9: Filled with Temptations and Wrong Decisions

96.5K 2.4K 649
                                    

CHAPTER NINE

Filled with Temptations and Wrong Decisions

ISANG LINGGO pa lang ang lumipas nang maging opisyal ang relasyon nina Bari at Czarina. Pitong araw pa lang ngunit sa tingin ni Bari ay nasagad na nilang dalawa ng nobya ang pagtatalo para sa isang buwang relasyon.

            Noong hindi pa sila at nanliligaw pa lang siya ay nagkakasundo naman sila kahit papaano. Those years that he waited for ran smooth. Subalit ngayong nandito na sila kung saan maraming taon nilang hinintay ay saka naman umusbong ang kung ano-anong argumento.

            Czarina's already twenty and he can understand that she's still stuck in the middle of teen and adulthood. Madalas na silang magtalo noon ngunit nakikinig ito sa kanya. Now, suddenly, she became bratty all over again.

            "Huwag na. Huwag na lang natin ituloy ang date natin," masungit nitong sabi at saka siya tinalikuran.

            Humugot nang malalim na hininga si Bari. Inabot niya ang braso nito. "Hindi ko gustong madaling araw ka nang iuwi rito. Mag-aalala ang Papa mo," kalmado niyang paliwanag sa pang-ilang pagkakataon na mula nang bumukas ang usapan kanina. "This has always been our kind of date. Pupunta tayo sa restaurants na sa tingin mo ay magugustuhan mo, kakain tayo at manonood ng sine, pagkatapos ay iuuwi na kita. Hindi tayo kahit kailan pumunta sa isang club. At bakit gusto mong pumunta doon, hindi ka naman umiinom?"

            "My friends told me it was fun there. Hindi pa 'ko nakakapasok sa ganoon at kasasabi mo lang na kahit kailan ay hindi tayo nagpunta doon. Bakit hindi natin subukan?" Humarap na ito sa kanya. "And I want to be with you. Para siguradong safe ako."

            Umiling siya. "I'm telling you, you won't like it there. People are drinking and drunk dancing." And there are other things that happens inside a bar club--whether it's a regular kind of club or for the elite. Bari's been in both. He did not like it.

            "Napaka-KJ mong tao!"

            Napailing na lang siya. Isa pa ay hindi puwedeng magpuyat si Bari ngayong gabi. May trabahong kailangang tapusin sa opisina at tinambakan siya ng ama kahit weekend, dahil nalaman nitong nobya niya na ang babaeng ayaw nito para sa kanya.

            "Look, I promise to take you to a decent club next time. Hindi lang sa gusto mong puntahan ngayon. Believe me, dear, you won't like it there and if anyone tried to touch you or hit on you, I will send them down in hell." Sinapo niya ang magkabila nitong pisngi. "Gusto mo ba iyon?" masuyo niyang sabi. "Gusto mo bang nakikipag-away ako para sa'yo?" Then, he lightly kissed her lips.

            Napakurap ito. "Bari..."

            Bumaba ang isa niyang kamay sa baywang nito at hinapit iyon. He kissed her, again. Napapikit ito at yumapos sa leeg niya. Sometimes, he does not want to lure her into kissing. Ngunit iyon lang ang makapagtatapos ng pagtatalo nila. Doon lang niya alam patahimikin ito.

            "Tuloy na ba ang date natin?" nakangiti niyang tanong pagkatapos ng halik.

            Nakangiti na rin ito habang namumula ang magkabilang pisngi. "O-Okay... Huwag na lang tayong pumunta sa club, it's already fun being with you." Kumislap ang mga mata nito. "Can we spend the whole night kissing na lang?"

            "No, baby, we can't." Bahagya na siyang lumayo rito. "I'll kiss you the whole day and night once we get married, alright?"

            "Kailan tayo magpapakasal?" nakalabing tanong nito. Hinawakan na nito ang kamay niya at sabay na silang lumabas ng bahay.

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon