14: Filled with a Heart that Never Gets Lost

70K 3K 692
                                    

Chapter Fourteen

Filled with a Heart that Never Gets Lost

January 2022.

BINAGSAK ni Czarina ang shoulder bag sa lamesa.

         Napatingin sa kanya ang pitong lalaking inalalayan siya sa nakalipas na isang taong wala si Ibarra. Nagpapasalamat na siya sa presensiya ng mga ito, eh. Kaso, malalaman niyang alam ng mga itong nagka-heart transplant na ang missing-in-action niyang asawa at sumakabilang buhay na si Mama Bella?

         "Magpaliwanag kayo sa'kin. Isa-isa!" she demanded.

         Napakunot-noo si Gideon. "And what are we talking about?"

         "Ikaw," duro niya rito. "Bakit ba ang tanga ko para maniwalang wala kang alam? Ikaw ang pinakamalapit kay Bari! Imposibleng hindi mo alam kung saan siya napunta!" Hinampas niya ito nang paulit-ulit sa braso.

         "Kalmahan lang natin, Czarina," awat sa kanya ni Kuya Johann. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at inilayo kay Gideon. "Gobernador na 'yang hinahampas mo, baka ma-misinterpret ng mga bodyguards niya. Dadanak ang dugo nating mga nagagandahang nilalang sa silid na 'to."

         "Isa ka pa!" harap niya rito sabay duro. "Kay Sapphire ko nalaman ang tungkol kay Mama Bella at Bari. She told me you told her about what happened to them."

         Nanlaki ang mga mata nito. "Sa kanila ko lang rin nalaman!" sabay turo nito sa mga pinsan. "Shookt din ako like you!"

         Kinurot niya ito ng pino. Napadaing ito ng malakas. "Czarina!"

         "Para 'yan sa mga kalokohang tinuturo mo kay Elijah!"

         Napangiwi ito. "Hindi ko alam na makakabisado niya ang kanta agad. Isang beses ko lang tinuro iyon dahil akala ko hindi niya naman makakabisado. 'Yung mga anak ko kailangan pang paulit-ulit kong iparinig sa kanila. Malay ko bang music prodigy pala ang anak ng hari?"

         Matalim ang naging tingin niya rito. "I'm not done with you yet." Hinarap na ni Czarina ang kanina pang tahimik na sina Charlie at Reynald—which is very unbelievable. Kapag ganoon ay may tinatago ang dalawang unggoy!

         "Kayong dalawa!" sabay lapit niya sa mga ito.

         Sabay na napaatras ang dalawa nang akmang ihahampas niya ang kamay sa mga ito.

         "Nang nakaraan ko lang rin nalaman!" paliwanag agad ni Reynald. "My mother and her sisters were secretly paying another investigation team. Mas high-end at maraming nagagawa ang nakuha ni Mama at ng mga Auntie, compared to the investigation team that we hired."

         Tinignan niya si Charlie. Tinaas nito ang dalawang kamay. "Busy ako sa bago kong cafe at resto, Czarina. Hindi ko alam na may alam ang nanay ko kung hindi ko lang narinig na nag-uusap sila ng mga kapatid niya sa restaurant ko."

         "Kung ganoon ay ikaw ang pinaka-unang nakasagap ng katotohanan?!"

         Napangiwi si Charlie at kumapit sa braso ni Reynald. "Kating-kati akong sabihin sa'yo ang lahat pero pinigilan ako ng Mama ko. They wanted to make sure first." Bigla nitong tinuro ang magkapatid na sina Ramses at River. "Sila ang pumunta sa ibang bansa para i-check kung tama ang binigay na impormasyon ng mga investigators."

         Humugot siya ng malalim na hininga at hinarap ang magkapatid. Kalmado lang ang dalawa. Ni hindi natinag sa matalim niyang mga tingin.

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon