Chapter25

2.1K 48 1
                                    

Chap25

-RENJI POV-

Pagmulat ko nakita kong nasa tabi ko siya at mahimbing na natutulog sa aking bisig.

Pinagmasdan ko na naman ang kanyang maamong mukha habang natutulog siya at marahang hinalikan ang kanyang pisngi, hindi siya nagising sa ginawa kong paghalik sakanya.

Sa tingin ko ay pagod na pagod siya kaya mahimbing ang kanyang pagtulog. Hindi ko alam kung anong oras na ba ako nakatulog dahil sa kakaisip sakanya. Wala akong idea kung anong klaseng mission ang meron siya kagabi.

Bumangon ako para echeck kung okay lang ba siyang nakauwi, tinignan ko ang buong katawan niya, mabuti nalang at wala akong nakitang ano mang galos sa katawan niya kahit sugat ay wala din.

Pansin ko na mahimbing talaga ang kanyang pagtulog kaya hindi ko na siya ginising pa, dahan dahan lang ako sa pagpunta ng banyo para maghilamos at magmumog, ganoon din sa pagbukas ng pinto ng kwarto para lumabas. Ayokong maistorbo ang mahimbing niyang tulog.

"Apo, Mag-almusal ka na. Asan si alex, tulog pa ba?" Naupo ako sa silya, Kahahanda lang ni lola ng almusal sa hapag.

"Ayoko ho siyang gisingin La, Himbing pa sa pagtulog eh" Tinuhog ko ang hotdog gamit ang tinidor at mabilis na isinubo iyon.

"Ganoon talaga pagbuntis apo, Sige hayaan mo muna lang siguro siyang matulog" Natigilan ako sa pagnguya ng aking kinakain. "Kapag malaki na ang tiyan ni alex, hindi na siya makakapasok sa inyong paaralan apo. Paano na lang ang pag-aaral niya? Hindi madali ang pagpapamilya renji apo" Naupo si lola sa kanyang silya para mag-almusal na din.

Kumibot-kibot lang ang aking bibig sa sinabing iyon ni lola at naglikot ang aking mga mata. Wala akong makapang salita sa sinabing iyon ng aking lola.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng almusal at pagkatapos ay umakyat na ng kwarto para maligo.

Tulog pa rin ng abotan ko si alex sa kama at nananatiling mahimbing ang pagtulog nito. Gusto ko siyang gisingin para pumasok ng school at ng makapag-agahan na, ngunit may parte ng kukute ko na hwag siyang gisigin at hayaan lang siyang matulog.

Naligo na ako at nagayos-ayos ngunit tahimik kong ginawa iyon. Tumitig muna ako sakanya bago lumabas ng kwarto at umalis ng bahay.

Iniwan ko sa study table ko ang aking cellphone, ng sa ganoon ay madali ko lang siyang matawagan. Gagamitin ko nalang ang cellphone nila luke para tawagan or mag-message doon.

Pagpasok ko ng room wala pa ang professor pero nagsisilabasan ang mga kaklase ko.

"Wala daw si prof, Ren" Salubong ng aking kaklase.

"Bakit?" Tanong ko.

"May seminars daw na pinuntahan" Tch! Dapat pala hindi muna ako pumasok. Edi sana kasama ko ngayon si alex. Bwesit!

"Pre! Wala din ba ngayon ang prof niyo?" Tanong ni Zion ng makita akong lumabas ng room.

"Wala" Walang gana kong sagot.

"Ano, sa cafeteria tayo tumambay?" Bagot akong tumango, naglakad na kami papuntang Cafeteria.

Kung may motor lang sana ako ngayon edi sana bumalik nalang ako sa bahay. Leche kasing motor iyon. Kung kailan kailangan, wala na tuloy! Tch!

Naupo ako sa silya at hiniram ang phone ni zion para maki-text. Mabilis kong tinipa ang mga litra para makapag-message.

LeadeRen
09*********

Morning alex, si Ren ito. Sorry hindi na ako nakapag paalam sayo. Ayokong istorbohin ka sa pagtulog mo. Andito na ako sa school. Kumain ka ng breakfast. Love you, muah! 😘😘
Sent from globe telecom

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon