7: Filled with a Love that Keeps on Blooming

71.2K 2.3K 207
                                    

CHAPTER SEVEN

Filled with a Love that Keeps on Blooming

IT WAS not a heart attack. Only a severe heart burn that caused Bari to pass out. Ayon sa doktor ay kailangan niyang magpahinga. It was either he was too tired or too stressed. And it also can be both.

He was advised to take a rest, go on a vacation for a while, perhaps. The moment Gideon heard that from the doctor, isinama na siya ng pinsan pagkauwi nito sa probinsiya ng Amora.

"Quiteria has a nature resort you can stay in. Iyon ang pinakapinupuntahan dito sa Amora, maging ng mga taga-ibang nayon. They can provide the rest that you need," sabi ng pinsan niya habang nagmamaneho.

Bari's sitting on the front seat, his right elbow against the bottom of the car window. Napatingin na lang siya sa labas ng bintana. Palabas na sila ng Metro Manila... hindi niya na nagawang makapagpaalam kay Czarina.

Napabuntong-hininga siya nang maalala kung anong nangyari. Ayaw isipin ni Bari na iyon ang pinakarason kung bakit sumakit ang puso niya. Nagkataon lang siguro pero... napabuntong-hininga siyang muli.

"That one's deep," komento ni Gideon. "What happened to you, really? Trabaho lang ba?"

"Mahirap pagsabayin ang pagaaral ng doctorate at ang trabaho sa kompanya," he calmly explained. "Kahapon ko lang natapos lahat ng magkasabay ang mga gawain. I didn't expect there was a consequence, though..."

Matagal bago ulit nagsalita ang pinsan. Tila may iniisip.

"Ano ang nangyari bago mo naramdaman ang sakit? Nagmamaneho ka lang ba talaga kanina kung saan at bigla ka na lang nakaramdam ng pagsakit sa puso? O may pinanggalingan ka...?"

Umangat ang gilid ng labi ni Bari. "I might got that heart burn because of stress. Ngunit puwede ring nakadagdag sa sanhi ang emosyon ko kaninang hapon. Masyadong mataas... nagulat ako at nagalit."

"Nagulat at nagalit? Was it too much? Bawal ka sa mga ganoong emosyon, Ibarra. Was it your father, again?"

Isinandal niya ang ulo sa headrest at saka napapikit. "It was Maria Clara..."

Naramdaman niya ang pagbaling ng pinsan sa kanya. "What did she do?"

"She kissed me."

Kung hindi lang siya ay naka-seatbelt ay muntikan na siyang sumubsob nang biglang nagpreno si Gideon.

"She did what?!"

Natawa siya sa reaksyon nito. Wow, would you look at that? Tumatawa na lang siya ngayon habang kanina at walang mapaglagyan ang galit niya sa nangyari?

He opened his eyes. "Keep driving. Nakakaabala tayo sa bigla mong pagpreno."

"Dahil lang doon ay nag-malfunction ang puso mo? What the hell?"

"I wanted to kiss her back," pag-amin niya. At doon siya pinakanagalit. Galit siya sa ginawa ni Czarina ngunit mas ikinagagalit niya ang naramdaman. "I wanted more than that..." pag-amin niya rito at sa sarili na rin. "I always wanted my love to be pure, Gideon. Pero may parte ko pa rin pa lang hinahanap ang intimasyong iyon..."

Bumagsak ang mga balikat ni Bari. If he was disappointed with Czarina, he's more disappointed to himself.

"God, I want to take her there... and it was wrong."

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon