Daniella's Pov
Ngayon ay isa sa mga araw kung saan nagshoshopping ako ng paborito kong brand ng sapatos ang Capresa Memoratta.
"Yes kuya I'll be very careful..opo. Di naman ako magtatagal maghahanap lng ako ng bagong heels. Opo kuya sge bye." sabi ko bago pinindot ang end button sa earpiece ko, kasalukuyan akong nasa taxi papunta sa paborito kong bilihan ng heels.
"Welcome to Capresa Memoratta, how may I help you ma'am?" tanong ng sales lady saakin
"Uhmm..meron na bang mga new arrivals?" tanong ko habang pasilip silip sa mga display nila.
"Yes ma'am tamang tama kahapon lang dumating ito at mukhang ikaw ang pinakaunang makakabili ng mga ito, this way po ma'am" sabi ng sales lady at naglakad patungo sa isang section habang ako'y nakasunod lamang sa kanya.Ng makarating kami sa section ay agad naman akong namangha ang ganda kasi talaga ng mga design nila dito kaya favorite ko talaga.
Pumipili lang ako ng mga sapatos habang nakanood saakin ang sales lady may iilan na din akong napili upang bilhin ng makarinig kami ng sigawan, hindi sigawan na nagkakagulo parang sigawan ng nag aaway. Napatingin ako sa sales lady hindi sya saakin nakatingin kundi sa direksyon kung saan nanggaling ang away, hindi ko alam bakit pero pinuntahan ko yung pinanggalingan ng mga boses, inaaway ng customer ang sales lady na halatang paiyak na.
"Anong nangyayari dito?" tanong ko, habang tinatantya ang sitwasyon.
"Sino ka naman ah? Ikaw ba may ari nitong shop?! pagsabihan mo nga tong sales lady nyo na wag tatangatanga muntik pa sana ako matumba dahil sa katangahan nya!" sigaw ng babae
"First of all, hindi ako ang may ari dito pero may concern ako sa mga taong walang laban pero nilalabanan, tell me ms. anong nangyari?" sabi ko at tinanong ang isa pang sales lady
" Dadaan lang po sana ako pero di sinasadyang mabangga ko sya, nakatingin po kasi sya sa mga sapatos habang naglalakad at nagmamadali naman po ako pero ilang beses na po ako nagsorry pero di nya po tinatanggap tinakot nya pa ako na ipapatanggal nya ako sa trabaho" sabi ng tinanong kong sales lady kaya binalik ko ang tingin ko sa babae
"Tao ka ba?" tanong ko habang tinignan siya mula ulo hanggang paa
"Oo di ba halata?!" inis na sagot nya
"Ows sorry ugaling hayop ka kasi" sabi ko at napangisi ng makitang namumula na sya
"What did you just say?!" sigaw nya, halos mapatakip naman ako sa tenga ko dahil sa kakasigaw nya.
"Look. Nagsorry na sya sayo, di nga sinasadya diba? Bakit ikaw perpekto ka? di ka ba nagkakamali? kahit nga si Lord nagkakamali eh, nagkamali sya ng paggawa sayo " sabi ko at akmang sasampalin na sana ako ng masalo ko ang kamay nyang palanding na sana sa pisngi ko
"Sa susunod kasi matuto ka tumanggap ng sorry, huwag kang magmataas kasi kahit tao ka sa panlabas na anyo mas mapapansin parin ang mala hayop mong ugali" sabi ko at binitawan ang kamay nya
"Acting like a hero huh?! who do you think you are?! Di mo ba ako kilala?! Anak ako ng CEO sa Woods and blocks inc.!" sigaw nya
" Too bad i'm the CEO of Cloud Empire" saad ko na ikinaputla nya
"Ano ka ngayon?" sabi ng sales lady na bumati saakin kanina
tinignan ako ng babae ng may takot
"You scared lil missy? ohh that's right your father works for me, ang bait ng papa mo, anyare sayo?" nakangisi kong saad sa kanyaNainis mn ay di sya umimik.
"Apologize." utos ko pero instead na makinig ay inis na hinambalos ng babae ang isang sapatos at akmang mag wawalk out ng hilain ko ang kaliwang braso nya.
"You better apologize now or else." banta ko sa kanya at mukhang na gets nya naman yun or else dahil kahit naiinis ay nagsorry sya sa saleslady bago padabog na umalis.
"Thank you ma'am" pagpapasalamat ng saleslady saakin
"Walang anuman" nakangiti kong sabi
"Ma'am selfie muna tayo i'll cherish this moment " masiglang sabi nya pa at nagselfie na kamieto tlgang mga nilalang na to adik sa selfie hahaha.
Pinagpatuloy ko naman ang pamimili ko, ang babait nila saakin talagang nagsales talk pa sila para bumili ako ng marami eh bibili naman talaga ako ng marami. Natawa nalang ako dahil ang cute nilang tignan. Matapos kong bumili ay ipinadeliver ko na lamang ang mga pinamili ko sa bahay habang ako naman ay sumakay na ako ng taxi pabalik sa opisina.
------
Pagdating ko sa opisina ay dumiretso ako sa loob ng opisina ko kung saan naghihintay saakin ang aking tambak na papeles na pipirmahan at imomonitor ko din ang mga reports ng mga na ginawa ng ibang empleyado. Umupo naman ako sa chair ko, nagsend ako ng text kay kuya na nakabalik na ako ng kumpanya at wala pa ilang minuto ay nagreply na siya ng heart emoji.
Minsan hindi ko alam kung mabilis lang magtrabaho si kuya o wala talaga sya ginagawa sa trabaho niya, lagi kasi siyang may free time ang bilis niya pang magreply, kadalasan ay nandidito siya sa opisina ko nagpapalipas oras o hinihintay akong matapos sa trabaho ko, gustuhin ko man siyang tanungin ay alam ko naman na hindi pabaya si Kuya, sigurado akong namamanage nya ng mabuti ang trabaho niya kaya siguro ang dami niyang oras.
Gusto ko naman na kamustahin sila mama at papa kaso baka busy talaga sila sa ibang bansa, baka maistorbo ko sila. Ano ba naman to nakakaramdam ako ng loneliness, si kuya kasi sinasanay ako na may kasama ako lagi, baka lalo akong masanay at hindi ko na kayanin na ako na lamang ang matirang mag-isa.
Nakibitbalikat nalang ako at napailing bigla bigla nalang ako nagiging senti, how random naman neto dala ng stress sa trabaho. Sino ba naman ang hindi maiistress sa kada punta mo sa opisina ay tambak tambak na papeles ang nasa table dahil sa dami ng mgg kliyente na pumapasok at nagpapagawa, eh hindi naman kami basta basta na makakatanggap ng kliyente without my approval dahil narin ito sa security and safety purposes ng kumpanya, para narin masigurado namn kung anong klaseng tao ang kliyente namin, like just making sure of their preferrences.
BINABASA MO ANG
Finding HER (M.H Book2)
Mystery / ThrillerWhere is she? Is she dead? Mga katanungan na bumabagabag kay Spade na hanggang ngayon ay umaasa parin makita si Ara. Will he be able to find her before THEY do? Author's Note: kung gusto nyo tong basahin please make sure na nabasa nyo na ang Book1 w...