Chapter Thirteen
Filled with the Days He Never Returned
January 2021.
IT'S the last day of Eduardo Damian Flores Jr.'s wake. Lahat ng empleyado sa flower farm nila ay nandoon para makadalo sa huling araw ng burol. Even their relatives from Manila flew all the way to Bukidnon just to pay respect for the sudden death of his father. Maraming tao sa bakuran nila, at pinili ni Czarina na magkulong sa kuwarto mag-isa.
She's sitting on the floor, her back against the corner of the wall. Nagtago siya sa pinakasulok ng kuwarto. Napayakap siya sa mga binti at sinubsob ang mukha sa mga tuhod. She started sobbing, again.
Dalawang araw pa lang ang nakakaraan nang hindi na nagising ang Papa niya. At hindi magawang matanggap ni Czarina ang lahat ng iyon. May usapan pa silang lalabas! Babawi pa siya ng oras dito! Hindi puwedeng hindi na mangyayari iyon!
She was six when her mother died. Hindi rin siya nagkaroon ng tsansa na makapagpaalam ng maayos. And now, her father didn't let her say good bye, also?
"Czarina?" narinig niyang tawag ng madrasta mula sa pinto. Kumatok ito. "Hija, kumain ka na. Let's eat dinner. Naghihintay ang mag-ama mo sa'yo."
Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pagtangis. Hindi niya na alam paanong pakikiharapan ang mga tao sa baba. Kahit ang asawa o ang anak niya. Pakiramdam ni Czarina, sa tuwing makikita siya ng mga tao ay malalaman ng mga ito na naging wala siyang kuwentang anak. She was clueless that her father was sick! She did not pay attention to his changes! At kung hindi pa siya kinausap ng ama na nami-miss siya nito ay hindi niya maiisip na bumawi!
God, why? Why, now? Tanggap kong lahat ay namamatay, but why now? Why my father?
Sumakit na ang ulo ni Czarina sa pag-iyak. Nang wala nang mailuha ay tulalang nakatanaw na lang siya sa kung saan. Hindi niya napansin ang pagbukas ng pinto ng kuwarto niya.
"Maria Clara..."
Napakurap siya nang lumitaw sa mismong harap niya si Bari. Lumuhod ito upang magkapantay ang mga mata nila. Punong-puno ng halo-halong emosyon ang mga mata nito habang nakatingin ng matiim sa kanya. He caressed her face.
"Elijah's looking for you..." he gently said.
Iniwas niya ang tingin rito. Napayuko siya at hindi nagsalita.
Napasinghap siya nang buhatin siya ng asawa at dalhin sa ibabaw ng kama.
"Bari!"
Sinama siya nito sa paghiga, mahigpit na nakayap sa baywang niya ang dalawang braso nito. Halos hindi makagalaw si Czarina sa posisyon nila. Ngunit wala rin naman siyang lakas para kumawala. She didn't feel like moving at all.
Pumikit na lang siya at... at hindi niya na alam ang susunod na gagawin. Nawalan na siya ng gana kahit ang mag-isip.
Hindi na rin umiimik si Bari. He gently stroked her back and rained tiny light kisses all over her face... Then, he started whispering something. Tapos na nang mapagtanto ni Czarina na pinagdadasal siya ng asawa. Kusang nagtuluan muli ang luha sa mga mata niya. She started shaking and wanted to scream the pain she's feeling.
Bari held her tighter. Hindi kumikibo. He knew that no words can ever comfort her pain.
Maybe, her husband's prayer worked. Pagkagising niya kinaumagahan ay hindi na siya umiiyak. Mas nauna pa siyang bumangon kaysa kay Bari. Nagtuloy siya sa banyo at nagsimula nang mag-ayos. Mamaya-maya ay ililibing na ang Papa niya...
BINABASA MO ANG
Fill Me More (More Trilogy # 3)
RomanceMore Trilogy Book Three: Fill Me More (2018) Crisostomo Ibarra delos Santos wanted to be free from his father's claws. Lahat ay idinidikta nito sa buhay niya! Ultimo ang babaeng magugustuhan ay dapat rekomendado nito. Then, Maria Clara "Czarina" Flo...