2: Filled with an Honest Heart

91.4K 2.7K 158
                                    

CHAPTER TWO

Filled with an Honest Heart


"HINDI ka pa ba uuwi sa bahay mo?"

            Mula sa binabasang libro ay nag-angat ng tingin si Bari sa pinsang si Gideon. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa hamba ng pinto.

"Pinapaalis mo na ba ako?"

            Tatlong araw na siyang nakikituloy sa bahay ng pinsan niyang si Gideon. It's in a small peaceful province called Amora.

            Nagkibit balikat ito at umupo sa katapat niyang sofa. "You can't hide in here, Ibarra. You got to see your doctor for your monthly heart checkup."

            Kumunot ang noo niya. "Hindi ako nagtatago sa doktor ko. Nakapagpaalam na 'kong mahuhuli akong magpatingin para sa buwang ito." Bumalik ang paningin niya sa librong binabasa. "Just give me another day away from Manila."

            Bari wanted to clear his mind and be stress-free. Nakapagpaalam naman siya sa ina at ito na ang bahalang magpaliwanag sa Papa niya kung bakit hindi siya nakapagre-report sa opisina.

            "Ano ngayon ang nagpagulo sa isip ng isang Ibarra Delos Santos?"

            Napabaling siyang muli rito. "Tatlong araw ang lumipas na wala kang tinatanong," he sarcastically said. "Why ask now, Gideon?"

            Prente itong sumandal at nagde-kuwatro. "Hinayaan lang muna kita noong mga unang araw dahil akala ko ay sandali ka lang. Inaabot ka lang ng isa o dalawang araw dito kadalasan. But tomorrow will be your fourth day," he suspiciously said. "Are you heavily damned this time?"

            Nagkibit-balikat lang siya at akmang magbabasa na lang ulit nang may sumunod itong itanong.

            "Is this about your new neighbor? That young girl you were talking about last week?"

            Tinitigan niya ito. "How'd you figure it out?"

            Napangisi ito. "I was just trying to guess. But looks like that is really your problem. What happened?" Gideon curiously asked.

            Isinara niya ang hawak na libro at ipinatong sa coffee table. Bari lazily slouched and sighed heavily. Alam naman niyang kay Gideon niya lang puwedeng sabihin ang lahat ng problema niya. Sa kanilang magpipinsan, sila ang magkasunod ang edad kaya naman mas madalas silang magkasundo. They literally grew up together and he's the only one who would not judge him.

            Maybe just a little.

            "Natatandaan mong sinabi ko noon na natutuwa ako sa kanya? That I find her very lovely and playful?" pag-uumpisa ni Bari. "Remember I've told you, I am attracted to her but she's just fifteen, so I can't really do anything about it."

            Nangislap ang interes sa mga mata ni Gideon, kasama na doon ang entertainment. He's just mature enough not to laugh at him. "Yes, and you also said that you'll try to wait."

            He sighed, again, and looked away. "Naisip kong hindi kaya ay kahibangan ang sinabi ko? Na baka nadala lang ako sa atraksyon ko sa kanya kaya ko nasabing maghihintay ako?"

            "Why? Napagtanto mo bang, hindi mo kayang maghintay?"

            Umiling siya. Hindi naman iyon. Wala siyang problema sa paghihintay. Subalit... "I can wait but I can't ignore the fact that she's seven years younger and no matter how much I wait, if she likes boys her age, I won't be able to top that."

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon