Ara's Pov
Nakaupo kaming lahat ngayon sa isang round table madilim ang lugar at tanging ang bumbilya lang na nakabitaw sa kisame ang nagsisilbing liwanag. Tahimik lang kmi at pinapakiramdaman ang paligid, mahigit isang oras narin kami dito naghihintay. Nakaramdam ako ng mga braso na pumalibot sa aking leeg hindi iyon sakal kundi isang yakap mula sa likod.
"You smell so good.." bulong ng pamilyar na boses
"Hands off her Gabe" maawtoridad na sabi ni Spade
"After all these years hindi parin sya napapasayo tama ba ako?" nang iinis na sabi ni Gabe
"wala kang alam" saad ni Spade galit ang makikita sa mga mata nya
"Oh believe me. I know everything." sabi ni Gabe at kahit hindi ko nakikita ang mukha nya ay alam kong nakangisi ito kay Spade
"Ano bang kailangan mong sabihin saamin Gabe." malamig na sabi ni Sean
"Kung hindi lang kita mapapakinabangan siguro naghiganti na ako sayo noon palang" inis na sabi ni Gabe hinalikan nya ako sa pisngi bakit tinanggal ang pagkakayakap saakin galit ko namn syang tinignan. Rinig ko naman ang pagmura ni Spade."So alam ko lahat kayo nagtataka kung bakit buhay pa ako ngayon" saad nya at nagsimulang umikot saamin
"Alam kong alam nyo na ang nangyari dun sa nay Linda mo Ara." pagbibitin nya pero di naman kami umimik.
"Nabuhay din ako dahil sa mga likido na yun ngunit ang pinagkaiba ay walang bug na nakaimplant sa utak ko, ang mga tumulong saakin ang mga umimbento ng mga likido na yun at ngayon ay hawak sila ng isang organisasyon na humahabol sayo Ara, humingi sila ng pabor saakin na ipaabot ito sayo." sabi nya at sumandal sa pader.
"Save them" saad nya na nakapagpataas ng kilay ko
"Why would I?" inis na tanong ko
"Dahil sila ang makakatulong sa paggamot ng mga tao , ang mga likidong natuklasan nila ay makakatulong sa madaming tao!" sabi ni Gabe
"No. Ayokong pakelaman ang kamatayan , tanggap ko sa sarili ko na mamatay din ako pagdating ng araw at sana matanggap nyo din yun" saad ko
"hindi lang naman sayo tumatakbo ang mundo Ara maraming tao iba dyan na naghihirap mapaggamot lang ang mga mahal nila sa buhay at ang mga likidong yun ang solusyon!" inis na sabi ni Gabe.Nanatili naman akong tahimik. May punto siya, ngunit hindi parin ako sigurado sa paggalaw sa konsepto ng kamatayan."The organization wants you. Dahil nasa dugo mo ang droga ni Aurora ang droga na makakapagpakumpleto sa pakay nila, ang Drug of Immortality." kalmadong panayam ni Gabe
"para lang dun iririsk na natin si Ara?" inis na banggit ni Polly
"One life that can save billions more anong mas pipiliin mo ang mamatay ang isa o ang mamatay ang lahat ng inosenteng tao dito sa mundo?" saad ni Gabe.Napayuko ako.
"Plus kung mamatay ka hindi na nila makukumpleto ang eksperimentong droga nila" mahinang sabi ni Geo pero sapat na para marinig namin.
Di ko naman napigilan ang mapatayo nakayuko lang ako ngunit alam ko na nakatingin sila saakin lahat,may humawak sa kamay ko at bahagyang pinisil yun pero di ako umimik at dahan dahang tinanggal yun.
"Magplano na kayo kung paano ang gagawin nating pagligtas sa mga taong yun, lalabas lang muna ako upang magpahangin" saad ko at lumabas na muna
Madilim na sa labas at tanging mga street lights lang ang mga nagsisilbing ilaw tahimik lang din ang paligid umupo sa damuhan.
I feel so guilty, ayokong mamatay. Gusto ko mabuhay ng matiwasay, kahit isang araw lang pagkatapos nun pwede na nila akong kunin at gawin ang mga gusto nila saakin.
May van na huminto sa daan di gaano kalayo saakin may bumaba na mga lalaki at dun ko na realize na kailangan kong tumakbo, pagkatayo ko palang ay may nakahila na ng buhok ko.
"Huli ka " sabi ng lalaki
"Let me go!" saad ko habang nagpupumiglas, hindi inaalintana ang sakit ng anit ko.
"Sa tingin mo gagawin ko iyon? Ang hirap hirap mong ma-tyempuhang babae ka, pinapahirapan at pinapatagal mo lang ang trabaho namin" saad nito at mas nilakasan pa ang pagkakahila sa buhok.
"POLLYYYYYY!" sigaw ko at agad naman na bumukas ang pinto na kung saan ako galing at niluwa nito ang lahat ng mga kaibigan ko"ARA!" Sigaw ni Spade habang nagmamadaling na tumakbo papunta sa direksyon ko pero may mga kalalakihan na humarang sa daan nila. Nakikipaglaban sila ngunit nakita ko kung paano sila turukan ng syringe na may kung anong laman.
"SPADE!" Sigaw ko din at pilit na kumawala sa hawak nya, naapakan ko ang paa niya kaya nabitawan nya ako, kinuha ko ang oportunidad na tumakbo papunta kay Spade ng makaramdam ako ng matulis na bagay na bumaon sa likod ko, i started to feel dizzy, my vision went blurry nanghina ako at napaluhod. Nakita kong sumisigaw na sila pero wala akong marinig, ramdam ko nalang ang paghila sa buhok ko at pagkaladkad saakin. Then everything went black.
Spade's Pov
Pinanood lang namin kung paano sya kaladkarin ng isang lalaki, wala kaming magawa kundi ang isigaw ang pangalan nya. May kung anong itinurok saamin ang mga lalaki pero may isang lalaki na nanatili sa harap namin.
"Mawawala ang bisa within 5 minutes, iligtas nyo sya dito matatagpuan ang kuta namin." sabi nya at pasimpleng hinulog ang papel
"Sorry" sabi pa nito at sinuntok ako sa pisnge
"Daniel tara na!" Sigaw ng isang lalaki kaya napatingin sya dun
"Please save her i'll be there tutulungan ko kayo" sabi nya at mabilis na sumunod sa mga lalaki at sumakay sa van
Napahampas ako sa sahig dahil sa sobrang frustration, pangalawang beses na to at sa muli ay hindi ko na naman siya nailigtas. Pinanood namin na umalis ang van, at tuluyan na kaming nanghina, biglang hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko, hindi ko marinig kung ano ang nangyayari sa kapaligiran, nanlalabo ang mata ko, nang lingunin ko ang iba ay mga wala na silang malay maliban kay Geo at Isaac na mukhang nilalabanan pa ang epekto ng itinurok nila.
Just wait Ara, ililigtas ka namin.
Hanggang sa tuluyan ng nandilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Finding HER (M.H Book2)
Mistero / ThrillerWhere is she? Is she dead? Mga katanungan na bumabagabag kay Spade na hanggang ngayon ay umaasa parin makita si Ara. Will he be able to find her before THEY do? Author's Note: kung gusto nyo tong basahin please make sure na nabasa nyo na ang Book1 w...