Chapter15

2.3K 65 0
                                    

Chap15

-RENJI POV-

Napakasarap sa pakiramdam ng makita kong nakahiga siya kanina sa aking bisig. Nakakabakla mang isipin pero gusto ko parati siyang nasa tabi ko.

Noong umalis siya kasama ang kanyang grandpa, gusto kong tumutol pero wala naman akong magagawa kundi hayaan siya. Lolo niya iyon eh ako ano niya lang ba ako?

Walang kami pero gusto ko sakin lang siya. Alam ng buong campus na official girlfriend ko siya pero ang totoo hindi naman kami diba, sana totoo nalang na girlfriend ko siya.

Napabuntong hininga nalang ako sa aking mga iniisip.

"Men! Mukhang nagsisenti ka dyan ah! Anong problema, Hindi ba mabarya?" Tapik ni Kurt sa aking balikat. Kararating lang nila dito sa cafeteria kasama ang dalawang si luke at Zion.

"Mukha mo kurt" Sabi ko, pero tumawa si Zion.

"Huhulaan ko, Nagaway na naman ba kayo ni Alex ano?" Napataas ako ng kilay sa sinabing iyon ni Zion. "Kapag nandiyan siya kulang nalang ipagtaboyan mo siya. Buti nalang pinagtityagaan ka ni Alex pre" Patuloy nito.

Nagi-guilty ako ng dahil sa sinabing iyon ni Zion. Ganoon ba talaga ako kay alex? Fvck!

"Love na ako ni Boyfriend" Nagulat ako at napatingin sa aking likod nakahawak siya sa balikat ko. "Hindi ba boyfriend?" Sabi pa nito. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko ng makita kong nakangiti siya at titig na titig sakin.

"Nanggugulat ka na naman" iyon lang ang tanging naiwika ko. Nagiwas din ako ng tingin dahil sa nakakatunaw na titig niyang iyon.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan siya. Lamon lang ng lamon ang ginawa niya habang nasa cafeteria. Yong totoo, hindi ba siya nabubusog? Ganyan siya parati kapag nandito sa cafeteria.

*class-dismissed*

Uwian na namin, pumunta ako ng locker ko para ilagay ang aking mga gamit.

"Hi boyfriend" Gulat na naman niya sakin.

"Bakit parati ka nalang nang gugulat" Mahinahon kong sabi sakanya. Ngumiti lang siya. Napaiwas na naman ako ng tingin.

"Sasabay ako sayo ha" Sabi niya.

"Sige, okay lang" Mabilis kong sagot at nagumpisa ng maglakad. Nagcling siya sa aking braso. At napatingin sakanya. "Gusto mo bang kumain sa labas?" Yaya ko sakanya. Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko.

"Sure boyfriend" Nakangiti nitong sagot. Napangiti nalang ako bigla. "Ang cute mo" Biglang pisil niya sa pisngi ko. Napalunok naman ako sa ginawa niyang iyon.

"Ano ba nakakahiya" Sabi ko habang palinga linga pa.

"Ano bang nakakahiya doon? Totoo naman kasi, ang cute mo kapag nakangiti" Pakiramdam ko nagblush ako sa sinabi niya. Shit!

"Hwag ka ngang ganyan" Nagiwas na naman ako ng tingin. Tumawa siya, Nahinto ako sa paglalakad. Ngayon ko lang siya narinig na tumawa.

Sa simpleng ngiti nga niya kumakalabog nang husto ang puso ko tawa pa kaya? Halos lumabas na ang puso ko doon. Fvckshit!

"Ano, Lets go" Sabi niya sabay hila niya pa sakin.

Excited siyang sumakay sa aking motor. Napatingin lang ako sakanya, hwag niyang sabihing siya ang magmamaneho. Yong huling pagmamaneho niya kinabahan ako ng sobra.

"Akin na ang susi" Sabi niya napalunok ako.

"Ako na ang mamamaneho umangkas ka nalang sakin" Mabilis niyang wika. Hindi kaagad ako nakasagot. "Sige na boyfriend, please" Malambing na sabi nito. Iniabot ko naman sakanya ang susi ng aking motor. Fvck!

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon