Chapter 5: New Client
Daniella's Pov
Mataman kong binasa ang mga papeles na nasa lamesa ko, sobrang tambak ng mga gawain ko, nakakastress pero kaya naman, isang buwan na pala ang lumipas simula ng magtrabaho ako dito, at parang pang isang taon na ang trabaho ko dahil sa sunod sunod na pagdagsa ng client orders and demands.
Napabuntong hininga ako, tumayo muna ako para pumunta sa kitchen ng office ko, yes nagpagawa na ako ng kitchen sa loob ng office ko para naman di ko na masyado nagpapagawa ng kung ano ano ang secretary ko. Pagkabalik ko ay nakita ko ang secretary kong si Mary na nahihirapan na ayusin ang mga papeles na nasa lamesa ko.
"Ako na yan." sabi ko at ibinaba ang kape sa lamesa bago ayusin ang mga papeles.
"Ma'am may client po na gusto kayong makausap " sabi ni Mary, na mukhang stress na stress narin dahil sa dami ng mga ginagawa.
"Let him in, ako na ang bahala dito" sabi ko sabay smile sa kanya, tumango naman sya at mabilis din na umalis. Habang mabilis akong nag-ayos bago umupo
Sinisipsip ko ang kape ko ng pumasok ang isang matandang lalaki, nakangiti ito saakin tumayo naman akosabay binaba ang baso ng kapeng hawak ko at nakipag kamay sa kanya.
"Nice to meet you Ms. Lim" bati ng matandang lalaki
"A pleasure to meet you sir, take a seat" bati ko rin at pinaupo sya sa upuan na nasa harap ng table ko then umupo na ako. May mga kinuha ako na papel para ma fill nya ng information since bigla bigla ang pagpunta nya dito ng makaramdam ako ng pagtitig nya, hindi naman ito yung mga nakakaawkward na tingin sa halip ay parang may kung anong meron sa titig niya na hindi ko mawari.
"Do I have something on my face sir?" tanong ko habang nakangiti ng makuha ko na ang mga papeles.
"No, no it's just that you really look like someone I know" nakangiting sagot nya
"Well glad that made you less uncomfortable" sabi ko habang chinicheck ang mga dapat nyang i-fill"Though you two are very different but your presence makes me want to believe that you are her." rinig kong bulong niya pero di ko na pinansin at binigay sa kanya ang papeles at ballpen
"paki fill in lng po then after may mga questions lang po ako" kaswal na sabi ko at hinarap ang laptop na nasa kanan ko at nagsimulang gawin ang trabaho ko. Hindi naman na muli siya tumitig at nagpokus na lang muna sa pinapa-fill up ko."Done" sabi pa nito sabay abot ng papel kinuha ko namn eto at inencode sa laptop ko.
"So Mr. Don.. why don't you have a last name" tanong ko kasi name lang ang nakalagay
"because I don't really like my middle and last name they remind me of my past" sagot nya, na nakpagpalungkot at the same time nagpa-curious saakin.
"I understand" sabi ko at tumango bago humarap ulit sa laptop
"So may dalawang tanong po ako sa inyo " saad ko
"What is it?" tanong nya
"Ano po bang klaseng desenyo sa bahay nyo ang gusto nyo?" tanong ko
"Actually school ang itatayo ko and wala akong gustong desenyo ikaw na ang bahala, ipauubaya ko na sayo kahit magkano i will pay any price" sabi nya habang nakangiti saakin, na ikinalula ko
"Po ako po? eh may mga skilled employees po ako na pwede kesa saakin" sabi ko still hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"But I want it to be done by you" sabi nito na may pagkaseryoso sa boses kaya napabuntong hininga ako as a sign of defeat.
"Well since magaan ang loob ko sayo, sa hindi malamang dahilan sa tingin ko masisingit ko pa to sa sched ko " nakangiting sabi ko at mabilis namang lumapad ang ngiti sa mga labi ng matandang lalaki"Good so we have a deal?" tanong nito at inilahad ang kamay nito
"deal" sagot ako at nagshake hands muna kami.Hinatid ko naman siya sa pinto. Feeling ko nakita ko na sya dati, feeling ko matagal ko na syang kilala alam kong may alam sya ramdam ko yun. Nagpaalam na siya saakin at ganoon din ang ginawa ko. Pinanood ko siyang makasakay ng elevator.
"Kilala niyo po ba siya ma'am?" tanong ni Mary nang makita niya akong hinatid siya sa pinto. umiling naman ako bilang sagot.
"i just met him today" dagdag ko pa at tumango naman si Mary.
Pumasok na ako sa opisina ko. Umupo ako sa upuan ko at nabaling ang tingin ko sa papel na sinulatan ni Don. Something is really weird about him. I just really feel like I know him and he knows me very well.
Sino ka ba talaga Don?
Are you part of my past?
Simula nang ampunin ako ng pamilyang Lim ay ni minsan hindi ko inisip ang nakaraan ko, ginawa ko itong respeto para sa kumupkop saakin. Kung ano man ang nangyari, kung sino man ang mga nakilala ko, kung paano man ako nawalan ng alala ay hindi ko pinansin lahat yun at binalewala not until this day. Suddenly I want to know atleast something about my past and that Don person I know he is one part of my past, is this a mere coincidence? but he wanted me to fix and design the school that he owned even though he can easily give it to others he specifically wanted me to do it, with my one way.
Napasandig ako sa upuan ko, inikot ko ito upang ipaharap sa malaking bintana sa likuran ko na ngayon ay nasa harapan ko na. Tinanaw ko ang mga gusali sa hindi kalayuan at huminga nang malalim.
Do I need to remember my past?
But what about the present?
Can I be selfish?
Napabuntong hininga ako dahil sa mga iniisip ko, nagdadalawang isip din ako kung sasabihin ko ito kay kuya pero sigurado akong maapektuhan siya. I mean who wouldn't? I already have them now, why would I look for the people who abandoned me? naguguluhan na ako, ni hindi ko nga alam kung inabandona ba ako o hindi.
BINABASA MO ANG
Finding HER (M.H Book2)
Mystery / ThrillerWhere is she? Is she dead? Mga katanungan na bumabagabag kay Spade na hanggang ngayon ay umaasa parin makita si Ara. Will he be able to find her before THEY do? Author's Note: kung gusto nyo tong basahin please make sure na nabasa nyo na ang Book1 w...