Chapter Twelve
Filled with Unpromised Tomorrows
Year 2017.
NAPABALIKWAS ng bangon si Czarina dahil sa isang masamang panaginip. Napahawak siya sa pisngi nang maramdaman ang paglandas ng luha mula sa mata niya.
Napabuntong-hininga siya at napailing-iling. It's just a bad dream, hindi totoo... Tumingin siya sa orasan at nakitang alas dos pa lang ng madaling araw. Tumayo siya mula sa higaan at sinilip ang crib ng anak.
Elijah's a behaved baby. Maraming nabasa si Czarina na mga libro at articles tungkol sa mga parents na hindi nakukumpleto ang tulog kapag may bagong panganak na baby. Baliktad pa daw kasi ang body clock ng baby. Wala pang sense of time kaya kadalasan ay sa madaling-araw gising.
But her son is different. Wala silang problema ni Bari dito. Hindi sila napupuyat. At hindi rin madalas umiyak ang baby nila maliban na lang kung gutom.
Napapangiting hinaplos ni Czarina ang mukha ng anak. "I love you..." bulong niya rito.
Hindi talaga siya makapaniwala na may sarili na rin siyang baby, sa wakas! They had lost the first one, but it taught Czarina to value children more. Gustong-gusto niya ng mga bata. She became comfortable around them. All along, God was preparing her to be a mother.
Lumabas siya ng kuwarto saglit at dumiretso sa kusina. Uminom siya ng malamig na tubig para naman makalma din siya sa masamang napanaginipan. Sana makabalik pa siya sa pagtulog. She still hates waking up in the morning. Pero morning person si baby Elijah. Kaya dapat hindi siya puyat para naman makapag-breastfeed siya ng maayos mamaya.
"Why are you still awake?"
Bahagya siyang napapitlag ngunit agad ding nakabawi. Paglingon niya ay nasa likod niya na si Bari.
"Gusto ko lang uminom ng tubig. I had a bad dream," aniya rito. "Binangungot yata ako kasi ayaw mo pa rin akong tabihan."
Ngumisi ito at kumuha rin ng baso sa cupboard at saka nagsalin ng tubig. "You know my rules, Maria Clara."
Yeah, yeah. Hindi sila kasal kaya hindi dapat sila nasa iisang kuwarto. Classic Bari.
"Hindi ko naman kasi kasalanan na hindi na tayo kasal," pagpaparinig niya rito. "Saka may baby na nga tayo, eh."
Diretsa nitong nilagok ang isang baso ng tubig. "What did you dream about?"
Napalabi siya at napayuko. "Kasal daw natin. We are dancing in the reception when you suddenly faded. Hanggang sa... hanggang sa mag-disappear ka. Tapos kahit anong tawag ko sa'yo... hindi ka sumasagot. Hindi ka... h-hindi ka b-bumalik." May kung anong kumirot sa puso ni Czarina kahit alam naman niyang panaginip lang iyon.
Walang naging tugon si Bari kaya naman napaangat siya ng tingin rito.
Nakatitig lang ito sa kanya. Nang magsalubong ang mga mata nila ay humakbang ito palapit. He gently caressed her face and lovingly smiled at her. "I'll sleep with you tonight."
Nanlaki ang mga mata ni Czarina. Nagningning din yata iyon! "Sleep? You mean...?"
"Matutulog tayong magkatabi."
Bumagsak ang mga balikat niya. "Hindi 'yung isang definition ng sleep?"
He chuckled. "No. Tatabihan lang kita sa pagtulog. I guess, it's not really bad."
BINABASA MO ANG
Fill Me More (More Trilogy # 3)
RomanceMore Trilogy Book Three: Fill Me More (2018) Crisostomo Ibarra delos Santos wanted to be free from his father's claws. Lahat ay idinidikta nito sa buhay niya! Ultimo ang babaeng magugustuhan ay dapat rekomendado nito. Then, Maria Clara "Czarina" Flo...