Chapter 10

1.7K 60 2
                                    

Daniel's Pov


Nagising ako dahil sa mabangong amoy na pumapasok sa sistema ko.

"Kuya?" tawag saakin ng isang pamilyar na boses, minulat ko ang mata ko at pinagmasdan ang anghel na nasa harap ko
"Yes?" sabi ko at umupo na
"Tumawag sila mama at papa kailangan ka daw doon" sabi nya saakin, habang hinahaplos haplos ang buhok ko
"okay..wait what?!" halos mapasigaw ako sa sobrang bigla, hindi ko mapigilan na mapaupo mula sa pagkakahiga.
"Kuya naman eh nagulat ako, di ko alam bakit pero kakatawag lang nila saakin ewan kung bakit ako ang pinapasabi nila eh may cellphone ka naman." banot na sabi nya

Di ko napigilang guluhin ang buhok ko. No ayokong umalis grr. ayoko iwan si Daniella dito paano kung may mangahas sa kanyang mga walang kwenta?! sh*t ayoko talaga. Napatingin ako sa kanya, nakatayo lang sya naka-crossarm pa kaya kitang kita ang cleavage nya dahil itim na sando lamang ang suot nya, nakawhite naman sya na pantalon halatang ready na pumunta sa trabaho.

Napaiwas ako ng tingin, masyado akong natetempt sa kanya, kailangan kong pigilan ang sarili ko.

"Mauna na ako kuya kausapin mo nalang sila mama at papa, kailangan ko na kasing pumunta sa kompanya" saad nya

Tumango lang ako at yumuko. Nakaramdam naman ako ng paglubog ng parte ng kama sa tabi kaya napatingin ako sa kanya, nakaluhod syang umakyat sa kama dahil may sandals syang suot, at lumapit saakin hinawakan nya ang magkabila kong pisngi.

"Kuya alam kong ayaw mo umalis. Nag aalala ka ba na may mangyayaring masama saakin? don't worry kuya I'll take extra care of myself ok?" sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko.

Sobrang lapit ng mukha nya saakin, nakatitig lang sya sa mata ko habang malumanay ang ngiti.

Ito, ito ang nagustuhan ko sa kanya. She's sweet and caring, her alluring eyes, her sweet smile and her tempting lips, oh how I want to taste it...kahit isang beses lang...

"Kuya?" tawag nya kaya nagising ako sa pagpapantasya.
"Yes?" tanong ko, napamental facepalm na lamang ako.
"Take care ok?" sabi nya at hinalikan ang noo ko bago tumayo.
"I will" maiksing saad ko, ngumiti lang sya bago umalis.

Napatingin ako sa junior ko at napabuntong hininga, she really have that affect on me.


Polly's Pov

Nandito kami ngayon sa isang cafe habang hinihintay ang isang tao. Lahat kami kinakabahan lalong lalo na si Spade na halos hindi mapakali sa kinauupuan niya, panay tingin sya sa entrance ng cafe at sumusulyap sulyap sa relo niya. Nakita ko naman na pinat siya ni Clover sa balikat para pakalmahin ng kahit konti ngunit wala talagang epekto.

"She's here" saad ni Don, kung kaya't napalingon kami sa entrance and there she is. 

Our Ara. Hindi ko mapigilan na hindi mapatitig sa kaniya, well hindi lang naman ako kundi kaming lahat. Tila nagslow motion ang  lahat habang naglalakad siya papunta sa direksyon namin nakangiti lamang siya habang naglalakad. 

"I'm really sorry for the wait Sir Don, there was an accident down town nahirapan ang taxi na makadaan." she said apologetically, bigla namang tumayo si Spade kaya napatingin sa kaniya si Ara. May pagtataka sa mukha nito.

"Ah Daniella meet my colleagues and also former students of that school" saad ni Don at napatango tango naman si Ara..wait Daniella?

"Oh hi I'm Daniella Rose Lim but you can call me Daniella or Rose depends on what your most comfortable with anything is fine by me" nakangiti niyang saad at bahagya pang nagbow bilang respeto.

"Spade pull the chair for her" utos ni Don kay Spade na mukhang iniwan na ng kaluluwa niya pero agad naman siyang natauhan at hinila ang upuan na nasa tabi niya. Ngumiti naman sa kaniya si Ara bago umupo

"Thanks Spade" saad niya ng makaupo na siya.

"So shall we order?" nakangiting tanong ni Ara pero walang sumagot sa kaniya dahil masyado kaming okupado sa pagtitig sa kaniya na tila ba kinakabisado namin ang bawat korte ng mukha niya.

"We shall" si Don na ang sumagot, nagtataka man ay tumango nalang siya.

"So umm what would you guys like to drink? I'll order it for us" saad nito pero wala paring sumagot sa kaniya at nakita ko kung paano napailing si Don.

"I-ikaw na ang bahala anything is fine for us" saad ko, muli ay nakita ko ang pagtataka sa mukha niya pero tumango nalang siya.

"Then I'll be at the counter, be right back" saad niya bago tumayo at nagtungo sa counter upang umorder.


"When I told you to not do anything, I meant to act normal not literally not do anything" banas na explain ni Don 

"So that was her? it's like she's a different person" saad ni Clover, sang ayon ako sa sinabi niya. Ang layo niya sa Ara na nakilala namin. Pinagmasdan namin siya habang nasa counter siya, kitang kita namin kung paano siya mamili ng mga drinks mula sa menu na nakaukit sa taas ng counter, tuwang tuwa naman ang cashier sa kaniya.

"Can't we just tell and explain everything to her?" suggest ni Sean

"Think about it kung binigla natin siya ay mas hindi maganda ang dulot nito sa kaniya, maaari niya pa itong ikapahamak" saad ko.

"Then will we just wait until the memories come back to her?" tanong ni Apple, at hindi naman nakasagot agad si Don

"There is a possibility na maalala niya but then there is a bigger chance na hindi na nya talaga tayo maalala" saad ni Geo

"Then we can make new memories with her, there's no problem with that right?" singit ni Spade

"So guys umm I ordered randomly and just guessed what you'll like I hope you like it" saad ni Ara ay este Daniella, hindi ko tuloy alam kung ano ang itatawag sa kaniya.

Dumating naman ang mga order namin.

Saakin ay Frappucino with bagel donut.

Kay don ay black coffee

Kay Spade naman ay Cafelatte with extra cream

Kay Geo,Isaac at Sean ay both iced coffee at bagel donuts

Kay Apple ay Caramel Machiato 

Kay Clover naman ay Creamy latte with whipped cream.

Habang siya naman ay Choco-Mocha with marshmallows.


Tinignan naman namin siya.

"Umm you don't like it? I can order something else if you want" saad nito, nag aalala na baka hindi namin magustuhan ang pinili niya para saamin.

"No these are our favorites that's why, nagulat lang kami" saad ni Apple at lumawak naman ang ngiti niya.

"Really? awesome!" tuwang saad niya.



She really lost her memories.

Finding HER (M.H Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon