Ara's Pov
Nakaupo ako ngayon sa kama habang pinapanood si Gabby na may kausap sa telepono galit na galit sya dahil nakawala ang mga scientist at maraming nasirang mga kagamitan sa laboratoryo. Ng matapos sya sa pakikipag usap sa telepono ay agad syang lumapit saakin at niyakap ako.
"Akala ko makukuha ka na nila saakin buti nalang at nakuha ka ni Daniel mula sa kanila" sabi niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap saakin. Muntik ko naman na irapan siya pero pinigilan ko ang sarili ko. I need to set my game straight at Oo tama kayo ng basa, nakita kasi ako ni Daniel na tumatakbo pabalik kaya minabuti na namin na umakto na nakuha nya ako mula kela Spade para hindi makatugon si Gabby na kami ang nagpatakas sa mga scientists.
"Ano nang plano mo ngayon?" walang emosyon kong saad
"I will haunt them down" galit na saad nya, takot man ay tinitigan ko lang sya ng walang emosyon. Nanatili akong tahimik at nakamasid sa kanya ng bumukas ang pinto."Sir kailangan na po natin tumakas!" sabi ng isang lalaki
"Bakit anong nangyayari?" tanong ni Gabby, banas na banas na ang itsura nito
" may iba pong sindikato na umaatake hindi na po to ang grupo nila Ara malalakas sila at mas marami, di natin sila kaya" sagot naman ng lalaki. Inis na tumayo si Gabby at sininghalan na ang lalaki na umalis ito, agad naman itong tumugon. Kumuha si Gabby ng isang bag at pinaglalagay ang mga damit nya. Habang ako ay nakatitig lang sa kanya."Wag ka lang tumunganga dyan kunin mo yung isang bag at mag impake ka na!" sigaw ni Gabby saakin nakita kong may kinuha syang damit sa aparador at sa ilalim nun ay mga nakatambak na mga perang libo libo. Kumuha sya dun at pinaglalagay sa bag nya. Natapos akong mag impake tanging tig dadalwang pares ng damit lang naman ang dinala ko dahil hindi ko naman kakailanganin ng maraming damit makaksagabal lamang sa plano ko ang pagdala nng madaming gamit.
"Dumito ka muna at ako'y magbibihis wag mong tatangkain na tumakas tandaan mo kahit saan ka pa ay mahahanap kita." sabi ni Gabby at nagmamadaling lumabas .
Lumapit naman ako sa aparador nya at kumuha ng pera mula doon at nilagay ito sa bag ko. Nagpalit ako ng damit at chineck kung may nakadikit bang tracker sa mga gamit na dala ko at thankfully wala. Naghanap din ako ng armas na pwede kong gamitin kung sakaling magkaroon ako ng chansa na makatakas. Talagang nagmamadali akong naghalubhob sa buong paligid para lang makahanap ng armas sakto naman na nakita ko ang isang kutsilyo na nakatago sa ilalim ng kama, inilagay ko yun sa sapatos ko at tinabunan ng suot kong pantalon para di ito mahalata. Sakto naman na pumasok si Gabby na may dalang baril. Sinuri nya ang suot ko bago tumango, singhal na aalis na kmi. Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi na siya naghinala pa, dahil narin siguro sa pagmamdali.
Lumabas kami sa kwarto at agad na sumalubong saamin ang mga bantay niya, isang lalaki ang nanguna patungo sa labasan ng mansyon kung saan marami kang madadaanan na mga bangkay dahil sa laban na naganap. Napatigil sila ng may humarang na mga lalaki sa harap nila. Umatake ang mga lalaki kaya napaatras ako dahil sa pakikipaglaban ng mga lalaki kahit si Gabby ay nakikipaglaban.
Pagkakataon ko na to. Hindi na ako nag dalawang isip pa at sinagawa ko na ang plano kahit maliit lang ang tyansa, siguro naman ay makakaisip ako ng palusot kung ako man ay mahuli na tumatakas.
Lumingon lingon ako at sinigurado na walang nakatingin saakin bago mabilis na tumakbo papunta sa pader na walang hirap kong naakyat, bago ako bumaba ay sinigurado kong walang nakapansin na wala ako. Ng makababa ako ay mabilis akong kumilos para makalayo sa lugar na yon nagkataon din na may bus na dumaan kaya agad akong nakasakay.
Nilingon ko ang mga pasahero at ang labas kung may nakasunod ba saakin at buti nalang ay wala. Mukhang hindi pa nila napansin na nawawala ako, I just hope I have enough time to find a hideout before they come searching for me.--------
Mga 5 oras akong bumyahe at nakarating ako sa isang bayan na walang gaanong tao tahimik ito at parang abandonado. Dito nalang muna ako magpapalipas ng gabi kailangan ko lang maghanap ng matataguan.
Naglakad lakad lang ako at nakita ko ang isang nakabitay na hagdan patungo sa isang kwarto, tumingin tingin muna ako sa likuran ko bago ko inakyat yun.Tinignan ko kung walang tao kaso nagkamali ako at nagulat ng may humila saakin papasok at tutukan ako ng baril sa ulo.
"Sino ka?!" galit na sabi nya, habang matalas na nakatingin saakin.
"Hey hey chill ako si Ara naghahanap lang ako ng matutulugan for one night tapos aalis din ako" saad ko habang itinataas ang kamay ko na tila hinoholdap ako.
"Sa lahat lahat pa talaga ng matutulugan bakit dito pa? Teritoryo ko to!" saad nya na ikina inis ko
"Dahil kailangam kong magtago." walang emosyon na saad ko
Nagulat sya at ibinaba ang ang baril na hawak."ok but U can stay here just for tonight but first kailangan mo muna ng bagong bago at mga damit, halika" saad nya at nagtungo papunta sa isang aparador.
"Bat bigla kang naging mabait?" tanong ko, dahil medyo mabilis yung pagbago ng pakikitungo niya.
"dahil nakikita ko ang sarili ko sayo." sagot nya bago binuksan ang isang aparador na puno ng damit at bag.
Kumuha ako ng isang bag at kakaunting damit nilipat ko naman yung dala kong pera dun sa bag na yun at nagpalit na din ako ng damit na ipinahiram o binigay niya. Hindi ako sure, ngunit mukha naman na ibibigay nya na ito.Kinuha nya ang mga gamit ko at sinunog. Na ikinagulat ko.
"Bakit mo yun ginawa?" tanong ko
"Para makasiguro na walang tracker sayo " sabi niya
Tumahimik naman ako. I have this gut feeling that we are hiding from the same person."Ako nga pala si Rod "
BINABASA MO ANG
Finding HER (M.H Book2)
Mystery / ThrillerWhere is she? Is she dead? Mga katanungan na bumabagabag kay Spade na hanggang ngayon ay umaasa parin makita si Ara. Will he be able to find her before THEY do? Author's Note: kung gusto nyo tong basahin please make sure na nabasa nyo na ang Book1 w...