Chapter6

2.2K 75 1
                                    

Chapter6

Nagising ako ng dahil sa ingay sa baba. Kinusot-kusot ko ang aking mata at mabilis na bumangon. Nagmumog muna ako at naghilamos saglit sa aking banyo bago ako tuluyang bumaba.

"Ano bang ingay yon?" Tanong ko ng makababa.

"Oh Apo, Nagising ba kita? Nahulog kase itong kawali, nadulas lang sa kamay ko" Sabi ni lola ng nakangiti.

Humikab ako at dumeretso sa Ref para kumuha ng malamig na tubig. Napansin ko ring mas dumami ang pagkain sa loob ng Ref namin.

"Tch! Bakit ang dami naman yata ng pagkain sa Ref?" Tanong ko kahit may idea na ako kung sino ang bumili ng mga groceries.

Padabog kong sinara ang refrigerator sabay inom ng malamig na tubig na kinuha ko.

"Si Richardo ang nagbigay ng mga iyan apo. Dinala 'yan ng kanyang Sekretarya dito kani-kanina lang" Sagot ni Lola.

Sabi na nga ba, hindi kaya ni lola makapag-grocery ng gano'n kadami ang bibit-bitin, halos mapuno na 'yong ref namin dahil sa dami ng laman na kung anu-ano. Pabagsak kong inilapag ang baso sa lamesa.

"Ibalik nito La ang mga pinamili niya, hindi natin kailangan ang mga iyan lalo na't galing pa sakanya" Sabi ko.

"Ano ka ba naman apo, binili iyan ni Richardo para sa atin at para na rin kay alexzone. Kailangan niya ang mga iyon para maging malusog ang kanyang magiging baby" Nagpagting ang tenga ko sa aking narinig.

Ano raw?

"Baby? Tch! Hindi nga siya buntis La, maniwala naman kayo sa'kin" Sabi ko dito.

"Bakit hindi mo nalang kasi tanggaping naka-buntis ka Renji, itinatanggi mo na naman." Heto na naman kami. Magtatalo na naman tungkol sa bagay na iyan. Haist!

Ilang beses ko ng ipinaliwanag kay lola na hindi totoong buntis si Alex pero ayaw niyang maniwala sa akin. Bakit ba ang babaeng iyon ang pinapaniwalaan niya kaysa sa akin na tunay niyang apo? Tch!

"Asan nga pala ang babaeng iyon?" Pagiiba ko. Wala siya sa kama kanina pagkagising ko at hindi ko rin nakikita ang babaeng iyon dito sa baba.

"Wala ba siya sa taas? Akala ko tulog pa" Inosenteng sagot ni lola.

Dumako ako sa sala pero wala siya. Sinilip ko rin sa ibang parte ng bahay pero di ko siya nakita. San ba nagpunta ang babaeng iyon ng ganito kaaga? Ang aga niya namang maglakwatsa. Tch!

"Hinahanap mo ko boyfriend?" Gulat akong napalingon sa tabi ko.

"Fvck! Bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot" Tinaasan niya lang ako ng kilay. "San ka ba galing?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa dahil sa suot nitong jogging pants at hoodie.

"Nagjogging lang" Sagot nito at nilampasan ako.

Tch! Bipolar talaga ang babaeng 'to.

Umakyat na ako para makaligo na. May pasok pa ako sa school para sa isang major subject. Hindi pwedeng umabsent sa klaseng iyon. Baka ibagsak ako ng striktong Professor ng subject kong iyon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon ng may bumukas ng pinto ng banyo. Halos madulas ako sa gulat at taranta ng pumasok si alex.

"Syeeet!" Sabay takip ng tabo sa parteng ibaba ko. "Ano ba! Kita mong naliligo ako rito pumapasok ka nalang bigla-bigla" Bulyaw ko sakanya pero parang wala siyang narinig dahil dere-deretso lang siya.

Doon ko lang napagtanto na nakatuwalya lang siya, tinanggal niya iyon at inilagay sa may railing nitong banyo tsaka siya lumapit sakin.

"Pasabay" Fvck! Anong pasabay.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon