Chapter34

1.7K 54 0
                                    

Chap34

Pagkatapos gumaling ng aking sugat umuwi na kami ni alex sa bahay, namiss ko rin si lola kahit na papaano. Niyakap ko siya ng mahigpit pagkauwi niya galing sa kanyang negosyo.

Nagluto ako ng paborito ni lola na sinabawang bangus at minudo, sabay ko na ring tinuruan si alex kung paano magluto noon dahil hindi siya marunong kung paano lutuin ang mga iyon.

"La, ipinagluto ho kita ng paborito niyo" Sabi ko kay lola habang papunta kami ng kusina para kumain ng haponan.

"Salamat apo sa pagaabala sa pagluto ng mga iyon" Masayang tugon ni lola.

Pinaupo ko siya sa kanyang silya, inihanda naman namin ni alex ang ulam na niluto namin sa hapag tsaka naupo.

"Oo nga pala apo, Death anniversary ng tito mo henry at ng pinsang mong si gabby bukas" Paalala ni lola, bigla naman akong natahimik. "Bibisita ka ba sa kanilang puntod apo?" Tanong ni lola.

"Oho naman La" Sagot ko. Mabuti nalang pinaalala ni lola iyon.

"Ipagdadasal ko nalang sila sa simbahan apo, magiging abala ako bukas sa aking fast food. Ipagsindi mo na nalang ako apo ng kandila para sakanila" Sabi ni lola.

"Sige ho La, wala hong problema doon" Sabi ko naman at ipinagpatuloy na ang aking pagkain.

Nilagyan ko ng sabaw ang tasa ni alex dahil ubos na iyon. Mukhang nagustuhan niya ang sinabawan, Hindi niya pinansin ang minudo at ang sinabawang bangus lang ang kinuha niya.

Pagkatapos naming manood ng tv sa sala nagyaya ng umakyat si alex dahil inaantok na raw siya.

Nagising naman ako ng maaga para magluto ng almusal, wala ng pasok ngayon dahil tapos na ang aming 1st semester. Gising na din si lola kaya katulong ko siya sa paghahanda.

Kagigising lang ni alex ng umakyat ako sa kwarto, sabay sabay kaming nag-almusal ng umagang iyon at pagkatapos ay naligo din kami ng sabay ni alex.

Napansin ko na parang lumalaki na ang tiyan ni alex, naeexcite tuloy lalo ako kaya parati kong hinihimas ang tiyan niya. Sana ay maging normal ang panganganak ni alex.

"La, sabay kana ho sa amin" Sabi ni alex kay lola dahil papaalis na din ito.

"Osha sige alex, sasabay na ako" Sabi ni lola.

Nasa passenger seat si alex at nakaupo naman sa back seat si lola. Hinatid muna namin si lola tsaka bumili ng bulaklak at kandila bago kami nagtungo sa sementeryo.

Inilapag ko sa puntod ang bulaklak na dala namin at pagkatapos ay nagsindi na rin ng kandila para kay tito henry at kuya gabby ganoon din sa puntod ng aking ina dahil magkakatabi lang ito.

Huminga ako ng malalim tsaka maayos na tumayo, tinitigan ko ang kanilang mga puntod. Di ko napansin ang luha na dumaloy sa aking mga mata. Shit!

Mabilis kong pinahid iyon, at napansin naman iyon ni alex.

"Are you okay?" Mahinang tanong nito. Lumunok ako at marahang tumango.

Subalit, patuloy lang ang luha sa mata ko. Kaasar! Peste! Bakit ngayon pa nagloko ang luha ko kung kailan nasa harap ko si alex. Bwesit!

Inabotan niya ako ng panyo mula sa kanyang dalang pouch, inabot ko naman iyon at pinunas sa mga mata kong nagbabanta na namang lumabas.

Ganito ako minsan kapag naaalala ko ang mga masasaya naming araw noong buhay pa sila tito at kuya gabby. Nakakabakla mang isipin pero umiiyak talaga ako.

Napakabait kase nila sakin, si tito henry na ang kumupkop at tumayo bilang ama ko noong namatay si mama. Kahit noon pa man ay siya na rin ang itinuring kong tunay na ama ko. Maging ang anak nitong si kuya gabby ay tinuring ko ding nakakatandang kapatid. Para ko ding best friend noon si kuya, kahit na ilang taon ang tanda nito sa akin.  masaya kami kapag naglalaro at parati niya akong tinutulungan sa maraming bagay.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon