Chapter37

2K 53 0
                                    

Chap37

Three days passed, still cold pa rin siya sakin. I woke early in the morning para mag-exercise. I need it, especially ngayong buntis ako. Its doctor's advice noong last check up ko sa ob-gyn three weeks ago pa yata.

I started to walk instead of jogging. Kung dati rati jogging ang ginagawa ko every early in the morning, this time lakad lang ang gagawin ko. Mamaya dadaan ako sa ob-gyn para sa next check-up ko.

Naglakad ako hanggang sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. I smell something na nagpagutom sa akin. Pumasok ako sa bukas ng kainan para mag-breakfast.

Ramdam kong may taong nakamasid na naman sa akin. Sa tatlong araw niyang ginagawang pagmamatiyag, kilala ko na kung sino siya. Its Tyson, my dad's butler.

After kong kumain nilapitan ko siya pagkalabas ko, dahil busy siya sa pagtatype sa kanyang phone di niya napansin ang paglapit ko.

"Y-young m-master" Gulat na saad niya.

"Why are you following me tyson?" Tanong ko rito.

"Sorry young master, ang sabi ng daddy mo bantayan daw kita." Nakayukong tugon nito.

"Hindi ko kailangan ng bantay. You must go..." Sabi ko dito tsaka tinalikoran.

-RENJI POV-

Nagising ako dahil sumasakit na naman ang ulo ko. Normal lang naman daw ito sabi ng doctor. Bumangon ako habang patuloy kong hinihilot ang aking sintido.

"Apo, bakit diyan ka na naman natulog? Hindi ba't ang sabi ko tabihan mo si alex. itong batang to, oo." Sabi ni lola ng makita akong bumangon sa couch pero hindi ko nalang pinansin dahil masakit ang ulo ko.

Sumandal ako at bahagyang ipinikit ang mga mata ko habang patuloy sa paghilot sa sintido ko.

Tumayo ako para magmumog at maghilamos sa banyo. Amoy na amoy ko ang ginigisa ni lola dahil malapit lang ang banyo sa kusina.

"Gising na ba si alex, renji apo" Tanong ni lola ng makita akong palapit sakanya.

"Malay ko ho La" Mabilis kong sagot kay lola.

"Apo, kahit wala kang maalala sa pagsasama niyo ni alex dapat nasa tabi ka niya pa rin parati. Hindi mo dapat siya pinapabayaan, paano nalang kung may mangyaring masama sakanya? Aba! Kargo mo iyan apo, Lalo na't buntis siya. Ano nalang ang sasabihin ng kanyang mga magulang kapag nalaman nilang hindi mo siya inaalagaan ng maayos dito" Mahabang sermon ni lola.

"La, umagang umaga sermon agad?" Pakamot-kamot kong tugon.

"Pinapangaralan lang kita apo, dahil mali iyang pinag-gagawa mo" Duro sakin ni lola gamit ang sandok na ginagamit niya sa paggigisa.

"Oo na La" Pakamot-kamot akong naupo sa silya pero pinigilan ako ni lola.

"Apo! Uupo ka lang ba diyaan? Gisingin mo na si alex para makasabay na sa pag-almusal natin" Utos sa akin ni lola.

Wala naman akong nagawa kundi sumunod nalang sa utos ni lola. Bagot akong umakyat ng hagdan para gisingin siya.

"Sabi ni lola gumisi-

Natigilan ako ng makitang wala siya sa kama. Bukas ang pinto ng banyo at wala din siya doon ng katokin ko.

"A-alex?" Tawag ko sa pangalan niya ngunit walang sumagot.

Bumaba na ako para sabihin kay lola na wala si alex sa kwarto.

"Wala siya sa k-kwarto La" Sabi ko kay lola.

"Saan nagpunta? Ki-aga aga naman" Sabi ni lola.

"Hindi ko ho alam La" Sabi ko naman.

Nakapag-almusal na kami ni lola pero hindi pa rin siya dumarating. Hindi rin nakaalis si lola dahil sa pag-aalala kay alex.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon