EPILOGUE

3.7K 104 18
                                    

EPILOGUE...

-♡-

-Months passed-

Naging masaya ang pagsasama namin ni alex simula ng kinasal kami.

Hindi muna kami pinabukod ni grandpa dahil gusto nitong sa mansion kami mamalagi. Lalo na ngayong nagaaral pa ako. Walang magbabantay sa mag-ina ko kapag bumukod na kami.

Gusto kong taposin ang pag-aaral ko sa college, maging si alex ay ganoon din. Balak niyang taposin din ang pag-aaral pagka-panganak niya. Kukuha nalang kami ng baby sitter para may mag-alaga kay baby kapag bumalik na sa school si alex.

May mission din sa akin na binibigay si grandpa, pero hindi naman gaanong mahirap ang mga iyon. Tinatanggap ko naman iyon dahil alam kong part na ako ng Crosepher family.

Pero ngayon pansamantalang titigil muna ako sa mission dahil gusto kong makapiling ang magina ko. Lalo na ngayong kabuwanan na ni alex, kailangan nila ako sa tabi nila.

Hatinggabi ng gisingin ako ni alex, Napabalikwas naman agad ako dahil doon.

"Bakit babe?" Tanong ko, nakasimangot ito ng makita ko at nakahawak sa malaki niyang tiyan.

"Masakit ang tiyan ko" Nahihirapang sagot nito. Manganganak na siguro siya. Shit!

"Sandali lang" Sabi sabay tayo sa kama at inabot ang susi ng kotse.

Inalalayan ko siyang lumabas at bumaba ng hagdan. Kami lang ang nandito, tapos ang mga katulong.

Umalis sila grandpa kasama ang mag-asawang crosepher last week lang para pumunta ng italy dahil sa appointment daw nito doon.

Si razer ay wala din dito dahil sa mission nito tsaka parati din iyong wala dito dahil may sarili itong unit na inuuwian, pumupunta lang iyon dito kapag may kakailanganing weapons or magrerelax.

Mabilis kong pinaharurot ang kotse pagkasakay ko kay alex para dalhin sa hospital.

Tinulungan naman agad kami ng ibang nurse nang makita kaming papasok ng hospital.

Pinahiga nito si alex sa stretcher at dinala sa delivery room. Naiwan naman ako sa labas, palakad-lakad at pasilip-silip habang naghihintay.

Naupo ako sa bench at napapa-face palm nalang sa kaba. Sana maging okay ang panganganak niya, hwag naman sana siyang mahirapan.

Isang oras ang nakalipas ng lumabas ang doctor sa delivery room, agad ko naman itong sinalubong.

"Kumusta doctora ang mag-ina ko?" Agaran kong tanong kahit hindi pa ako gaanong nakakalapit.

"She's okay now" Mabilis din nitong sagot. "Your baby is boy, a healthy baby boy" Nakangiting turan ni doctora.

"Salamat doctora" Maligayang wika ko.

Umalis na ang doctor dahil may gagawin pa ito, naiwan naman akong tuwang tuwa.

Nilipat si alex sa isang private room para doon makapag-pahinga ng maayos. Nanghihina pa ang buo niyang katawan ng makita ko at hindi pa makapagsalita.

Ang sabi ng nurse na umasekaso sakanya ay kailangan na muna nitong magpahinga upang makaipon ng lakas. Sinabi din nito na nasa nursery room na daw ang baby namin.

Nakatulog naman kaagad si alex dahil sa pagod at panghihina nito sa panganganak. Hinawakan ko ang kamay nito habang natutulog at hinalikan sa noo.

Pagkatapos ng ilang minuto nangati ag paa ko para silipin si baby. sandali kong iniwan si alex para puntahan ang baby namin sa nasabing nursery.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon