Ara's Pov
Dumating ako sa bahay at napatingin sa relo ko 11 pm na and still wala paring ilaw sa bahay imposible namang matulog si Nay Linda ng wala pa ako, lagi nya akong hinihintay na dumating bago matulog.
Tinignan ko ang buong paligid pakiramdam ko ay hindi pa nakakaalis ang kung sino man ang nasa loob kaya tahimik pero mabilis akong umakyat sa kalapit na puno at dun na nagmasid masid at nag antay ng mga susunod na pangyayari. Napayakap ako sa trunk ng puno na nasa harap ko ng umihip ang malakas na hangin at sakto may lumabas mula sa bahay at nakita ko ang mga lalaki habang hila hila ang katawan ng isang lanos lanos na Nay Linda, gusto ko magbreak down dahil sa ginawa nila kay Nay Linda pero nanatili akong tahimik na nagmasid."Why isn't that girl here?!" sigaw ng isang lalaki
"She was supposed to be here!" sigaw ulit ng lalaki
"We need to report now." sabi ng kasama nito
"That girl is really getting into my nerves" saad ng lalaking sumigaw.Sumakay na sila sa sasakyan nila at mabilis na umalis pero nanatili parin ako dito di alam kung ano ang gagawin, nahuli na ako ng dating wala na si Nay Linda, nakakapanghina. Nakarinig ako ng paparating na mga kotse kaya napatingin ako sa kalsada nakita ko ang isang van tumigil ito sa harap ng bahay at maya't maya ay lumabas mula dun sila Spade. Gulat na gulat nilang tinignan ang bangkay ni Nay Linda habang lumilinga linga.
"Nasaan na si Ara?" kalmadong tanong ni Polly
"Imposible na nakuha na nila si Ara" saad ni Apple.Bumaba naman ako sa puno at lumapit sa kanila, tinitigan lang naman nila ako. Tinignan ko ang bangkay ni Nay Linda
"It was too late when I got here" saad ko, tinuro ko ang puno kung saan ako nagtago.
"Nakaramdam ako ng kakaiba kaya umakyat muna ako dun pero lumipas ang ilang minuto lumabas yung mga lalaki habang kinakaladkad ang bangkay ni Nay Linda" explain ko at binalik na ang tingin sa kanila, I felt so empty. I can really say that there is nowhere I can go now, no more home to go home to, no nay Linda to run to and she died just because of me.Wala na talagang natitira saakin. Napakuyom ako ng kamao ko. Ano ba kasi talagang kailangan nila sa dugo ko?!
"Ara?" mahinahong tawag saakin ni Clover, gustuhin ko man na umiyak ay walang lumalabas na luha sa mata ko.
"Ano pa bang ginagawa nyo dito? Di ba sabi ko sa inyo wag na kayong makisali dito?" cold kong saad
"Una palang Ara kasali na kami dito gustuhin man namin o hindi" malamig na saad ni Geo
"You have your choice, ang makisali o hindi. Wag kayong umasta na pinapasali ko kayo! Hindi ito na laro na pwede nyong lang salihan!" inis na banas ko
"We chose to be with you Ara kaibigan mo kami" saad ni Polly
" I don't need you" malamig kong ani
" We don't need you too!" sigaw ni Isaac
" But.." nagsalita si Apple kaya napatingin ako sa kanya
"We care for you" pagpapatuloy nya
"Tama sya Ara, kung wala kaming pakialam sayo edi sana hindi ka na namin hinanap after all these years, sana nung nakita ka namin umasta nalang kami ng hindi ka namin kilala" inis na banas ni Polly
"Did I ask you to find me?, sinabi ko ba na hanapin nyo ko? Umasta na parang di nyo ko kilala? Bakit di nyo nalang yun ginawa?" saad ko at ngumisi
" Wala narin patutunguhan ang usapan nato umalis na tayo" saad ni Sean
"Sundin nyo nalang si Sean, umalis na kayo." saad ko at tinalikuran na sila lumapit nalang ako sa bangkay ni Nay Linda at ininspection ang katawan nito.May kung ano sa loob ng ulo ni Nay Linda gusto ko yung kunin pero mahirap dahil baon na baon yun sa ulo nya, sinubukan kong halughugin ang buong katawan ni Nay Linda at nakakita ng mga Violet na likido sa dugo nya pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang berdeng kulay na humahalo dito. Ano to? Sa pagkakatanda ko hindi naman normal to sa katawan ng tao hindi ba?
"Ano to?!" wala sa sariling tanong ko
Biglang gumalaw ang katawan ni Nay Linda kaya napapitlag ako. What the Hell?!
"D-daniella anak.." banggit pa nito pero may kakaibang ngiti sa mga labi nito , napasigaw ako ng mabilis ako nitong hinawakan.
"GET OFF ME! HINDI IKAW SI NAY LINDA AHHHHH!" sigaw ko ngunit tumatawa lang ito nakarinig ako ng pagtunog ng mga buto at napatingin ako sa katawan nya na tila bumabalik sa dati."ARA!" rinig kong sigaw ni Apple but I couldn't care more dahil sa sitwasyon ko ngayon ang higpit ng hawak nya saakin pakiramdam ko may balak syang balian ako.
"Itali nyo ang matanda dalian nyo!" rinig kong utos ni Spade, nakita ko nalang sila Geo at Isaac na may hawak na makapal na lubid at nilagay yung sa katawan ni Nay linda bago hinala palayo saakin nung una nahirapan sila dahil masyadong malakas si Nay Linda kaya pinutol ni Clover ang kamay nito na nakahawak saakin. Itinali nila si Nay Linda at tinakpan ng sako ang ulo. Napatingin ako sa kamay ko na pulang pula mula sa pagkakahawak nito.
"What the hell was that?!" singhal ni Sean halatang hindi din makapaniwal sa nasaksihan.
"T-they did something to her.." saad ko, hindi makapaniwala sa natuklasan"They did something that they shouldn't" saad ni Isaac.
"Para narin nilang dinefy ang diyos, meddling with human life" saad ni Apple. Hindi ko sila pinansin at nanatiling nakatulala sa katawan ni Nay Linda na nakatali na ngayon.
"Ara kumalma ka" sabi ni Spade at hinaplos ang mukha ko.
"M-maliban sa dugo may k-kakaiba na likido na nasa katawan nya.." giit ko
"Shhhh titignan natin kung ano yun kumalma ka na." saad nya
" Ara we need to go now, I feel bad about this" saad ni Polly kaya tumango na ako pero hindi parin naalis sa utak ko ang nangyari lalong lalo na ang itsura ni nay Linda.
-----------------------*********---------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/135950766-288-k434387.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding HER (M.H Book2)
Mystery / ThrillerWhere is she? Is she dead? Mga katanungan na bumabagabag kay Spade na hanggang ngayon ay umaasa parin makita si Ara. Will he be able to find her before THEY do? Author's Note: kung gusto nyo tong basahin please make sure na nabasa nyo na ang Book1 w...