Chapter32

1.8K 59 1
                                    

Chap32

Dumating ang araw ng pangalawa kong mission na ibinigay sa akin ni grandpa, kinakabahan parin naman ako ngunit hindi katulad ng kabang nararamdaman ko noong una kong naging mission.

Dalawa ang aking target, ang mag-asawang Fischer. Master mind sila ng Cyber crime, matagal ng nagtatago sa batas. Mataas ang patong ng dalawa sa ulo kung sino man ang makakahuli sa mga ito.

Unfortunately, wala pang nakakahuli sa dalawa kaya naman pinaubaya na sa Crosepher para patayin daw ito, dahil sa mga masamang negosyo nito.

Inihanda kong maigi ang aking sarili bago umalis, medyo may kalayuan ang pupuntahan naming lugar ni razer para matunton ang magasawa.

Nakalagay sa folder ang mga details, ngunit wala na sa tinitirhan nito ang mag-asawa. Pinuntahan din namin ang posebleng lipatan ng dalawa.

"You should always be prepared" Wika ni razer, nakahawak ito sa kanyang manibela at panay ang masid sa labas.

Isang oras na kaming nandito sa kotse para magmatyag sa lugar, wala kaming nakikita sa dalawang fischer.

"Baka nakatunog ang mag-asawa kaya hindi natin sila makita" Saad ko habang nakatingin din sa labas.

"Wanted sila, Normal sakanila ang maging segurista" Sabi ni razer. May nakita akong dalawang kahina-hinala na may hawak na malaking bag.

Nakataklob ang babae ng malong at nakasumbrero naman ang lalaki na mabusising pinagmamasdan ang buong paligid bago tumawid at pumara ng taxi.

"Razer, sila ba iyon?" Turo ko sa mga ito. At sa tingin ko nakita na rin iyon ni razer.

"I see" Sabi nito sabay paandar ng kanyang kotse.

Binuksan niya ang bintana sa tabi niya tsaka kinapa ang desert eagle with silencer. Saktong pagliko niya ay pinaputokan niya ang likod ng taxi habang patuloy na umaandar ang sasakyan namin. Ang astig! Shit!

Asintado talaga si razer, dahil tumama iyon mismo sa plate number ng taxi na sinasakyan ng dalawa. Kung ako siguro ng gumawa noon sa ibang dereksyon tatama ang tira ko.

"We don't follow them?" Tanong ko ng pumarada ito sa gilid.

"I shot the taxi they were riding a tracking device" Poker face nitong sagot sa akin, tsaka inilabas ang phone nito sa bulsa.

Ginawa niya siguro iyon para hindi mag-panic ang dalawa na may sumusunod sakanila. Professional na talaga si razer sa ganitong mission.

Sa ibang daan kami dumaan habang sinusundan ang tracking device na nasa taxi. Bumaba ang dalawang target namin sa harap ng isang hotel.

"Follow them, alamin mo kung saang room sila" Utos ni razer sa akin.

Bumaba naman agad ako bitbit ang
Glock-18 na dala ko, pasimple ko silang sinundan sa front desk at nakinig kong saang room sila habang kausap nito ang receptionist ng hotel.

Tumalikod ako at naglakad para maupo sa couch ng lobby, hinintay kong pumasok si razer ng mamataan kong papasok ito ng hotel.

Dere-deretso itong naglakad patungo sa elevator, tumayo ako para sundan siya. Sabay kaming pumasok ng elevator.

"What Floor?" Tanong niya.

"7th floor, Room24" Mabilis ko namang sagot.

Pinindot niya ang 7 button ng elevator. Tahimik lang kami habang nasa loob ng elevator habang hinihintay na makaakyat.

"Wear the face mask" Cold na utos nito. Nagsuot siya ng face mask ganoon din ako.

Sinira niya ang mga cctv at may inilagay pa siya doon. Walang kahirap hirap niyang nabuksan ang doorknob ng kwarto.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon