Chapter16

2.3K 75 7
                                    

Chap16

Parati na kong alisto sa paligid ko. Nahihiya na ko kay alex dahil tatlong beses na niya akong iniligtas.

Noong una ay sa backstage ng gig namin. Pangalawa ng papaakyat ako ng hagdan. At pangatlo ng papunta ako ng library para manghiram sana ng libro, buti nalang nahila agad ako ni alex. Kung hindi basag na siguro ang bungo ko. May naghulog ng hollow blocks mula sa taas ng building ng papunta ako ng library.

"Grabe pre! Baka may taong galit sayo? Alalahanin mo kung sino ang nakaaway mo" Sabi ni Zion sakin. Ikwenento ko kasi sakanila ang nangyaring iyon sakin.

"Wala naman akong naaalalang nakaaway" Sabi ko at nagisip isip,  baka nakakalimutan ko lang.

"Buti nalang pala nandyan si alex para iligtas ka" Sabi naman ni Luke.

"Haha! Hanggat nandyan si Alex, for sure walang mangyayaring masama sayo men. Savior mo iyon" Sabat ni Kurt. Tiwalang tiwala talaga siya kay alex ah.

"Astig pre! Babae na pala ang nagliligtas sa lalaki ngayon? Hahaha" Tatawa tawa pa itong si Zion.

"Tch! Shut up Zion" Sabi ko dito.

"Chill lang pre, puso mo" Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Bakit hindi nalang tayo magrelax sa ibang lugar, Linggo naman bukas at wala ring pasok sa lunes at martes" Suggest ni Luke. Pumalakpak si Zion sa sinabing iyon ni Luke.

"Wow! good idea pre, Gusto ko ang naisip mo. Smartbro!" Sabi ni Zion at inakbayan niya si luke.

"Tama si Luke, para maiwasan mo na ring mastress dyan sa gustong manakit sayo" Sabi ni kurt.

"Mastress talaga kurt? Tch!" Sabi ko,  nagtawanan naman sila. Ang sarap nilang kausap. Tch!

Pagkatapos ng huli kong klase nakita kong nasa labas ng room si Alex at naghihintay.

"Buti ka pa renji may girlfriend na taga sundo sayo" Bero ng mga kaklase ko.

Hindi ko alam kung ano ang magiging expression ko sa sinabi nilang iyon, sumulyap nalang ako sa labas.

"Una na ko" Sabi ko sa mga ito at mabilis na lumabas. "Kanina ka pa ba dito naghihintay?" Agad kong tanong sakanya pagkalabas na pagkalabas ko.

"Yeps boyfriend" Sinalubong niya ako ng nakakaakit na ngiti. "Lets go?" Sabi niya pa at mabilis na nagcling sa braso ko ng makalapit.

"Swerte ni Ren no tol"

"Bagay nabagay sila"

"Ang ganda ni alex"

"Ano kaya ang pakiramdam na babae ang sumusundo sayo"

Parang bubuyog ang mga taong nakakakita samin ni alex. Nagbubulungan pero maririnig mo lang din naman. Tch!

Hinintay ko munang makauwi kami ng bahay bago ko sana sabihin ang napagusapan naming apat.

"Alex" Tawag ko sakanya pagkababa ko ng hagdan. Nakaupo siya sa couch at nanonood ng TV.

"Hmmm?" Iyon lang narinig ko mula sakanya tapos lumingon sa gawi ko.

"Gusto mo bang sumama samin?" Umpisa ko, nakatingin lang siya sakin. "Nagbabalak kase kaming pumunta ng Tagaytay, Baka G-gusto mong sumama" Pagpapatuloy ko.

"Talaga? Isasama mo ko" Yong poker face na mukha niya kanina napalitan ng saya. Bipolar talaga.

"Kaya nga kita tinatanong hindi ba" Naupo ako sa kabilang couch pero lumapit siya at naupo sa tabi ko.

"Sure! Sasama ko" Sabi niya. Nakatitig siya sakin at nakangiti. Hindi ko kayang labanan ang mga titig niyang iyon kahit gustohin ko pang makipagtitigan. "Mabuti naman at niyayaya mo akong sumama sainyo" Nagiwas ako ng tingin.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon