Chapter3

2.8K 83 1
                                    

Chapter3

Last minor subject ko na ito ngayong araw. At heto ako ngayon, kating-kati na ang paa kong makauwi sa bahay.

Nabu-bweset na nga ako sa tatlo kong tropang ugok. Feeling close ba naman sa alexzone na 'yan kanina sa Cafeteria. Tch!

"Alex, mukha yatang batrip si Ren" Rinig ko kay Zion. Nilingon ko agad sila, nagbungisngisan naman agad ang tatlong ugok.

"Haha. Sa tingin ko Alex kailangan mo lang lambingin 'yang i Ren ng humupa ang kabadtripan niya" Suggest ni kurt habang tatawa-tawang bulong dito.

Bumubulong ba tataga siya o pinaparinggan niya ako? Ayos din ang mga kumag na 'to. Tch!

"Don't worry. Akong bahala diyan kay boyfriend mamaya" Sabay wink niya sakin.

Syeeet na malupet! Hula ko pinagtitripan talaga ako ng lintik na babaeng 'to. Ang lakas ng saltik. Nakakabwesit!

"Anong ikaw ang bahala? For your information hindi kita girlfriend kaya h'wag mo kong matawag-tawag na boyfriend. Pwede?" Nakakabanas na talaga.

"Ouch Boyfriend!" Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Di lang pala assumera ang babaeng to pang-best actress din pala.

"Ang harsh mo naman renji kay alex" Sabi ni Luke.

"E' ano ngayon?" Sabi ko at inismiran sila. Tapos sa bintana na ako tumingin hanggang sa matapos ang discussion.

*Class-dismissed*

Nauna na agad akong lumabas at iniwan ang tatlo kong kaibigang mga ugok. Baka asarin na naman ako ng mga iyon. Ang lalakas panamang manginis at mang-asar ng mga 'yon.

Pabagsak kong ipinasok ang mga gamit na bitbit ko sa locker at agad na isinara iyon. Kinuha ko ang susi ng aking motor at agad na umalis ng school.

Imbes na umuwi, sa park muna ako nagpunta para tumambay. Para na rin magpalamig ng ulo dahil nakakapanginit ng ulo 'yong buong araw ko sa school dahil sa babaeng 'yon, maging sa tatlong ugok kong kaibigan na halos minu-minuto akong inaasar.

Oo naiinis ako at nababadtrip, hindi ko alam pero iyon talaga ang nararamdaman ko sa ngayon.

Alam na ni Jana na may girlfriend ako at kalat na ito sa school campus. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at iyon ang ginawa ko? Ang masaklap, hinalikan ko pa. May ibang reason panaman para makatakas sa sitwasyong 'yon, bakit hindi ko nalang kasi inamin para hindi na humantong sa ganito. Akala tuloy ng mga schoolmates ko sa campus, girlfriend ko talaga ang babaeng 'yon. Haist!

Hinalikan ko ang babaeng hindi ko naman na kilala, ni hindi ko nga alam kung saang lupalop galing iyon at bagong salta lang siya school namin.

Tapos may nalalaman pa siyang patawag-tawag na boyfriend sa akin? E' pwede niya namang sabihin na wala kaming relasyon kasi 'yon naman talaga ang buong katotohanan, pero ini-insist yata niyang girlfriend ko siya kaya naman paniwalang-paniwala ang mga kaibigan ko sakanya kahit ilang beses ko ng sinabing napagtripan ko lang siyang halikan no'ng time na 'yon. Pinaninindigan naman yata ng Alex na 'yon na girlfriend ko nga siya. Kainis!

Nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga tsaka ako tumingin sa wrist watch na suot ko.

Maggagabi na pala, napasarap ang pagmuni-muni ko dito sa park. Malapit lang ang naman ang bahay namin mula dito at madalas dito ako tumatambay kapag ganitong nagpapalamig ako ng ulo at ayoko pang umuwi.

Tumayo na ako at sumakay sa motor ko, pinaandar ko 'yon tsaka pinaharurot pauwi ng bahay.

Binuksan ko ang gate at ipinasok ko ang motor ko at ipinark ang motor sa garahi nito. Napansin kong naka-bukas na ang mga ilaw sa bahay.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon