Chapter40

2K 64 8
                                    

Chap40- The Last chapter.

Di na namin pinatagal at inasekaso agad lahat namin ang dapat na asekasohin.

Gusto ko na talagang pakasakan siya as soon as possible.

Tinulungan ako ng tatlo kong tropa para sa kasal namin ni alex, from invitation to reception and etc kasama ko sila.

Tumulong din si jiah at henz maging si cass ay tumulong din ng malaman nitong ikakasal na kami ni alex.

Now i feel nervous, habang inaayos ko ang aking necktie. I glance at my wrist watch para alamin kung anong oras na.

May ten minutes pa at darating na ang aking bride ang soon to be wife ko. nasa loob ako ng simbahan, at panay ang lakad ko dahil medyo kinakabahan ako.

Ganito pala ang pakiramdam kapag ikakasal ka. Parang anytime gusto kong magbanyo para umihi dahil sa kaba. Shit!

"Congrats!" Tapik sa akin ni Yohan. Huminga ako ng malalim.

"Thanks!" Sabi ko.

"I am happy for you son" Sabi naman ng aking ama.

"Thanks, Dad" Sabi ko sakanya.

Especial na araw namin ito ni alex dahil its our wedding day of course. Gusto kong magpatawad sa lahat ng taong kinaiinisan at kinikimkiman ko ng galit. Isa na doon ang aking ama.

Ano pa bang magagawa ko? Matagal na akong galit sakanya, pero siguro ito na iyong tamang pagkakataon na patawarin siya dahil soon magiging daddy na rin ako.

Kahit hindi pa lumalabas ang baby namin ni alex, nare-realize ko na maling magalit ako sa aking ama.

"Ayan na ayan na, nandyan na ang bride!" Deklara ni zion. Tangina! Nageecho sa simbahan ang malakas na boses niya.

Tumayo ako ng matuwid at bahagyang sumilip sa malayo, doon sa may pinto.

Best man si kurt kapares nito si Jiah as a brides maid. Kasama din si Luke at Zion syempre. Kapares ni luke si Cass at si henz naman kay zion.

Pinahilira na ng wedding planner ang mga usherettes maging ang mga cute na cute na bearers at flower girls.

Huminga ako at ibinuga ko lahat ng hangin na inipon ko sa bibig ko. This is it!

"Ready?" Nakabungisngis na tanong ni Kurt.

"Onaman" Sagot ko, sabay fist bump namin.

Tumunog na ang kadalasang tinutugtog kapag kinakasal, kasabay noon ang magandang acapela ng tatlong singer.

Mas lalong nagsilakbo ang kabang nararamdaman ko, Potek! Parang may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. Shit!

Nagsimula ng rumampa ang mga bearers at flower girls sunod ang usherettes then the maids of honor. Si yohan at jana naman ay pumapaso na.

Nakabungisngis si zion ng ito na ang susunod nakacling sa braso nito si henz. Temang talaga kahit kailan, pero natawa nalang ako.

Sunod naman si Luke at Cass na pumaso, dikit na dikit si cass kay luke comfortable naman na si luke hindi tulad ng dati. Sa tingin ko may something itong dalawa ng hindi ko alam. Halata sa kilos eh, Tch!

Next ay ang mga sponsors parang nag slow mo ang lahat ng makita ko na si alex na naglalakad. Fvck!

Iyong kaba sa dibdib ko mas lalo pa yatang nadagdagan. Shit!

Hindi tumigil sa pagtibok ang puso ko hanggang sa makarating siya sa harapan ko. Ang ganda niya. Ngayon ko lang siya nakitang may makeup. Fvck!

"Take my daughter's hand renji" Untag sakin ng daddy ni alex kaya nakabalik ag diwa ko. Shit!

"Thanks ho" Sabi ko dito sabay yuko bago ko inoffer kay alex ng aking kamay.

"Please take care of my daughter, okay renji?" Masayang pahayag ng mommy niya. Tumango naman ako at ngumiti.

Ngayon sabay naming tinungo ang altar para sa pagiisang dibdib naming dalawa.

Nagsimula naman agad ang pare sa ceremony pero panay sulyap ko kay alex, at pasimpleng napapangiti. Tangina! Bakit kinikilig ako? Peste! Bat ba kase ang ganda niya, makalaglag brief, Potek!

Parang ang bilis lang ng ceremonya hanggang sa namalayan ko nalang na nagpalitan na kami ng 'I DO'

"You may now kiss your bride" Deklara ni father.

Hinarap ko si alex at masuyo ko itong hinalikan sa labi. Natawa siya at pinunasan ang aking bibig dahil sa lipstick na naiwan sa aking bibig.

Nagpalakpakan naman lahat ng nasa simbahan.

"Finally!" Muli kong hinalikan si alex sa kanyang labi.

Magkatabi kaming nakaupo sa kotse para pumunta na sa reception. Hindi ko maiwasang yakapin siya at himasin ang tiyan niya.

"Baby, ikaw nalang ang hinihintay namin. Kasal na kami ni mommy" Sabi ko habang patuloy sa maghimas sa tiyan ni alex.

Naramdaman ko ang paggalaw ng tiyan ni alex. Nagulat ako doon kaya napatingin ako kay alex.

"Gumalaw si baby, babe" Tuwang tuwang sabi ko.

"Alam ko, nasa tiyan ko kaya si baby. Sira!" Nakatawang saad niya.

Pagkarating namin sa reception masaya naming pinagsaluhan ang masasarap na pagkain. Ginutom ako dahil sa kaba ko kanina.

Oras na para ihagis ni alex ang kanyang bouquet sa mga bisita. Inalalayan ko naman siya.

"One, two, threee!" Sabay tapon ni alex patalikod ang bouquet na hawak niya.

Si leveon ang nakasalo ng bouquet, napa-pout naman si leveon at tumingin ito kay razer. Poker face lang si razer at walang makikitang kahit anong reaction sa mukha nito.

Sinuksok nito ang dalawang kamay at naglakad palayo. Napa-iling nalang ako, at natawa sa reaction ni leveon. Binato ni leveon si razer ng bouquet na nasalo niya.

"The fuck!" Inis na nilingon nito si leveon. Pero binigyan lang siya ni leveon ng double dirty finger, tsaka padabog na nagwalk-out.

"Whoooaaw!" Sigawan ng mga nakakita. Natawa nalang ako ng mapansing namula ang mukha ni razer. Hindi ko alam kung sa hiya o sa inis.

Naupo na ulit kami ni alex baka makita pa ako ni razer na pinagtatawanan ko siya.

Hinimas kong muli ang tiyan ni alex.

"Baby, honeymoon ni mommy at daddy mamaya. May ibabaon si daddy kay mommy, pikit kanalang ha?" Hinampas ako ni alex sa braso.

"Tumigil ka nga!" Sabi nito.

"Joke lang babe, ito naman" Sabi ko sabay pinch ng pisngi niEND Tsaka hinalikan sa labi.

"One more!" Sigawan ng bisita. Di ko alam na nakita pala nila ang ginawa kong paghalik kay alex.

Muli ay hinalikan ko si alex with full of love sabay haplos ng mukha nito.

"I love you hubby" Nakanigiti nitong saad.

"I love you too" Sabay kagat ko sa labi niya.

Wala akong paki alam kung may makakita sa ginawa ko. Gusto ko lang ipakita kay alex na mahal ko siya.

♡THE END♡

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon