Fill Me More will consist of 20 chapters. First ten chapters are Bari's POV and thoughts in Touch Me More (TMM was written is Czarina's POV). The last ten chapters are the sequel for Hold Me More. It will be on Czarina's POV.
Many thanks! - FGW
***
PRELUDE
Filled since the Beginning
July 1978
"B-Buntis ako..."
"What?"
Nahihirapang lumunok si Ysabella. Napayuko sapagkat natatakot sa magiging pagtanggap ni Santino.
She's just seventeen. At isang gagang nagpauto sa isang Santino Delos Santos na pitong taon ang tanda sa kanya. Akala niya noong una ay seryoso ito sa kanya. Ipinadama nito sa kanya ang pag-ibig at kaligayahan na hindi napantayan ng mga nagustuhan niya noon.
Santino was every girl's dream. Kaya't lahat siguro nang nangangarap dito ay pinapatulan nito. Kahit siya...
Napapikit si Bella. Hiyang hiya sa sarili. Isa siyang napakalaking hangal para paniwalaan na mahal talaga siya nito.
Santino Pierre delos Santos is a charmer. Dapat ay hindi niya hinayaan ang sariling mahulog rito!
"Aya, look at me."
Humigpit ang pagkuyom niya sa mga kamay. Ito lang ang tumatawag sa kanyang "Aya". It's an acronym of her full name na ito rin ang nakaisip.
She thought before that it was sweet. Hindi na ngayon.
"I'm pregnant, Santi... A-At hindi ko alam ang gagawin ko..." Nangilid ang luha sa mga mata niya. "B-But I want to keep the baby. N-Nais ko lang malaman k-kung sakaling matulungan mo ako..."
"What help do you need?"
Matutuwa ba siya na hindi man lang nito itinanggi na ito nga ang ama ng dinadala niya? Well, he must be aware of the unprotected sex they had.
"I-I don't know if what my parents will do to me..." Nakagat niya ang mga labi. "In case that they'll disinherit me..." She cleared her throat. "I need your financial help for my baby..."
Hindi umimik si Santino. Kalmadong naglakad pabalik sa likod ng sariling lamesa at umupo sa executive chair. "Very well, then."
Napatingin siya rito.
Her heart ached a little bit. Walang emosyon sa mga mata nito. Nakatingin lang sa kanya na tila isang business deal ang madali nitong inaprubahan dahil hindi kailangan ng mas marami pang oras.
Naalala niya kung pa'no magliyab ang mga matang iyon nang naging magnobyo sila ng palihim at binigay niyang lahat rito.
She felt guilty and disgusted of how she sneaked out of her class, ditched her friends, disobeyed her parents... just to be with Santino before.
But that was six months ago already. They broke up last month. She caught him with another woman. Tapos na pala ang "pagmamahal" nito sa kanya. Nagsawa na sa kanya si Santino delos Santos.
"T-Thank you..." nagawa niya pang isatinig at tatalikod na sana nang tinawag siya nito.
"Aya... How sure are you that... that's my child?"
Napasinghap siya. How dare he?!
Galit na lumingon siya rito. "You're the only man I had!" Pumiyok siya. "I-Ikaw lang ang hinayaan kong humigit sa halik, Santino."
BINABASA MO ANG
Fill Me More (More Trilogy # 3)
RomanceMore Trilogy Book Three: Fill Me More (2018) Crisostomo Ibarra delos Santos wanted to be free from his father's claws. Lahat ay idinidikta nito sa buhay niya! Ultimo ang babaeng magugustuhan ay dapat rekomendado nito. Then, Maria Clara "Czarina" Flo...