Chapter19

2.4K 65 0
                                    

Chap19

Umuwi na kami ng bahay ngunit hindi na namin naabotan si lola. Siguro nakaalis na papunta sa kanyang fast food.

Mabilis akong naligo at nagayos ng sarili. Kailangan ko pa kaseng habolin ang major subject ko ngayon. Hindi pwedeng umabsent sa prof kong iyon. Baka ibagsak ako. Tch!

"Are you done?" Dungaw ni alex sa banyo. Nakabihis na ako at katatapos lang magtooth brush.

"Yup! Lets go" Sabi ko tsaka lumabas.

Hawak hawak niya ang susi ng kanyang motor habang pababa kami ng hagdan. ang motor niya ang sinakyan namin pauwi dito. Isa iyong harley davidson motorbike. Karamihan sa mga lalaki ganoong klase ng motorbike ang gusto. Kahit ako, pero wala naman akong sapat na pera pambili ng ganoong kamahal na motor.

Pagkasakay niya umangkas na ako at sinuot ang helmet tapos humawak sa bewang niya. Amoy na amoy ko pa ang bango ng kanyang buhok pati na rin ang kanyang mabangong perfume.

Mabilis kaming nakarating ng school. Ang bilis niyang magpatakbo ng motor, tinalo pa niya ako sa pagmamaneho. Hanggang 60 lang ang pagpapatakbo ko samantalang siya halos umabot na ng 100 to 120.

"Kita nalang tayo mamaya sa cafeteria" Inihatid ko muna siya sa kanyang silid bago pumasok sa subject ko.

"Sige boyfriend" Nakangiti nitong sagot, nang dahil sa ngiti niyang iyon kaya ako nahulog sakanya.

"I love you" Pabulong kong sabi at nginitian siya tapos marahan kong pinisil ang kanyang kamay.

"I love you too boyfriend" Mabilis niya akong binigyan ng smack sa labi na nagpainit ng aking mukha. Fvck!

"Bye, See you" Paalam ko, baka asarin niya pa ako kapag napansin niyang namumula ako. Ang bakla mo renji! Tch!

Parang lutang lang ako habang patungo sa aking silid. Si alex kasi ang nasa isipan ko, naiisip ko kasi ang kanya magandang mukha lalo na ang mga ngiti niya sa twing nakatitig siya sakin.

Naupo kaagad ako sa aking desk pagkapasok ko ng silid. Wala pa si prof kaya medyo maingay pa ang mga kaklase ko. Pero mamaya magsisitahimik din ang mga iyan. Strikto ang professor namin ngayon.

"Hi renji" Lumingon ako sa tumawag sakin. Isa sa mga kaklase ko. Si Cyrene.

"Bakit?" Mabilis kong tanong. Napatungo naman siya.

"Kayo ba ni Alex?" Nangunot ang noo ko sa tanong niyang iyon.

"Oo, kami nga. Bakit mo tinatanong?" Hindi kaagad siya nakapagsalita.

"Akala ko kasi hindi kayo, sorry" Sabay tungo pa niya. Di ko na siya pinansin at tumingin nalang sa labas ng bintana.

"Tol! Daming nakikitang patay ngayon. Karamihan anak ng business man daw" Napatingin ako sa mga kaklase ko sa may unahan ko.

"Nakakatakot naman kapag ganyang balita" Sabi ng isa kong kaklase. Hinayaan ko nalang at ibinalik ang paningin sa labas ng bintana.

"Kawawa nga eh! Tinuturokan daw muna ng pampatulog bago patayin. Grabe!" Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Tinututukan ng pampatulog?

Tumayo ako at nilapitn ang mga ito,  tinignan ko ang hawak nilang ipad. Naroroon ang details kung sino sinu at kung paano ito pinatay. Apat na ang nakuha nilang patay na pawang anak ng mga business man.

"Kailan pa kumalat ang balitang iyan?" Tanong ko sa mga ito.

"Kahapon lang renji, pero ang sabi noong isang araw pa pinatay ang mga biktima. Kahapon lang inilabas ang balita" Napalunok ako at napaatras.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon