3: Filled with Growing Feelings

89.5K 2.7K 469
                                    

CHAPTER THREE

Filled with Growing Feelings

SA PATULOY na paglipas ng mga araw at linggo, mas naging komportable na si Bari sa nararamdaman. He's at peace with his feelings and thoughts the moment he honestly admitted to himself that he likes Czarina more than any woman that came to his life.

Dahil doon ay nakaya niya ring umakto ng maayos sa tuwing kasama ang dalaga. Lagi na ulit siyang binibisita ni Czarina sa bahay--kakatok ng biglaan na may dala nang merienda. Nasa isip ni Bari ay parang hindi naman magandang tignan na ang dalagita pa ang pumupunta sa kanya pero minsan nang makausap niya ang madrasta ni Czarina ay natutuwa itong binibigyan niya ng oras ang anak-anakan nito.

"I hope my stepdaughter is not a bother to you. Mas panatag akong sa'yo siya pumupunta kaysa nasa mall siya o saan mang malayong lugar," aniya sa kanya ng ginang nang minsang makatabi niya ito sa ginanap na home owners meeting sa village.

Tumango si Bari at binigyan ng magalang na ngiti si Mrs. Flores. "Ma'am, hindi ba parang hindi maganda na si Czarina ang pumupunta sa bahay ko? I live alone and I'm a bachelor."

"Hindi iyan problema. Ang sabi sa'kin ng anak-anakan ko ay napakabait mo daw na tao. Lagi kang may bagong naituturo sa kanya sa tuwing pumupunta siya sa inyo." Bahagya itong natawa. "Gulat na gulat ang asawa ko nitong mga nakaraang araw dahil ang sipag gumawa ng home works ni Czarina. Minsan hindi na kailangan pumunta ni Eugene sa bahay para tulungan siya. Nang tanungin si Czarina ng Papa niya kung bakit ang sipag niya, lately, aba't gusto niya daw maging mature at independent, katulad mo."

Pinilit ni Bari maitago ang malawak na pagngiti. He inspired that playful girl?

"Gusto ka ngang makilala ni Ed kung may oras lang siya. Mukha daw nakakita ng napakagandang role model si Czarina sa'yo."

"It will be a delight to meet your husband, too, Ma'am."

Kumislap ang mga mata nito. "I'll set a dinner, then? Is it okay with you, hijo? Baka maabala ka?"

Umiling siya. Kung makikilala niya nang harapan ang ama ng babaeng maaari niyang maging nobya sa hinaharap ay hindi niya iyon palalagpasin. "Gagawa po ako ng oras para sa inyo."

Mrs. Flores looked flattered. "You know, I would like to meet your parents. Ang ganda ng pagpapalaki nila sa'yo. Maginoo at magalang. Kaya walang kaso sa akin kung laging nasa bahay niyo si Czarina. Bilang pangalawang ina niya, malakas ang tiwala kong wala ka namang gagawin na ikapapahamak niya."

Damn right. Sa katunayan nga niyan ay gagawin ni Bari ang lahat maprotektahan lang ang batang puso ni Czarina.

Madali rin namang kausapin ang dalagita. Marami itong kuwento at pakikinggan niyang lahat iyon. Kapag may maling kaisipan na napansin si Bari sa mga sinasabi ni Czarina ay magbabahagi din siya ng istorya at aral na natutunan niya.

Sometimes, Czarina will try to argue. Nasa punto ito ng kabataan kung saan ipaglalaban nito ang tingin nitong tama kahit baluktot. Kapag ganoon ay malumanay niyang ipinapaliwanag kay Czarina kung saan mali o kung saan sumasablay ang pinaniniwalaan nito.

Hindi alam ni Bari kung naniniwala sa kanya ito. But whenever Maria Clara's eyes sparkled with admiration while looking at him, he knew that maybe, she slowly accepted the idea or wisdom he shared.

Matalino si Czarina, iyon pa ang napagtanto ni Bari. She's witty but goddamn, she's smart, too. Hindi lang nito iyon napapansin at panigurado ay sanay itong nagpapantasya sa mga crush nito kaya natatago ang tunay nitong katalinuhan.

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon