan ni boyfriend.

Araw-araw nage-expect talaga ako na magigising na siya, gusto ko pagmulat niya ay nasa tabi niya ako.

Narinig kong bumukas ang pinto, I looked to the door to check who came. Ang daddy ni renji ang nakita kong pumasok kasama nito si yohan at jana.

"Hindi pa rin ba siya gumigising?" Renji's dad asked. Umiling lang ako bilang sagot ng hindi nakatingin dito.

"Pero sabi ng doctor may possibility raw na magising na siya this weeks" Saad ko.

"Heto nga pala alex, We brought some fruit and some of foods na pwede mong makain dito habang nagbabantay ka." Nilapag ni Yohan ang dala nitong frutas na nakalagay sa basket at supot ng pagkain sa lamesa.

"Thanks..." Maikling tugon ko dito upang magpasalamat sa dala nito bago marahang hinawakan ang kamay ni boyfriend.

"Take a rest alex, baka kanina ka pa nagbabantay." Jana's said.

"Kararating ko lang kani-kanina lang, sila kurt muna 'yong nagbantay kay renji dito kanina habang wala ako." Saad ko.

Parang naramdaman kong bahagyang gumalaw ang daliri ni boyfriend habang hawak-hawak ko 'yon kaya naman napatingin ako sa kanyang mga kamay na nakasalikop ngayon sa aking mga daliri.

"Asan sila? Umuwi na?" Tanong ni Jana.

"Nope, lumabas lang sila sandali." Sagot ko habang nakatingin lang ako sa kamay ni boyfriend. Umaasa na muli itong gagalaw.

Tinitigan ko sandali ang kanyang mukha at muli kong ibinalik ang aking paningin sa kamay niya dahil gumalaw ulit iyon sa pangalawang pagkakataon.

"Boyfriend?" Sambit ko.

I really feel his hand moving. Nakita ko ang marahang pagdilat niya kaya nakaramdam ako ng saya at sigla dahil sa wakas ay nagising na din siya sa wakas.

"R-renji" Sambit ng daddy ni renji.

"Bro!" Usal ni Yohan ng makita nitong dumilat si Renji.

"Gising na ba siya?" Tanong naman ni Jana.

Paggising niya inalalayan ko siyang bumangon, Iginala niya ang kanyang paningin sa buong kwarto. Napakunot siya at isa-isa niya kaming tinitigan na para bang kinikilala pa niya kaming lahat.

"Nasan ako?" Ngunot-noo tanong nito sa amin.

"You're in the hospital." Ako ang sumagot. "Does your head hurt or something?" I asked...ngunit tila wala itong narinig at tinignan niya lamang ako tsaka muling nangunot.

"H-hospital? Anong ginawa ko dito sa hospital?" Hindi niya sinagot ang tanong ko sakanya. Muli niyang inilibot ang paningin sa kabuohan ng kwarto.

"Naaksidente ka renji, Don't you know that?" Saad ng kanyang ama.

"Na-aksidente ako? Kailan naman? Tsaka saan? Anong klaseng aksidente ba? Bakit wala akong maalalang aksidenteng naganap?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Its a car accident bro." Sabat ni yohan.

"Teka! Car accident?" Ulit niya at bahagya pang nagisip.

"Hindi mo alam na na-aksidente ka? You're driving a car at bumangga ang kotseng minamaneho mo sa puno." Paliwanag ng daddy niya.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon