20.3: Filled with Love

93.9K 3.4K 608
                                    

CHAPTER TWENTY (Part Three)

Filled with Love

THE WORLD was made with the thing that people mis-defined nowadays.

Love.

Mula sa kalawakan at kalangitan hanggang sa kalaliman ng mga lupat't karagatan. Pati ang tamang pagkakakulay sa mga halaman, puno, at iba't-ibang klaseng bulaklak. Idagdag pa ang nakamamanghang kakayahan ng mga ibong makalipad, ng mga isdang makalangoy, at ng marami pang klase ng hayop na may angking katangiang ang mga ito lamang ang nakagagawa.

They were created with too much passion, it gave a life to what was just darkness before. The sun started rising, the moon shares light every evening. The clouds balancing the blue skies, the stars twinkling for cold nights. These astonishing creations cannot be done if it's not done with love. Iyong pagmamahal na ang tanging hangad ay maibigay ang pinakamabuti at pinakamaganda sa lahat.

At nang buhayin ang tao ay hindi lang isa ngunit dalawa ang nilikha. Dahil mismo ang Tagalikha, nais ipadama sa dalawa kung ano ang pag-ibig. Alam Niyang ito ang pinakamasayang pakiramdam sa lahat at hindi kinikipkip para sa sarili lang.

Yet love is not just love because of the wondrous feeling it brings.

Hinawakan ni Czarina ang kamay ni Bari. Binalingan siya ng asawa na ang mga mata'y puno ng pag-aalinlangan. Nginitian niya ito. At saka nagbago ang emosyon sa mga mata nito. Bari's eyes became tender.

Ngayong araw ay haharapin na ni Bari ang mga pamilyang namatayan sa aksidenteng kinasangkutan nito isang taon na ang nakalilipas.

"I hope this will turn out fine," he said, sighing.

"It will be," Czarina confidently said. "We prayed for it, after all. At kung hindi ka pa mapapatawad ng iba, maghihintay naman tayo, hindi ba?"

Tumango ito. "We will be thankful enough to those who can forgive us today. Kahit isang pamilya lamang..."

Hinila niya na ito at pumasok na sila ng meeting room. The people turned their heads once they entered.

"Mr. Delos Santos is here," ani ng Amerikanong abogado na kaibigan ni Ramses.

Iba't iba ang reaksyon ng mga taong nasa loob. May 18 na namatay noong aksidente. The one was Mama Bella, then 10 adults and 7 children. They are facing 17 families now.

May mga taong masama ang tingin kay Bari. Ang iba ay blanko lang ang ekspresyon. Mayroon namang mukhang hindi naman galit at nais lamang talaga na makausap ito.

Nakahanda naman ang security na kinuha niya para sa asawa kung sakaling magkagulo sa pag-uusap na 'to. But they really prayed for a peaceful talk.

Napatingin siya sa isang sulok ng meeting room kung nasaan ang mga pinsan ni Bari. Napangiti siya nang ngitian siya ng mga ito. Johann gave him a thumbs-up.

Hinaplos niya ang braso ng asawa. Napatingin ito sa kanya. Tinuro niya ang mga pinsan nito. Bari's shoulder relaxed a bit.

Umupo si Czarina sa isang gilid kasama ang mga pinsan nito. Matapang na pumunta sa harap si Bari at hinarap ang mga tao.

Tumikhim si Bari at inangat ang tingin. "Thank you for coming. This talk is long overdue, and I know that all of you thought I was dead. Or you thought that I am better off dead... I thought so, too. Because after what happened a year ago, it became tough for me to even look at myself in the mirror."

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon