Chapter12

2.1K 57 0
                                    

Chap12

Linggo ng hapon ngayon, Imbes na magpahinga dahil puyat sa gig kagabi ay nasa labas ako ngayon ng bahay para ipaayos itong motor ko.

"Balikan mo nalang hijo. Medyo matatagalan siguro bago maayos to. marami ng kailangang palitan dito" Napangiwe naman ako doon.

"Kailan ko ba makukuha iyan?" Tanong ko.

"Kung maayos ko agad baka bukas makuha mo na to" Sagot ni manong.

"Sige babalikan ko nalang bukas" Sabi ko dito. Tumango naman ito.

"Bumili ka na kaya ng bago" Sabi ni Luke. Sinamahan niya ako para kunin ang motor ko at dalhin na rin sa mekaniko para ipaayos.

"Wala akong pambili Luke. Mabuti ka pa mayaman may pambili eh ako wala" Sabi ko rito.

"Pwede ka namang umutang sa akin, bibigyan kita" Suggest nito.

"Hwag na, itago mo nalang yang pera mo. Ayos na ko sa may sayad kong motor" Pakamot kamot kong sagot sakanya.

"Oo nga pala. Nagtext sakin si Kurt. Kasama niya si Zion. Nasa McDo raw sila, pumunta raw tayo doon" Sabi nito. Di na ako sumagot at sumakay nalang sa kanyang sasakyan.

Pagkarating namin kumakain na sila. Mukhang kanina pa ang mga ito, dahil sa dami ng kalat sa mesa.

"Mabuti naman at dumating na kayo. Nakailang Mcburger na ko oh. Haha" Sabi ni Zion ng makita kami.

"Halata nga!" Sabi ko at naupo sa tabi ni Kurt. Sa tabi naman ni Zion naupo si Luke.

"Ano naayos ba ang motor mo?" Tanong ni Kurt.

"Hindi pa. Marami daw kailangang palitan, baka bukas ko na makuha yon" Sagot ko. Inabot ko ang isang burger at kinain iyon.

"Mahal na mahal mo talaga ang motor mo men! Kung ako sayo pinalitan ko na iyon" Tch! Eh sa wala nga kong pera.

"Wala ba kayong date ng girlfriend mo?" Napatingin ako kay Zion. "Linggo ngayon pre, nakakasawa kayang sa school nalang parating nagdi-date" Sabay tawa pa nito.

"Anong date ang pinagsasabi mo diyan. Tch!" Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Biglang nagring ang cellphone ko.

"May tumatawag sayo pre! Si Alex yan ano? Hinahanap ka na siguro sa date niyo" Di ko pinansin si Zion at kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag.

📞Jana's calling.....

"Hello" Mabilis kong sinagot ang tawag niya.

"Ren, I need you. Please" Narinig kong umiiyak siya sa kabilang linya.

"What happened" Agad kong tanong. Pero patuloy lang ito sa pagiyak. Parang dinudurog ang puso ko habang naririnig iyon.

"Pwede ka bang pumunta dito sa bahay?" Sisigok sigok nitong tanong.

"Okay, Just wait me. I'm going to be there" Sabi ko at mabilis na tumayo.

"Wait Ren. San ka pupunta, May emergency?" Pigil sa akin ni kurt.  Nakahawak siya sa braso ko.

"Kailangan ako ni Jana. Iwan ko muna kayo" Sagot ko at iniwan na sila. Pero bumalik ako dahil wala nga pala akong sasakyan.

"Kurt, pahiram ng kotse mo" Sabi ko.

"Sure. Catch!" Sabi nito, sinalo ko naman iyon at mabilis na lumabas.

Nagmamadali akong pumunta sa bahay nila. Kaya naman ng makarating dere-deretso lang akong pumasok sa kanilang gate maging sa loob ng kanilang bahay.

My Badass Stranger - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon