Chapter17

2.2K 61 1
                                    


Chap17

After two hours na maghorse back riding, zip line naman tapos namasyal kami at bumili ng mga items para may remembrance. iyon ang ginawa namin kahapon. Hindi sapat ang isang araw para mamasyal kaya ngayon namin ipinagpatuloy.

Sumakay kami sa isang swiss funicular train pagkatapos naming maglunch para makita ang magagandang tanawin dito. Napakafresh ng hangin, talagang nakakarelax at maeenjoy ang bawat moment lalo na't kasama ko si Alex.

"Swimming tayo mamayang gabi sa country club's pool, ano?" Yaya ni kurt.

"Sige pre! Astig yan, mukhang maraming chix doon" Excited na tugon ni Zion at nag-apir pa ng dalawa.

"Ano bang habol niyo doon swimming o chix" Sabat ko sa dalawa.

"BOTH!" Sabay sagot ng dalawa tapos nagtawanan pa.

"Ikaw luke, sasama ka ba samin?" Tanong ni kurt dito.

"Oo naman sasama ko, hindi pwedeng hindi" Sagot ni Luke.

Pagkababa namin sa funicular nagyayang magbowling si Zion. Habang naglalaro sila nakaupo lang ako habang pinagmamasdan silang tatlo.

"Ikaw Ren, di ka ba maglalaro?" Tanong ni Luke umiling ako.

"Kayo nalang" Sabi ko pa.

"Try mo lang, Tara!" Pamimilit ni kurt sakin at hinila pa ako patayo.

"Try mo lang pre! Uupo ka lang ba at hindi maglalro? Ang kj mo Pre!" Sabi ni Zion. Napagkaisahan pa ko ng tatlong ugok na to.

"Oo na, Oo na" Sabi ko sakanila. Inabotan ako ni Luke ng isang mabigat na bolang iyon ng bowling at isinuksok ko ang daliri sa butas doon.

"Ano, pustahan hindi lahat mapapatumba ni Renji, i think mga dalawa lang" Si Kurt.

"Sakin kalahati ay mapapatumba niya" Sabi ni Luke.

"Ako kahit isa sa mga iyan hindi niya mapapatumba. Hahaha" Sabi naman ni Zion.

"Nagawa niyo pa talagang pagpustahan ang tira ko!" Inis kong baling sakanila.

"Haha! Chill pre! Nagsusungit ka na naman" Sabi ni Zion.

"Okay lang yan men! Itira mo na" Inismiran ko sila at nagconcentrate sa pagasinta para lahat ko mapatumba.

Bumwelo ako at malakas na itinira iyon. Hinintay namin kung ilan ang matutumba. Pero shit, kalahati lang ang naitumba kong pins. Tch!

"Ayos! Panalo ako" Rinig ko kay Luke.  Bagot akong naupo.

"Ikaw alex ayaw mong itry?" Sabi ni Zion, nakaupo lang din kase si alex at nanonood.

"Sige, pero isa lang" Sabi ni alex at cool na tumayo at lumapit sa tatlo.

Inabotan din siya ni luke at parang hindi man lang nabigatan sa bolang hawak niya. Samantalang iyong ibang babae dito napapangiwe pagnahahawakan ang mabigat na bolang iyon.

Hawak pa rin niya iyon at nakatingin lang sa mga pins na titirahin niya habang iyong tatlong ugok naman nagpupustahan nanaman. Tch!

Hindi siya buwelo tinignan lang niya ang mga pins na titirahin niya. Hindi katulad ng ginawa ko kanina na bumwelo pa  para lahat mapatumba pero kalahati lang ng naitumba ko. itinira na niya ang bola at lahat ng pins ay bumagsak. Fvck! Ang galing!

"Wow! Ang galing mo alex ah" Bilib na bilib na sabi ni Zion. Ngumiti lang si alex sa mga ito.

Nakakahiya sakanya ako kalahati lang ang naitumba kong pins pero siya, walang palya lahat tumba. Naglalaro siguro siya parati ng bowling kaya ang galing niya.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon