Daniella's Pov
It was day 1/3 , dinala ako ni daniel sa isang beach house, na gawa sa salamin ang ganda ng tanawin well hindi naman kami nag iisa may mga maids sya dito. Umupo ako sa buhangin at nilanghap ang sariwang hangin. Ang malinaw na tubig na, kasing asul ng langit, dumating si Daniel na may hawak na buko na may straw.
"you like it?" tanong nya
"I love it. Sayo ba to?" tanong ko
"dati" sagot nya
"Dati?" tanong ko
"this is yours now" sagot nya na muntik ko na ikasamid
"bakit?" tanong ko ulit
"sayang naman eh mukhang huling dalaw ko na dito" sasd nya at malungkot na ngumiti habang nakatingin sa dagat.
"wag kang mag isip ng ganyan" saad ko at hinawakan ang kamay nya, tinanggal nya lang yun at tumayo.
"tara!" sabi nya at hinila nya ako papunta sa dagat, nahulog na din ang bukong hawak ko.Lumusong kami sa dagat at namangha ako sa linis nito may mga maliliit din na isda dito, maganda pang tourist destination. Naramdaman ko na may humawak sa paa ko napaahon ako at nakita si Daniel sa malayo.
"Ikaw na taya!" sigaw nya napangiti naman ako
"ang daya!" sigaw ko at mabilis syang hinabol naghahabulan lang kmi sa tubig hanggang sa mapagod kmi. Nakita nalang namin ang sarili namin na nagpapahinga sa buhangin habang hingal na hingal."I miss this." biglang nyang saad
"miss what?" tanong ko
"this feeling, the happiness" sagot nya nilingon ko sya, nakapikit sya habang nakangiti, napangiti nalang rin ako I'm glad I gave him a chance. Binalik ko ang tingin ko sa lumulubog na araw at pinagmasdan ang napakandang scenery."nakakalungkot isipin na tapos na ang first day" saad nya di naman ako umimik.
"bukas pupunta tayo sa amusement park, magfu-foodtrip tayo kahit saan mo gusto, at marami pang iba" sabi nya at umupo.
"wow naman,sinusulit mo talaga ang araw ah?" natatawang asar ko
"syempre.you'll never know when they will take you away from me." saad nya
"Sino ba tong sinasabi mo?" tanong ko
"Hindi ako ang dapat sumagot nyan." sagot nya
"pero--"
"tara na sa loob at ng makpaghanda na tayo para sa dinner" sabi nya ng nakangiti at tumayo. Wala naman akong magawa kaya sinunod ko nalang sya. Tinungo ko ang kwartong nakalaan para saakin at dumiretso sa c.r may bath tub duon at kung ano ano ng mga kakailanganin ko wow. Pero mas pinili ko nalang na magshower mamaya nalang ako magbababad sa bath tub. Pagkatapos ko nagshower ay lumabas ako ng c.r at kumuha ng isang short at t-shirt pati narin underwear sa bag ko, nang makabihis ako ay bumaba na ako at pumunta sa kitchen kung saan nandun na si Daniel na nakaupo, nakahanda na ang lajat ng pagkain mukhang ako nalang ang hinihintay.Umupo ako sa upuan sa harap nya at nagsimulang kumuha ng pagkain habang nakatingin lang sya saakin.
"hindi ka kakain?"tanong ko
"may iniisip lang ako" sagot nya at nagsimula naman syang kumuha ng pagkain nya.
"Mind telling me?" tanong ko pero umiling lang sya at ngumiti
"wala lang to, sge kumain ka na" saad nya. Nagsimula naman kaming kumain ng tahimik ng matapos sya ay walang imik syang tumayo at umalis. Nakibutbalikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko ng makarinig ako ng pagring ng cellphone napatingin ako sa naiwang cellphone ni kuya.Kinuha ko yun at sinagot.
'hello Daniel.' boses yun ng isang lalaki, hindi pamilyar ang boses na yun. Bigla akong kinabahan. Nanatili lang akong tahimik.
'Ibigay mo na kasi sya saamin Daniel, we promise to spare you life and even give you money just name your price and it's all yours' pagpapatuloy ng lalaki sa kabilang linya sino ba sya? Natatakot na ako sa mga susunod nyang sasabihin.
'her life or yours it's your decision but remember this I ALWAYS GET WHAT I WANT ' yun ang mga huling sinabi ng lalaki bago binaba ang tawag. Mabilis kong dinelete ang tawag nya mula sa call logs at binalik ang cellphone ni Daniel kung saan nya to iniwan. Sino ba yung tao na yun? Tsk. i better give Spade that guys number. Kaso dinelete ko na, kaya tye-tyempuhan ko nalang sa susunod.
Bumalik na ako sa kwarto ko at mabilis na kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Spade.
'Hello?' sagot ng isang babae
'nasaan si Spade?' tanong ko
'babe hinahanap ka..' sabi pa ng babaeBabe?
Kumunot naman agad ang noo ko.'A-Ara' sagot na ni Spade
'I was gonna tell you something, wag nalang mukhang nakakaistorbo pa ako sayo. Bye' saad ko at ibinaba ang tawagWho the hell was that!?
Ngayon pa talaga?!
Napasabunot ako sa sarili ko. I thought everything was fine. Bakit ganun? Anong ginawa nila ni Spade? Inis na tinapon ko ang cellphone ko sa pader kaya nawasak yun wala akong pake, magsama silang dalawa I have my own problems that I need to solve.Biglang bumukas ang pinto at niluwa nun ang isang nag aalalang Daniel nagpabalik balik ang tingin nya saakin pati sa sirang cellphone sa sahig.
"What happened?" tanong nya at tuluyan ng pumasok sa kwarto, umupo sya sa tabi ko.
"Nothing" sagot ko
"Eh bat mo tinapon phone mo?" tanong nya ulit
"nainis lang ako sa game na nilalaro ko, you know mood swings" sagot ko, kahit kailan talaga palusot. com ako.
Nagbuntong hininga naman sya
"we'll buy you a new phone tomorrow okay? Now sleep ka na para marami kang energy bukas"sabi nya at hinalikan ako sa noo bago umalis.Mas mabuti pang magfocus na muna ako kay Daniel ngayon wala rin naman akong magagawa kung nangyari na kaya why not move on? Tumango lang ako at sinunod ang sinabi nya.
Nang makahiga ako sa kama ay saka ko lang naramdaman ang matinding pagod, mabigat na ang tulikap ko at tila hinehele ako ng kama para matulog. Ngunit hindi ko parin maalis sa isipan ko yung nakausap kong babae kanina. I better be wrong, ayoko mag isip ng ganito but I can't help it. He sounded so nervous when he called my name.
The next day.
Nagising ako sa lakas ng music na nanggagaling sa baba.
There I saw Daniel dancing while cooking breakfast.
To be continued.
BINABASA MO ANG
Finding HER (M.H Book2)
Mystery / ThrillerWhere is she? Is she dead? Mga katanungan na bumabagabag kay Spade na hanggang ngayon ay umaasa parin makita si Ara. Will he be able to find her before THEY do? Author's Note: kung gusto nyo tong basahin please make sure na nabasa nyo na ang Book1 w...