Chapter 11

1.7K 53 2
                                    

Daniella's Pov

Nakaupo lang kami dito sa cafe at pinag uusapan ang gagawin sa school, nanghihingi kasi ako ng suggestion mula sa kanila since studyante sila sa eskwelahan na iyon, nakikinig lang ako sa suggestions nila habang sinusulat sa maliit kong notebook ang mga ito. Hindi ko naman mapigilan na mailang dahil sa titig saakin netong katabi ko na si Spade, grabe kasi siya makatingin saakin. Wala pa siyang sinasabi mula kanina at nakatulala lang saakin.

"Is there something on my face?" tanong ko sa kaniya at marahan lang siya umiling. Tumango naman ako at ibinalik nalang ang focus sa suggestions nila. Honestly I feel so comfortable sa kanila, they seems so familiar to me. It's like matagal ko na silang kilala.

"So uh Daniella, can you tell us something about your family naman? para maiba lang" saad ni Polly, sumipsip naman muna ako sa choco-mocha drink ko bago nag-isip ng sasabihin.

"I'm adopted" saad ko bago pilit na ngumiti.

"Kuya Daniel found me and then they adopted me. I couldn't remember any of my past but I was lucky enough to gain a loving family like his, they helped me a lot. Hindi nila ako tinuring na ibang tao sa halip tinuring nila ako na parang sarili na nilang anak, and that's when they decided to adopt me, and that's basically it" maiksing kwento ko sa kanila.

"So if I may ask, paano naman ang past mo can you remember anything? kahit konti manlang?" tanong ni Clover at umiling ako.

"the only thing I have from my past is this" saad ko sabay pakita ng ng necklace ko na may nakaukit na initials na hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin. Nang tinignan ko sila ay gulat na gulat ang ekspresyon nila, si Polly napatakip pa sa bibig niya habang nagpipigil ng iyak.

"I can't take this anymore" saad ni Spade at niyakap ako, tumayo naman si Polly at sumali din sa pagyakap saakin, habang tuluyan nang naiyak si Apple, pinapatahan naman siya ni Isaac. Wait what is happening?

"Remember that friend that I said that looks like you?" tanong ni Don saakin at tumango naman ako.

"Turns out it is you" dagdag pa nito na ikinalaki ng mata ko. They know me?

"It really is you Ara!" masayang saad ni Clover at nginitian naman ako ni Sean. Wait hindi lubos na maproseso ng utak ko ang nangyayari. So kilala talaga nila ako? Marahan ko naman silang itinulak palayo saakin. Naiintindihan ko na nangulila sila saakin pero hindi ko pa naman lubos na maproseso ang lahat kung kilala nila ako ibig sabihin ay estudyante rin ba ako ng eskuwelahan na iyon? Did they get close to me on purpose?

"So all of this was on purpose?" tanong ko sa kanila, at nawala naman ang mga ngiti sa labi nila. Tinignan ko naman si Don at hindi siya makatingin saakin diretso lang siyang nakatitig sa kape niya. Tinignan ko naman sila isa isa hinihintay na sagutin nila ako.

"Uh..I..I'm sorry I think I need to go" saad ko at inayos na ang gamit ko ngunit ng tatayo na ako ay pinigilan ako ni Spade.

"Ara.." saad nito 

I saw people in my mind, a school, laboratories, dead bodies, a man he was smiling at me then I was inside a transparent tube everything was so fast..

"DANIELLA!" para akong nagising ng may sumigaw ng pangalan ko. Napatingin ako kay Don na may pag aalala sa mukha

"Oh my god!" rinig kong bulalas ni Polly ng makaramdam ako ng tubig sa ilong ko di ko naiwasan hawakan yun at it was blood.

"Anong nangyari Daniella?" mahinahong tanong ni Don habang si Polly naman ay pinupunasan ang kamay at ilong ko gamit ang tissue

"I don't know, bigla nalang may mga imahe na pumasok sa utak ko di ko alam kung ano yun pero it feels like nangyari na saakin yun noon" saad ko

"Memories..." biglang sabi ni Spade habang natulala

"Memories?" wala sa sariling tanong ko

Unti-unti na bang bumabalik ang mga alalaala ko? bakit pakiramdam ko hindi maganda ang mangyayari..

"Daniella?" tawag saakin ni Polly kaya napatingin ako sa knya
"Whatever happens nandito lang ako, kami nila Don para sayo" saad nya at niyakap nya

Nakapagtataka pero something inside me is very thankful parang narelax ako, this feeling is making me more convinced na alam talaga nila ang past ko dahil sa sinabi nya, di ko nalang masyado inisip yung mga naalala ko.

"So Daniella, sa tingin mo kelan magkaka-progress ang school?" tanong ni Don bumitaw na sa yakap si Polly kaya hinarap ko na si Don.

"Ok na lahat, may mga design na and reserved furnitures like chairs, tables and I will also add those suggestions made earlier but may isa tayong problema" saad ko
"Ano yun?" tanong ni Don
" Bago ko simulan ang pag rerebuild sa school mo ay kailangan mo muna yung linisin, I want no sign of any toxin that can harm other workers especially in that laboratory" utos ko
"No problem, by the day after tomorrow it will be clean and safe" sabi ni Don
"Good then " sabi ko

" Uh I need to go kailangan pa ako sa kumpanya." dagdag ko at tumayo na

"Take care" sabi ni Polly at tinanguan lang ako ni Don

Habang nanatili namang nakatingin ang iba saakin.


Polly's Pov

Pag alis ni Ara ay lahat kami tumingin kay Don.

"we were just going with flow earlier but your trying to rebuild that school again? for what?" tanong ni Apple

" What the hell are you planning?!" galit na tanong ko
" I just want her memories to come back faster" saad ni Don
"Why? " kunot noong tanong ni Isaac, I get him like, oo gusto naming bumalik agad ang memorya niya but hindi sa ganitong paraan. 


"Sooner or later they will find her." sagot nya na ikinakaba namin. They can't find her in this state mas lalo siyang mapapahamak dahil wala siyang kalaban laban at mas maguguluhan siya pagnagkataon.

"We need a plan." saad ni Spade

"Wait I though mamumuhay na tayo ng tahimik?" saad ni Sean

"hanggang nag eexist ang bagay na yun ay hinding hindi matatahimik ang buhay natin" saad ni Clover


Crap. 

Finding HER (M.H Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon