17: Filled with Ultimate Dreams

77.5K 3K 794
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Filled with Ultimate Dreams

PAGKAGISING ni Czarina ay wala na ang asawa at anak sa higaan. Napatingin siya sa wall clock at nakitang late siya ng thirty minutes sa usual time na nagigising siya. Early riser si Bari at paniguradong nagising na rin si Elijah. Nag-inat siya pagkatayo mula sa higaan. Binuksan niya ang kurtina at ang magandang sikat ng araw ang bumati sa kanya.

         Napangiti siya nang matanaw ang mag-ama niya sa labas ng gate. Nakapajamas pa sina Bari at Elijah habang bumibili ng taho.

         Binuksan niya ang bintana. "Good morning!" magiliw niyang bati sa dalawa.

         Sabay pang napatingala ang dalawa.

         "Good morning, Mommy!" masayang bati pabalik ni Elijah at kumaway pa sa kanya.

         Bari gently smiled while looking up to her. "Good morning, Mommy."

         May kung anong kumiliti sa tiyan ni Czarina. She slightly giggled. "Ibili niyo rin ako ng taho, please?"

         Tumango si Bari at nagpadagdag pa ng isang taho sa nagtitinda. Sinara na ni Czarina ang bintana at dumiretso ng banyo para makapagmumog at hilamos. Pagkababa niya ay nasa dining room na ang mag-ama. Nakakandong si Elijah kay Bari habang nagpapasubo ng taho.

         "Yummy!" ani Elijah. Inilahad nito ang maliit na kamay kay Bari. "Daddy, let me hold the spoon."

         "You'll eat on your own?" tanong ni Bari rito.

         "Yes," nakatangong sagot ni Elijah. "Big boy na 'ko, Daddy."

         Nilapitan niya ang dalawa. "Big boy na pero kailangan pa rin ng baby bib," aniya dahil makalat kumain mag-isa si Elijah. Agad niyang kinuha ang bib sa kusina at itinali iyon sa leeg ng anak.

         Inilipat ni Bari ang anak sa high chair at ibinigay rito ang isang bowl ng taho.

         "Sorry, late akong nagising," aniya sa asawa at saka ito hinalikan sa pisngi.

         "It's alright. Buong gabi kang nagsulat kagabi kaya paniguradong napagod ka," Bari understandingly said. "Ano ba ang sinusulat mo kagabi at hindi ka mapahinto?"

         "I'm writing a series based on your cousins' love lives. I got permission from the girls. Iibahin ko lang ang names dahil ihahawig ko sa mismong events ang mga isusulat ko," she excitedly told him. Kahapon lang pumasok ang ideyang iyon kay Czarina. Payag naman si Kyle nang ipinaalam niya ang concept rito kahapon lang din. Mas bumebenta daw kapag based on true stories.

         Napatingin sa kanya si Bari habang pinupunasan nito ang pisngi ni Elijah na agad na nabahiran ng arnibal galing sa taho. "You'll write their stories?" nakangising kumpirma nito.

         "Oo! Da-dramahan ko lang ng kaunti. Nag-conference call kami nina Haley. Gusto din nila and they even suggested the titles and the title series. Kaya pagkauwi ko kagabi, hindi na 'ko makausap. Sorry." Lumabi siya at pinamungay ang mga mata. Hindi niya rin kasi naasikaso ang mga ito. Inasa niya muna lahat kay Bari ultimo paghuhugas ng pinagkainan.

         Bari chuckled. "It's alright. You are working for your family business. Minsan ka lang rin makapagsulat at iyan talaga ang gusto mong ginagawa. Suportado kita."

         Speaking of... "Nakapili ka na ba ng filming school na gusto mong pasukan?" tanong niya rito bago uminom ng taho.

         "I'm quite not sure if I still want to pursue filming," mahinang sabi nito. Iniwas nito ang tingin sa kanya at bumaling na lang sa anak nila.

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon