Chapter 3

2.1K 62 1
                                    

Isaac's Pov

"Oo na Geo eto na nga pabalik na ako dyan, pinadaan lang ako ni Apple dito sa Cloud Empire Inc. para i-check ang mga produkto na ipapadala sa kumpanya" pag explain ko kay Geo, habang nakatayo ako dito, ang kanang kamay ay nakahawak sa cellphone habang ang kaliwa ay nakapameywang.

Kanina pa kasi sya yawyaw ng yawyaw saakin dahil biglaan daw ako umalis sa office, paano naman kasi ako makakapaalam sa kanya eh panay ang landian nila ni Polly hays. Rinig ko ang pagbubulung-bulungan ng mga chismosang empleyado.

"sya na ba yun?"

"Ang gaganda talaga ng lahi nila sir at ma'am Lim"

" I heard she's adopted"

"Who cares? She's a freakin' hottie dude"

"look at that innocent face, damn"

"She's so cute, can we be friends with her?"

"I hope she's nice" 


Sino naman kaya ang tinutukoy nila at grabe naman ata sila magchismisan paano nalang kung marinig sila ng taong yun? Grabe na talaga ang mga tao ngayon. Pansin ko na natigilan sila ng titigan sila ng isang babae, nakatalikod sya saakin kaya hindi ko maaninag ang mukha nya. Medyo na curious ako pero di ko na pinansin loyal ata to kay Apple my love harhar.

"Huh? wala ka sa kumpanya? what do you expect ako gagawa ng mga gawain mo? Kaya pala kung makapagdemand ka na bumalik na ako para magawa ko na trabaho mo nuh? nakuuu lagot ka na namn kay Spade nyan" saad ko, habang napapakamot sa ulo. Talagang malalagot siya kay Spade at syempre alam kong madadamay ako.

ang dami ng nagbago simula ng matapos na ang issue tungkol sa M.H. Isa na dito ang mga buhay namin, napadesisyunan namin na kalimutan nalang ang lahat at isipin na walang nagyari, ngayon si Spade na ang namamahala sa isang kumpanya na dating pagmamay- ari ni Alyssa, speaking of Alyssa. She's dead. She died a year after the incident, masyado syang na depress ng mawala si Ara, she was hospitalized for 9 months bago sya namatay, iniwan nya naman lahat ng ari-arian nya kay Spade at Apple. Kaya ayun si Spade na ang namamahala sa Capresa Suites samantalang si Apple naman ang namamahala sa Capresa Memoratta  kung saan ginagawa ang mga heels na gawa sa iba't ibang materyales at unique na mga desenyo. 

"Oo na pre hays eto na po" sabi ko at napatingin sa elevator kung saan pumasok ang babaeng kani kanina lang pinag uusapan ng mga empleyado, pero biglang kumalabog ang dibdib ko ng makita ko ang mukha nya, nagmadali akong tumakbo papunta sa elevator pero di ako nakaabot.

"F*ck!" sambit ko 

'Oh ano problema mo?' -sabi ni Geo sa kabilang linya

"I saw her.." sagot ko

'Ara? come on bro? baka wala kang kain? ano ang gagawin nya dyan? Eh sa pagkakaalam natin wala na syang pamilya. Gutom ka lang Isaac bilisan mo ng bumalik dito wag ka ng ano dyan. Alam kong gusto mo na rin mahanap si Ara pero wag naman ganyan.' sabi ni Geo

"Fine." sabi ko at bumuntong hininga at tumungo na sa parking lot.

But this very moment I swear I saw her. 

Siya nga ba yun? O baka nga namamalikmata lang ako?


*************


Daniella's Pov

Nagising ako dahil sa sakit ng likod ko, pagmulat ko ng mata ko ay dun ko lang nalaman na wala pala ako sa kwarto ko.  Napatingin ako sa balikat ko kung saan mahimbing parin na natutulog si Kuya amoy na amoy ko rin ang alak sa kanya.

San ba to galing kagabi at nagpakalasing?

dahan dahan kong tinanggal ang ulo nya sa balikat ko at pinuntahan si Nanay Linda sa kusina. Naabutan ko pa itong nag aayos ng mga pinaghugasang pinggan sa kusina.

"Nay Linda paki gawaan naman po ng hangover soup si Kuya pati narin ng breakfast, Milk with cereals lang po ang akin Nay, maliligo po muna ako" sabi ko sabay ngiti bago nagtungo sa kwarto ko. 

Siya si Nay Linda ang matagal na daw nan nagsisilbi sa pamilyang Lim, medyo may katandaan na siya pero malakas pa naman ito para maglinis at mag ayos ayos sa bahay.

Agad naman akong nag ayos ng gamit at damit ko, at dumiretso na sa c.r para maligo.

Natapos na akong naligo kaya sinuot ko na yung damit na hinanda ko, red pencil skirt na 2 inches above the knee, white long sleeved polo and Black heels, na binili ko pa sa Capresa Memoratta ang favorite shopping place ko pagdating sa sandals. Nag-apply muna ako ng konting make-up at pabango, tinignan ko ang itsura ko sa malaking salamin at napahawak ako sa necklace ko, come to think of it bagay na bagay talaga ito sa kahit anong suotin ko. Matapos kong tignan ang repleksyon ko ay bumaba na ako.

Pagkababa ko ay tulog parin si Kuya habang si Nanay Linda naman ay nag aayos sa kusina. Ginising ko muna si Kuya bago pumunta sa kusina. TInapik tapik at niyugyog yugyog ko na siya kaso ayaw nya parin naman magising kaya hinayaan ko nalang sya at kumain na.

"Nay kayo na po bahala kay Kuya ah? Nasobrahan po ata eh. Kailangan ko na po kasing pumunta sa office ngayon kaya maiwan ko na po kayo ah? ingat po kayo at alagaan niyo rin po ang sarili niyo" sabi ko at hinalikan sya sa pisngi

"Mag iingat ka din po Ms. Rose" sabi nito nginitian ko lang sya bago umalis. Nagtaxi nalang ako since di naman ako marunong magdrive.

Pagkarating ko sa office ay binabati bati ako ng mga empleyado ako naman nginingitian lang sila, ng makarating ako sa office ko ay agad ko ng insaikaso ang mga papeles na nasa table ko

"Mary, please inform the all of the employees that the meeting today will be moved at 3:00 in the afternoon, I hope for their consideration and cooperation" utos ko habang naglalakad papasok sa opisina ko. Sumunod naman saakin ang secretarya ko.

"Masusunod po ma'am" sabi ni Mary bago kinalikot ang tablet na dala niya.

"Meron pa po ba kayong idadagdag ma'am?" tanong nito

"A cup of white coffee would be nice" saad ko at ngumiti sa kaniya at tumango naman siya saakin bago umalis.



What a tiring morning..  

Finding HER (M.H Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon