Chapter31

1.9K 60 0
                                    

Chap31

Isang buwan bago ko natutunan lahat ng dapat kong matutunan sa training. May time na gusto ko ng sumuko pero kinakaya ko parin, alang-ala kay alex at sa baby namin.

Gusto ko ako ang magtatanggol sakanya pagdating ng araw hindi yung siya nalang palagi ang nagtatanggol sakin.

"Pre! may itatanong lang kami sayo ha? Pero huwag kang magagalit baka iflying kick mo kami" Siko sakin ni Zion habang pinaglalaruan ang drumstick sa kamay nito. Napakunot noo lang ako.

"Ano ba iyon?" Sabi ko. Nagtinginan naman ang tatlo bago nagsalita si kurt.

"Buntis ba si alex?" Mahinang bulong ni kurt. Sabi na nga ba iyon ang itatanong ng mga to. Napapansin kong nakakahalata na sila.

"Oo!" Tipid kong sagot.

"Sabi na eh" Rinig ko kay luke.

"Wow pre! Hwag mong kakalimutang kunin akong ninong kahit ako nalang hwag na itong dalawa. Hahaha" Bero ni zion.

"Kailan ang kasal?" Natigilan ako sa pag-strum ng gitara sa tanong ni kurt.

"Darating din kami sa point na iyan, mas inuuna ko muna kase ang mag-ina ko sa healthiness nila, Alam niyo namang wala pa akong gaanong ipon para pakasalan siya. Gusto ko maging especial at mapaghandaan iyon" Mahabang paliwanag ko.

"Tama! Ganyan nga men, bilib na talaga ako sayo. Your the man!" Sabi ni kurt.

"Teka! Ikaw ba talaga iyan pareng renji! Hahahanep! Iba talaga ipekto ng Love, ano mga pre?" Puro kalokohan itong si zion.

"Try mo kayang sampolan yang si zion, kahit isang black eye lang sa kaliwang mata men!" Pang-aasar ni kurt.

"Pero kung kailangan mo Ren ng tulong tungkol sa bagay na iyan. We are here, willing to help you" Sabat ni luke.

"Anong bagay ba iyan pareng luke, iyong black eye bang sinasabi ni kurt? Tae, dalmatian kinalabasan ko dyan" Mabilis na tanong ni zion.

"Iyong tungkol sa kasal, tangek" Natatawang tugon ni luke.

"Ayan, isang batok baka tumino ang pagiisip mo. Haha!" Sabi ni kurt na may kasamang batok kay zion. Mga baliw!

Kapag nakaipon na ako tsaka ko pakakasalan si alex. Gusto ko special iyon kaya dapat kung pag-iponan iyon ng mabuti.

"Ready na boys?" Tanong ng assistant manager ng dumungaw ito sa pinto.

"Ready'ng ready na" Sagot ni zion.

Ilang minuto pa ay umakyat na kami para magsimula na sa aming gig. Maayos at walang aberya ng matapos kami.

Kapag ganitong may gig ako, nasa bahay kami. Bukas sa mansion naman kami dahil iyon ang gusto ng grandpa ni alex.

-kinabukasan-

Pagkarating namin ni alex sa mansion may seryosong pinaguusapan si razer at ang grandpa nito gamit ang alien language.

"Renji" Tawag ni grandpa sakin. "I'll give you a mission with razer" Napalunok ako. Seryoso ba siya?

"Be prepared" Saad ni razer. Para akong kinakabahan. potek! Kararating lang namin ito agad ang ibinungad sakin. Fvck!

"You look pale boyfriend, You okay?" Nilingon ko si alex sa tabi ko. Seryoso siyang nakatingin sa mukha ko.

"Oo naman babe" Gustong mangatal ng boses ko sa kaba. Pero nangunot lang si alex, Shit!

"What kind of mission is that?" Tanong ni alex at naupo ito sa mahabang sofa sumunod naman ako at naupo din.

"It is just simple and easy mission baby princess" Si razer ang sumagot at tumingin sakin. "You have to kill the main target, i will be just your guardian on that mission" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni razer. Ako ba talaga ang gagawa? Shit!

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon