Chapter9

2.3K 70 0
                                    

Chap9

Dalawang araw ko ng hindi pinapansin si Alex. Ayoko siyang kausapin naiinis ako sakanya.

"Hi boyfriend, Galit ka?"

"Fvck!" Mahina akong napamura dahil sa gulat ng magsalita siya pagkasara ko ng locker. Nakasandal siya doon, naka-krus ang dalawang braso at taas kilay na nakatingin sa akin.

Kabute talaga ang isang 'to. Tch!

Inismiran ko siya at hindi pinansin. Naglakad ako palayo pero sumunod naman siya. Naiinis ako habang nakasunod lang siya sakin, hinarap ko siya at bagot na tumitig sakanya. "Pwede ba, H'wag mo nga akong sundan" Sabi ko pero ngumisi lang siya.

"Baka pareho lang tayo ng pupuntahan kaya ako nakasunod sayo" She said sarcastically.

"Ayoko kasing nakikita ka" Sabi ko naman.

"Pero gusto kong nakikita ka" Mabilis na sabi nito.

"Lubayan mo nga ako?" Inis ko siyang tinitigan ng masama.

"Ayoko nga boyfriend" Pagmamatigas nito.

Fvck! Ano bang kailangan ng babaeng to? Bakit ba ang kulit-kulit niya at ayaw akong tantanan...

"Ano bang gusto mo?!" Nakakahigh-blood na talaga siya.

"Ikaw!" Sagot niya. Humakbang siya palapit sa akin at nilabanan niya ang mga titig ko sakanya. "Ikaw ang gusto" Mahinang usal niya ng tuluyang makalapit ng husto sa'kin.

Para akong tinaponan ng kumukulong tubig sa sinabing niyang iyon at sunod-sunod na napalunok.

Napa-awang ang aking bibig at hindi makapagsalita. Sunod-sunod ulit ang paglunok ko ng abotin niya ang aking batok at marahan na ipinagdikit ang aming mga noo. Hindi naman ako makagalaw dahil sa ginawa niya, pinagtataksilan ako ng katawan ko para hindi umiwas sakanya. Peste!

"I know you like me, Ren. Don't hide your feelings from me" Sabi niya at mabilis na sinakop ang aking bibig. Syeeet! Baka may makakita samin dito. Fvckshit!

Ngumise siya ng nakakaloko pagkatapos niya akong halikan at umalis ng walang paalam. Sinundan ko naman siya ng tingin habang naglalakad palayo.

Siya lang ang babaeng gumawa sa akin ng ganito. I mean, marami ng babaeng nagtapat ng feelings sa akin pero hindi ganito. Hindi ako makapagsalita at hindi makaimik sa mga sinabi niyang iyon. How can be. Damn!

👊👊👊

Nasa hallway ako, naglalakad para pumunta ng Gym. Manonood sana ng practice game ng makasalubong ko ang lalaking iyon.

"Hey!" Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya. "I don't see her around. Have you seen her?" Sino bang hinahanap niya. Tch!

"I don't know who you're looking for" Sabi ko at nilampasan siya.

"Its Alex." Natigilan ako at napalunok. "Ikaw nalang mag-abot nito sakanya" Nilingon ko siya. Nakita ko ang isang malaking paper bag na hawak niya. "Hindi ko siya makita at masyadong malaki itong University para libotin ko" Poker face na sabi pa niya tsaka ito tumingin sa kanyang Rolex na suot.

"At ako pa talaga ang inutusan mo?" May bahid ng inis na pagkakasabi ko sakanya.

Poker face lang ang mukha niya ng muling tumingin sa akin at pakiramdam ko sa mga tingin niya ay kataposan ko na. Iba kasi siya kung makatingin at walang kaemo-emosyon ang mukha niya. Para siyang bampirang hindi nasusunog sa araw.

"Ibigay mo nalang ito sakanya" Sabi nito at inilagay sa mga kamay ko ang hawak niyang paper bag na bitbit niya. "Pakisabi galing sa akin" Pahabol niya bago tuluyang umalis.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon