Chapter5

2.4K 68 1
                                    

Chapter5

-Kinabukasan-

*School*

Antok na antok ako habang nasa loob ng klase. Kulang ako sa tulog. Maguumaga na akong nakauwi dahil sa Gig namin kagabi at di rin ako nakatulog ng maayos dahil sa alex na yon. Tch!

Napamura ako ng mahina ng maalala ko ang ginawa niya kagabi sabay hawak sa aking labi.

Parang ramdam ko parin ang lambot ng labi niya sa labi ko. Yung halik niya parang nalalasahan ko pa rin hanggang ngayon.. Syeeeet!

Napalunok ako at napakagat sa sarili kong labi. Bakit ko ba inaalala ang mga iyon. Kainis!

*Class-dismissed*

Bumuntong hininga ako at tumayo na sa aking desk. Sa locker area ang punta ko. As usual para ilagay ang mga gamit ko doon. Nakakatamad at nakakasagabal kaya kapag may mga gamit kang dala-dala.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa corridor ng makita ko ang grupo ni harron na mabilis na naglalakad na para bang may gulong pupuntahan dahil sa mga hawak nitong pamalo at baseball bat, kapag nagkakaganyan kasi ang mga 'yan sigurado akong may reresbakan sila.

Nagpatianod naman ako sa paa ko at sinundan ang grupo nila at sa tingin ko sa gym ang tungo ng mga ito. Hindi ako nagkamali, pumasok nga ang mga ito sa gym. Hinintay ko lang silang makapasok ng tuluyan sa loob bago naman ako sumunod para pumasok din sa loob para alamin kung anong meron do'n.

Mukhang nahawaan na ako ni Kurt sa pagiging Chismoso nito. Tch!

Laking gulat ko nalang ng makita agad ng mga mata ko na nandodoon sa loob si Alex, Physical Education siguro ang subject niya ngayon kaya nandito siya. May ibang mga studyante rin na naroroon at natakot pa ang mga ito ng makita ang grupo ni Harron ng pumasok sa Gym.

Kinalabit si alex ng isa sa mga kasamahan ni Harron na si Gilbert, pero di ko makita sa grupo na iyon si Harron.

"Bakit?" Tanong ni alex sa kumalabit sakanya.

"Sinampal mo raw ang girlfriend ko?" Maangas na tanong ni Gilbert. Kahit babae ay pinapatolan ng taong 'to.

"Ah iyong hipon ba?" Sarcastic na pagkakasabi ni alex.

"Tangina! hindi hipon ang girlfriend ko!" Bulyaw nito sakanya na agad siyang sinugod para paloin ito ng dala nitong baseball bat.

Di ko namalayan ang buong pangyayari dahil medyo may kalayuan ako sakanila, nakita ko nalang na napaluhod si Gilbert sa sahig at sumusuka ng dugo habang hawak hawak ang kanyang sikmura.

Sumugod ang isa sa kasamahn ni gilbert pero nailagan iyon ni alex at sinikmuraan. May isa ring sumugod sa likod niya pero agaran niya naman siyang umikot at sinipa sa mukha at walang malay itong humandusay sa sahig.

Tulad ni Gilbert. Sumuka rin ng dugo ang sinikmuraan ni alex. Nagsi-atrasan ang iba pang kasamahan ni Gilbert dahil sa nakita nila sa ginawa ni Alex sa mga kasamahan nila.

"Ano. Sugod!" Hamon ni Alex pero wala ng iba pang naglakas loob na sumugod pa pagkatapos makita ang nangyari sa tatlo. Paubo-ubo namang tumayo si gilbert at pilit na itinutuwid ang sarili na animo'y lasing dahil sa pagiwang-giwang na katawan nito.

"T-tara na" Utos niya sa mga kasamahan. Hinila nalang ng mga ito at mabilis na binuhat ang walang malay nilang kasama. At agad na nagsitakbuhan palabas ng gym.

Ang babaeng 'to, paano niya ba nagawang patulogin ng isang sipa lang ang gangster na iyon? Tapos parang ang dali lang sa kanyang sikmuraan at pasukahin ng dugo sina Gilbert. Syeeeet!

Nanlaki ang mata ko ng mapansin kong sa akin nakatingin si Alex, mas lalong nagkarambola ang dibdib ko sa mga tingin niyang iyon lalo na ng paunti-unti itong lumalapit siya sa akin. Hindi ko naman maigalaw ang katawan at paa ko para tumalikod at umalis. Bwesit!

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon