Chapter 9

1.7K 60 6
                                    

Polly's Pov

"Yes, thank you. Kakarating lang ng mga newly designed sandals kahapon. Of course. bye." sabi ko sa kabilang linya bago binaba.

Kasalukuyan akong nag iinspect sa mga bagong sandals dito sa shop, syempre as a owner mas mabuti na yung on hand ako sa business ko.

"Claire nasaan na si Gea? pakitawagan nga." sabi ko sa katabi kong trabahante na nasa tabi ko.
"Sige po ma'am" sabi nya at nilabas ang cellphone nya na ikinabigla ko di ko naiwasan na kunin ang cellphone nya at titigan ang wallpaper. Kasama nya ang bestfriend ko, si Ara.
"S-Sino sya?" tanong ko
" ah sya po ba? ang ganda noh? Sya po tumulong saamin ni Gea kahapon nung may echoserang babae na pumunta dito di ko po sigurado pero ang naalala ko lng po, nabanggit nya na sya ang CEO ng cloud Empire" pag explain saakin ni Claire
"regular customer ba natin sya?" tanong ko ulit
"siguro po ma'am pero madalang lang po sya pumupunta, kapag may new arrivals po siguradong nandito sya " sagot naman niya.
"I forward mo saakin ang picture na yan" utos ko
"Pwede po ba matanong kung bakit?" nagtataka nyang tanong. I smiled at her.
"She's my long lost friend" sagot ko bago nagwalk out kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang tao.

"Spade, we need to talk" seryosong sabi ko, hindi ko na hinintay ang sagot nya at binaba na tawag sakto naman dumating ang picture na pinaforward ko agad kong finorward kay Spade.

"10 minutes." biglang reply ni Spade.

I hope ikaw na yan Ara, i really hope.

Nagmamadali akong pumunta sa office ko para asikasuhin ang dapat asikasuhin habang hinihintay si Spade.
wala pang kalahating oras nakatayo na sya sa harap ng table ko.

"Where is she?" tanong nya
"I don't know." sagot ko
"Then who the hell was that!?" sigaw nya
"The CEO of Cloud Empire." mahinahon kong sagot
"Ano pang hinihintay natin tara na " sabi nya at tinungo ang pinto
"di tayo pwede padalos dalos spade, huminahon ka" saad ko
"POLLY THE F*CK, YOU OF ALL PEOPLE KNOW HOW I FEEL, I F*CKIN' MISS HER!" bulalas nya
"I know Spade, I know. But ther is something that frightens me." saad ko at umiwas ng tingin
"What?" mahinahon nya ng tanong
"There's a possibility that doesn't remember us" sagot ko

natahimik sya.

"I'm sorry Spade I promise we will find a way to get close to her just wait a little longer." saad ko


-------


Nakakrus ang braso ko sa dibdib ko, habang seryosong nakatingin kay Geo. Napapakamot lang siya sa ulo nya from time to time habang iniiwasan ang tingin ko. Ganun din si Isaac kay Apple habang si Don naman ay prente lang na nakaupo habang sa likuran niya nakatayo sila Sean na nakayakap sa asawa niyang si Clover mula sa likod habang si Spade naman ay nakatingin lang sa kamay niya.

"So you already met her?" tanong ni Spade kay Don at tumango naman si Don bilang tugon.

"And you?" tanong ko kay Geo at tumango naman siya, napatayo naman ako at kinuwelyuhan siya.

"Chill and sit down Polly, ako ang nagsabi na wag sabihin sa inyo ang mga nalalaman nila dahil naninigurado pa ako at inoobserbahan ko pa kung ano ang nangyayari sa kaniya, but I guess the world si really small." saad ni Don habang pinagsisiklop ang mga kamay niya.

"She doesn't remember anything, even us" saad ni Don at nakita ko kung paano natigilan si Spade, kita naming lahat kung paano niya dahan dahan na iniangat ang ulo niya na tila may gusto siyang sabihin pero hindi na lamang niya itinuloy.

"Then what do you suggest us to do?" tanong ko, while looking so expectantly at him.

"Come with me. Pag magkikita kami sa susunod ipapakilala ko kayo but don't do anything, let's see if seeing us will trigger some of her memories" saad nito 

"what if it doesn't trigger some of her memories?" tanong ni Apple

"Then we will have to work harder, I know all of us wants her back but its just that we need to handle the situation first" sagot ni Don sa tanong ni Apple

"Situation?" takang tanong ko, what is there to handle? kailangan lang naman namin maibalik ang ala ala ni Ara.

"She has a brother.." saad ni Isaac, na ikinakunot ng noo naming lahat

"A possessive one.." dagdag pa ni Geo, pinatong naman ni Spade ang kamay nya sa table at pinagsiklop ito habang seryosong tinitignan ang dalawa.

"A possessive what?" tanong nito, kalmado pero alam naming kumukulo na ang dugo nito. Isa pa to sa possessive eh.

"When we came back to her office the brother was there.." simula ni Don

"STEP" matigas na saad ni Spade

"Okay, her STEP brother was there, saksi ang sekretarya sa sama ng tingin niya saaming tatlo. Lalong lalo na dito sa dalawang to, as if naman aagawin nila si Ara mula sa kaniya. The moment she hugged him, boy kitang kita ang tuwa sa mukha niya habang inaamoy ang ulo nito" kwento ni Don. 

Nang silipin ko si Spade ay nakatiim bagang ito, alam kong malapit na itong mapuno dahil sa kwento ni Don. Sino ba namang hindi? Ara is his girl, gugustuhin mo ba na malaman na ang nawawalang mahal mo ay niyayakap at inaamoy ng iba? Okay that sounded off but you get my point.

"Where is this STEP brother that you are saying?" madiin na tanong ni Spade

"I am not telling you. I know you and as I said we can't take any action yet, not unless all hell breaks loose" saad ni Don. Malakas naman na sinuntok ni Spade ang table pero wala ni isa saamin ang nagreklamo dahil alam namin ang sakit na nararamdaman niya. Kung nangungulila kami kay Ara isipin nyo nalang siya.

"Don't expect to be patient about this Don, you know how I've longed for her." saad ni Spade

"I understand Spade but I do hope that you'll think first of what is best not only for her but for all of us." saad ni Don, muli namang sinuntok ni Spade ang mesa bago tumayo, nilisan niya ang silid at malakas na isinara ang pintuan.

Spade wasn't always like that, I guess pain can really change people.


-----------------------


Finding HER (M.H Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon