Chapter 1

3K 76 3
                                    


Minulat ko ang mata ko at nagising sa isang di pamilyar na lugar, inilibot ko ang paningin ko kahit medyo nahihilo pa dahil sa sakit ng ulo ko.

Ano bang nangyari?

Nasaan ba ako?

"Gising ka na pala.."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at napatitig sa pigura na nasa harapan ko

"Sino ka?" tanong ko sa pigura

"ako nga pala si Daniel ikaw, anong pangalan mo?" sagot pa nito sabay tanong ulit

"A-ako?" tanong ko

"Oo ikaw, anong pangalan mo?" tanong ulit nya

Pinilit kong alalahanin, mataman akong napaisip pero sumakit bigla ang ulo ko na para bang may nagmamartilyo dito.

"Hey miss, okay ka lang?" tanong ng nilalang

" i don't know" sabi ko

"What?" takang tanong ng nilalang

"I don't know my name" sagot ko

"Seryoso?" tanong ulit ng nilalang

"I can't remember"

Sino ba ako? Paano ako napunta dito?



----------------

 

Nagising ako sa pamamagitan ng marahang yugyog sa aking balikat, napatingin ako sa taong gumising saakin.

"Daniel?.." tawag ko
"Kailangan mo ng magising baka ma late ka sa unang araw mo sa office" saad pa nito habang nakangiti
Bumangon naman ako at tumingin sa orasan, mag aalasyete palang ng umaga.
"Kuya naman eh, mamaya pa 10 ang pasok ko ang aga pa" yamot na sabi ko bago nagtangkang humiga muli ngunit pinigilan ako ni Kuya sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang braso ko. Tila bata ko naman na hinilig ang ulo ko patalikod dahil sa katamaran.
"Daniella Rose Lim, kailangan mo ng bumangon alam mo naman kung gaano ka katagal maligo hindi ba plus kakain ka pa ng breakfast mo, ayaw mo naman siguro madisappoint sina mommy at daddy diba?" mahabang saad nya
"Eto na po" sabi ko, binitawan niya na ang mga braso ko habang diretso ko naman siyang tinignan ng mga nguso sa labi.

Sinimulan ko na ang pag ayos ng gamit na dadalhin ko, mga damit na susuotin ko ng makaramdam ako ng titig ng isang tao.

"Kuya can you please stop starring at me?" nakangising sabi ko
"I really wonder how you feel people's presence and stares" sabi ni Kuya
"Normal lang yun kuya" sabi ko
"No its not. You are more sensitive, nararamdaman mo kahit sobrang layo pa, noon nung napunta sa direksyon mo ang tennis racket ni papa kahit nakatalikod ka, nagawa mo paring iwasan yun" pag explain nya
"Kuya instinct ko na yun" I said sabay ngiti sa kanya
Tumayo naman sya at niyakap ako mula sa likod.

Ganyan na talaga sya simula ng dumating ako dito kaya nasanay na ako.

" nakakacurious talaga ang past mo" sabi nya
"Well sad to say I don't remember anything. All i have is this" sambit at napahawak sa kwintas kong may pendant na bote

May mga letrang nakaukit dito pero di ko naman alam ang ibig sabihin. Di ko nalang ulit pinansin at bumalik ulit sa pag aayos ng gamit kahit hirap dahil sa nilalang na ayaw bumitaw sa pagkakayakap saakin.

"Kuya kailangan ko ng maligo" Sabi ko at pilit inaalis ang mga braso nyang nakapulupot sa bewang ko
"Mabango ka na baby dito ka lang muna.." He said, inaamoy amoy nya pa ang buhok ko. Minsan talaga hindi ko alam kung tao ba talaga tong si kuya o aso.
"kuya I told you not to call me baby dba? Atsaka bitaw na kuya maliligo na ako" sabi ko at sa sobrang irita ko ay nakalas ko ang kamay nya sa bewang ko
"woah" yun lang ang sabi nya
"Sorry kuya ikaw kasi eh btw dun ka na sa baba maghintay susunod lang ako" sabi ko tumango naman sya.

Pagkapasok ko sa banyo ay agad naman akong naligo.

After 613193191953 hours natapos na ako mag ayos konting make up lang din ang nilagay ko, like literal na publos, konting lipstick at mascara lamang, para naman di magmukha coloring book yung mukha ko, ng masigurado ko na ok na ay bumaba na ako.

Naabutan ko si Kuya na nakaupo sa sofa, bihis na rin ito at busy sa paglaro sa phone nya. Agad naman ako lumapit sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. Hindi niya man inalis ang mata sa screen ng phone nya ay nakita ko kung paano siya ngumiti dahil sa ginawa ko. Talagang gustong gusto talaga ni Kuya ang closeness namin. 

"Done kuya. Kain na tayo" sabi ko at nauna na sa kitchen, umupo na ako sa nakasanayang pwesto ko na may nakahanda ng pagkain. Nakita ko ang pagsunod ni kuya pero di ko na sya pinansin at kumain na.

Whatever my past is, nakakacurious man but then napaka swerte ko na inampon ako nila kuya Daniel, sobrang babait nila at nagkataon pa na mayayaman sila kaya hindi sila nahirapan na bihisan at pakainin ako. Hindi din nila ako tinrato na parang ibang tao sa halip pinaramdam nila saakin na sobrang welcome ko dito sa pamamahay nila, lalong lalo na si Kuya. Ang haba ng pasensya nya saaking turuan ako, alagaan ako sa abot ng makakaya niya kahit busy oa man siya ay talagang sinisigurado niyang may oras siyang mailalaan saakin. Dahil narin kay kuya kung bakit ang bilis kong natuto at nakapag-open up sa pamilyang ito.

Pagkatapos namin kumain ay saglit na muna kaming nagpahinga at nagkuwentuhan bago siya tumayo at nagpaalam na pupunta sa garahe upang kunin ang kotse, kaya ako naman ay tumayo na upang maghintay sa harapan upang salubungin siya.


****************************************************************************************

Spade's Pov

Habang nakatingin sa malayo dito sa napakalaking bintana hawak ko ang cellphone ko sa kanang kamay at idinikit ito sa kanang tenga ko, ang kaliwang kamay ay nakabulsa sa itim kong trouser.

"Anything?" tanong ko kela Isaac at Geo pero umiling lang sila
"We couldn't find any signs of her" sabi ni Geo, hindi ko mapigilang ikuyom ang kamay ko. Napabagsak naman ang balikat ko, its been 6 years simula ng mawala sya, nakita ang katawan ni Stacey na wala ng buhay pero kay ang bangkay nya wala. Alam kong buhay pa sya, I can feel it.

Asan ka na ba kasi Ara? 

Alam kong naririto ka lang, pero asan?

Kamusta ka na?

Ayos ka lang ba?

Maraming katanungan ang tumatakbo sa utak ko ngayon, na masasagot lamang kapag nahanap ka na namin.

Maghintay ka lang  Ara, Mahahanap din kita.

I promise.

>>>>>>>>>>>

Finding HER (M.H Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon