Chapter13

2.2K 69 0
                                    

Chap13

Papunta na ako ngayon sa building kung saan ang room ni Jana. Medyo may kalayuan ang kanyang room dahil nasa ibang department building siya.

"Kanina pa tapos ang klase niyo?" Agad kong tanong ng makita siya nakatayo malapit sa room niya.

"Katatapos lang Ren" Nakangiting sagot nito. Nginitian ko rin siya, naalala ko bigla si alex.

Kapag si alex ang ngumingiti, Hindi mapigilan ng puso kong magwala. pati bituka ko nadadamay sa pagwawala ng puso ko. Tch!

Tinitigan ko si Jana, ngumiti siya sakin. Pero normal na pintig ng puso lang ang nararamdaman ko sakanya. hindi katulad kay alex na pinabibilis nito ang tibok ng puso ko. Shyeeeet!

"Renji" Tawag ni Jana sakin. "Okay ka lang ba?" Tanong nito.

"Oo naman jana, Ok lang ako" Pakamot kamot kong sagot.

"Natutulala ka kasi. Akala ko may problema" Pilit ang ngiti niyang sinabi iyon. Natutulala nga ba ko?

"T-talaga?" Gulat kong tanong sakanya. Tumango tango naman siya.

"Kanina pa kita tinatanong, Sabi ko kung uuwi na ba tayo. Magaalas sinco na kasi" Napakamot ulit ako sa sinabi niya.

"May naalala lang ako. Pero hindi naman importante iyon" Sabi ko. Napilitan naman akong ngitian siya.

Naglakad na kami patungong parking lot kung saan palaging nakapark ang aking motor. Sinusuksok ko ang susi sa motor ng lumapit samin si Alex.

Nagwala na naman ang puso ko ng titigan ko siya kahit naka poker face lang ito. Kahapon, simula ng hinarap ko siya sa cafeteria hindi na siya umuwi ng bahay at hindi ko rin siya nakita maghapon. Ngayon lang ulit.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya. Napalunok ako ng tumabingi ang kanyang ulo.

"Hwag kang sumama sakanya" Sabay tingin niya kay Jana. Lumunok muna ako bago nagsalita.

"Bakit naman? Ihahatid ko lang siya" Sabi ko at inabot ko ang helmet na nakasabit sa manibela. Ayoko siyang titigan, Unti unti kasing sumisikip ang dibdib ko habang nakatitig sakanya.

"Two timer ang babaeng iyan" Bigla akong nakaramdam ng inis.

"Hindi two timer si Jana!" Sigaw ko sakanya. "Kaya hwag mo siyang sinisiraan" Sabi ko pa. Ngumise lang siya ng nakakaloko. Inabot ko ang kamay ni Jana. Napatingin naman siya doon. Huminga ako ng malalim bago ulit nagsalita. "U-umalis ka na lang" Mahinahon kong sabi sakanya.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni jana pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko ng sabihin ko ang huling salita na iyon sakanya. Nakakabakla mang isipin pero iyon ang totoo.

"Ok!" Sabi nito at ipinagkrus ang kanyang mga braso na tila ba'y dismayado. Mas lalong naninikip ang dibdib ko. Sumulyap muna siya kay jana na tahimik lang sa tabi ko at bahagyang nakayuko. "Kapag may nangyaring masama kay Ren, sa impyerno ang bagsak mo" Sabi nito bago tuluyang umalis.

Nagpakawala naman ako ng napakahabang buntong hininga at napapikit na rin ng bahagya.

"Hwag mo nalang pansin iyon, War freak iyon eh" Sabi ko sakanya para hindi na magalala sa mga sinabi sakanya ni alex. Ngumiti naman siya ng pilit na ngiti at tumango.

Dumaan muna kami sa isang malapit na fastfood chain para kumain. Masyadong yatang tinakot ni Alex si Jana sa mga sinabi niya.

"Bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo? Wala ka bang ganang kumain?" Tanong ko rito. Kanina pa niya pinaglalaruan ang spaghetti sa harap niya.

"H-ha? Ah hindi naman" Sabi niya at sumubo ng kaunti tapos pilit na ngumiti.

Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko. Tahimik lang siyang kumain hanggang sa matapos.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon