Chapter 33

137 3 0
                                    

Ara's POV


Naglibot libot ako sa village at tinignan ko ang mga ginagawa ng mga scientists. Masaya silang namumuhay kasama ang mga nabuong pamilya nila. Saglit din akong nakipag usap sa kanila at halos hindi sila tumigil sa pagpapasalamat saakin. Ilang ulit ko naman sinabi sa kanila na ginawa ko lamang ang dapat. Habang naglibot libot ako ay napadpad ako sa, tingin ko ay ang dulo ng village para itong cliff ngunit puro matutulis na bato ang nasa ilalim at kung titingin ka lamang ng diretso ay napakagandang tanawin ang makikita mo sa kabilang dulo ng cliff.

"funny huh? Isang bangin muna ang dadaanan mo para maabot ang paraiso" saad ng boses sa likod ko na walang iba kundi si Geo. Tinignan ko lamang siya, at naglakad siya palapit saakin, tumabi sya sa kinatatayuan ko at mapait na ngumiti habang nakatingin sa tinutukoy nyang paraiso.

"It's like ang hirap hirap marating ang paraisong yun, isa itong ilustrasyon ng katotohanan." saad ni Geo, kaya tinignan ko naman ang paraiso.

"But this makes us think outside the box. Napapaisip tayo ng ibang bagay, paraan kung paano natin malalampasan to. We just need to face the hardships head on, aminin man natin o hindi pero hindi natin maitatanggi na mas masarap sa pakiramdam kapag pinaghirapan natin ang mga bagay bagay" saad ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Yeah, it feels great not until you remember the sacrifices made by the people who didn't even know what they sacrificed for" saad ni Geo that hit me. Pinupunto nya ang mga taong nawalan ng buhay dahil sa kaguluhan na ito.

"Once everything is done, let's live like there's no tomorrow okay?" saad nito at ngumiti saakin na siyang ginantihan ko naman.


-------------------

Sinimulan na namin ang plano namin, syempre ay pinagplanuhan namin ito ng mabuti ang kulang na lamang ay kung paano namin ito isasagawa. Kailangan namin itong gawin ng walang sablay lalo na kung gusto namin na mabilisan na matapos ang lahat ng ito nang wala nang maapektuhan pa sa kahibangan na ito.

We started to gather information on how we can erase their memories, pero mainly ang naka-assign sa trabaho na iyon ay si Polly at Geo, habang si Isaac at Rod naman ay naghahanap ng mga bagay bagay na maaari naming magamit upang sunugin ang buong village habang si Spade ang nag aasikaso kung paano namin mailalabas ang mga scientist, kasama niya sa pagplaplano ay sila Don since sila ay nanggaling sa labas ay mas mabilis silang makakaisip ng paraan, kasali na dun ang mga ruta na maaaring daanan upang maiwasan ang mga posibleng pagsalubong ni Gabby. Kailangan din ng alternative plan para naman ay handa kami sa mga posibilidad, lalong lalo na at kilala natin si Gabby hinding hindi yun kikilos ng walang paraan, mautak si Gabby alam ng lahat yan.

Habang ako naman ang inatasan na magbantay sa surveillance, kailangan maging alerto kami at mabilis, kung gusto naming matapos ito ng mabilisan. Paminsan minsan naman akong binibisita ni Polly dito sa surveillance dahil mga basic lang naman ang alam ko ditong pindutin, kung sakaling may hindi ako alam ay kakailanganin ko pa siyang tawagan. 

Prente lang akong nakatingin sa mga screen at inoobserbahan ang mga kilos ng mga scientist pati narin kung may kakaiba bang nangyayari sa labas ng village. Hindi ako pwedeng matamadtamaran, saakin nakasalalay kung matutupad ang plano, dahil kapag hindi napansin kahit ang maliit na bagay lamang ay maaari namin itong ikapahamak. Gaya ng nakasaad ay mautak si Gabby at hindi natin alam kung ano ang mga gagawin niya matunton lang ako at ang mga scientist.

"Hey" nilingon ko naman ang nagsalita at ito ay walang iba kundi si Spade. Itinaas niya ang dalawang kamay niya na may dalawang inumin at  isang paper bag na I-assume ay mga snacks. 

"A bite won't hurt" saad ko at kinuha ang isang kape mula sa kaniya bago umupo sa isa sa mga silyang nakalaan sa silid habang si Spade naman ay umuponsa isa pa na nasa tabihan ko.

"So umm..how is it going, may mga kahina-hinala ba?" tanong nito habang tinitignan ang mga screen at umiling naman ako kahit hindi niya nakikita.

"None so far" sagot ko bago sumipsip sa akala kong kape ay choco-mocha pala. Bahagya akong napangiti. Nakakabinging katahimikan ang namayapa sa silid. 

"I know you want to tell me something, Spade just tell me" saad ko at tinignan siya. Nakita ko naman ang pagyuko niya. Kaya minabuti ko nalang na ibalik ang tingin ko sa screens.

"I know this is not the best time for this, but I'm afraid that if I won't tell you know then I won't be able to tell you...ever" saad nito, alam ko ang tinutukoy niya pero hindi ako umimik.

"About Olivia, she's the daughter of the biggest shareholder of the company and dumating ang oras na kinakailangan namin ang tulong nila and that was the only way. Ayokong mauwi sa wala ang pinaghirapan ng nanay mo but still I know what I did was wrong" kwento nito.

"You did nothing wrong Spade. You did what you know is best" saad ko at nilingon siya, nakatingin siya saakin at kitang kita ko ang sakit sa mata niya.

"But I..you.." simula niya pero tila hindi niya mahanap ang mga tamang salita.

"I was not there Spade. All I did was cause trouble and go missing, but you, you have your own life. You had the opportunity and you took that. Grabing the opportunity is never wrong Spade, after all this you can live your life, build your own family, be happy" saad ko, kahit tila libo libong karayom ang tumutusok sa puso ko sa bawat salita na binibitawan ko. 

"No, you are the one I will build my family with. You, everyone and even God knows that" saad nito. Inilapag niya ang hawak niyang kape at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko habang tumitingin sa mga mata ko.

"Just let me do that, please..I'm begging you" saad nito, huminga ako ng malalim pinipigilan na tumulo ang luha ko. 

"Then what about her, what about Olivia? Are you willing to hurt her?" Tanong ko, kitang kita ko kung paano siya natigilan. Hindi niya kayang sagutin ng diretso ang tanong ko. I know masama pero I was wishing na oo ang sasabihin niya, but who am I fooling. Binawi ko ang kamay kong hawak hawak niya, at sa halip ay hinawakan ko ang kamay niya at diresto siyang tinignan.

"Spade look at me" saad ko, at dahan dahan niyang inangat ang tingin niya saakin.

"Now, can you answer my question?" saad ko habang pilit na ngumiti.

"Ara.." halos tumigil ang puso ko sa sobrang sakit dahil sa pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. That itself was the answer to my question. Hinalikan ko ang noo niya at niyakap siya,

"Shhhh Spade, its okay.." saad ko, habang hinahaplos ang buhok niya sabay langhap sa mabango niyang amoy na alam ko na huling pagkakataon ko nang maamoy muli.


Finding HER (M.H Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon