Daniella's POV
Pumasok ako sa malaking conference room na nasa tabi lang ng office ko. Nakaupo lahat ng empleyado mukhang tensed na tense. Naglakad naman ako papunta sa harap bago nagsalita.
"What's with the faces?" tanong ko sa kanila
"U-uh is it true na magtatanggal ka na ng empleyado?" sabi ng girl bigla naman napataas ang kilay ko
"Where did you get such information?" tanong ko natahimik naman si ate girl, inisa isa ko ang mga itsura nila at mukha talaga silang dismayado.
"Di ako magtatanggal, para saan pa? alam ko na may mga pamilya kayong sinusuportahan at di naman ako ganung kasamang tao para bigla bigla nalang magtanggal ng employee." saad ko at tinignan sila lahat.
Inopen ko ang laptop na naka-connect sa projector kaya lahat ng lumalabas sa laptop lumalabas sa projector para makita ng lahat.
"Ito ang chart na nagpapakita ng growth ng kumpanya and seeing this proves all your hardwork and for that I want to thank you all. Ang gusto ko lang naman pag usapan ay ang oras ng pagpasok at paglabas sa opisina. Simula ngayon papasok kayo ng 10A.M at aalis ng 5PM " pagkasabi ko ng oras, they all gasped.
"Pero ma'am masyado naman po atang maiksi ang oras natin sa trabaho" sabi nung boy
"Yes. sinadya ko talaga yun, sa mga oras na yan ay wala kayong ibang gagawin kundi ang magfocus sa trabaho nyo. Ayoko ng tatamad tamad you will have your lunch at 12PM-1PM ok? kailangan nyong tapusin ang mga trabaho nyo within the day na inatas yan sa inyo" explain ko
"Mahirap naman ata yan ma'am eh" reklamo nila
"No, tinutiruan ko kayo magtrabaho ng maayos. I want you to work under pressure, you know why? kasi pag pressured kayo mas mabilis ang paggana ng utak ninyo, the brain unleashes the most creative things, do you follow?" sabi ko
"Yes ma'am" sagot nila
"and about sa sahod nyo ibabase natin trabaho nyo. Ang normal na sahod nyo ay 15K pero pag may client kayo at successful dadagdagan ang sweldo niyo, do you agree?" tanong ko
"magkano po mag may client and successful?" tanong ni boy blonde
"25K pero warning pagpumalpak kayo sa isang client mababawasan ang sweldo nyo magiging 10K nalang. Please submit your clients profiles and also your reports that's all meeting adjourned" pagtatapos ko
"Thank you po ma'am" pagsasalamat nilang lahat, sabay sabay silang nagbow saakin para ipakita ang respeto nila.
"You are always welcome " nakangiti kong sabi at lumabas ng silid.
Pagkabalik ko sa office nakita ko si kuya Daniel na nakaupo sa swivel chair ko habang kinakalikot ang cellphone ko. Napailing nalang ako dahil doon kahit kailan talaga hindi uso ang privacy dito kay kuya.
"Kuya andyan ka na nmn, bakit ba ang hilig mo mangulikot ng phone ko?" sabi ko at inagaw ang phone sa kanya
"Just checking kung may iba ka bang katext o ka chat" bagot na sagot nya
"Grabe ka namn kuya tatanda akong dalaga dahil sayo eh" pagbibiro ko
"I don't care as long as you're with me" rinig kong bulong nya pero di ko na pinansin at baka tinotopak lang.Inilapag ko nalang sa desk ko ang selpon ko, pinindot ko ang button sa telepono upang direct na tawagan ang desk ng sekretarya ko, nagpagawa lang ako ng dalawang kape at nagpadala ng mga snacks para saamin ni Kuya. Sumunod ay nagtungo ako sa mga shelves sa di kalayuan mula sa table ko para maghanap ng mga kakailanganin kong documents, hindi naman na nagsalita si Kuya sa halip ay pinanood niya lamang ako habang nakaupo sa dulo ng table ko.
"Don't you think na masyadong nakaka-attract yang suot mo? It's really body hugging lalo na yang skirt mo" saad ni kuya habang pino-point out ang palda ko. Hindi ko naman napigilan na mapailing.
"Kuya this is my business attire, what do you expect susuot ako ng baggy pants at oversized shirt sa pagpasok sa trabaho? Kuya naman eh ikaw ang nagturo saakin na dapat lagi akong presentable kapag pumapasok tapos ngayon magrereklamo ka? hay nako naman Kuya" bulyaw ko sa kaniya bago naglakad pabalik sa table ko at inilapag ang mga papeles na kakailanganin ko.
Naglakad ako sa harap niya at pinisil ang magkabilang pisngi niya, siya naman ay hindi umangal ngunit kitang kita ang pagsimangot niya.
"Kuya naman chill ka lang, I know that concerned ka lang sa well being ko but I can handle myself and you know that" saad ko bago binitawan ang pisngi niya. Hindi naman siya umimik at sa halip ay hinapit niya lamang ang bewang ko para yakapin ako. Ibinaon niya ang ulo niya sa leeg ko at inamoy amoy yun, eto na naman si kuya naka aso mode na naman. Hinayaan ko lang naman siya, pinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya at hinaplos haplos ang likod niya tila isang batang pinapatahan sa pag-iyak.
Hindi kami nagtagal sa ganoon posisyon dahil ako na ang unang kumalas, at sakto naman na kumatok si Mary upang ihatid ang mga inutos ko sa kaniya ngunit nang lalapitan ko si Mary upang tulungan siya ay muli naman akong hinapit ni kuya, nakatalikod na ako sa kaniya at this moment, sa madaling salita ay naka backhug siya ngayon saakin. Nakita ko naman ang gulat na tingin ni Mary ngunit madali lamang iyon at mas itinuon nya lang ang tingin niya sa dala niyang meryenda habang ako naman ay hindi napigilang sapakin ang braso ni Kuya.
"Kuya ano ba hindi ko alam kung tao ka o isang dakilang koala na may lahing askal kung makakapit at makaamoy ka naman kasi wagas" reklamo ko at narinig ko naman ang mahing pagtawa ni Mary pero agad nya lang itong pinigilan ng tignan siya ng masama ni Kuya. Mahina ko naman na tinapik ang braso niya para tigilan niya si Mary. Bumitaw naman siya at tumayo ng mabuti pero nakasimangot parin siya.
Umupo na siya sa nakalaang sofa, pinalabas ko na man na si Mary dahil baka magka ww3 pa dito. Ako na ang nagdala ng meryenda sa table sa harap ng sofa bago umupo sa bakanteng sofa na nasa harap niya at nagkwentuhan nalang kami habang kumakain ng meryenda.
BINABASA MO ANG
Finding HER (M.H Book2)
Mystery / ThrillerWhere is she? Is she dead? Mga katanungan na bumabagabag kay Spade na hanggang ngayon ay umaasa parin makita si Ara. Will he be able to find her before THEY do? Author's Note: kung gusto nyo tong basahin please make sure na nabasa nyo na ang Book1 w...