10: Filled with Bari's Love and Tears

102K 3.1K 1.2K
                                    

CHAPTER TEN

Filled with Bari's Love and Tears

March 12, 1979

KASABAY ng muling pag-ire nang malakas ni Ysabella ay ang tuluyan nang pagtulo ng mga luha niya.

            "Misis, one strong push," muling sabi ng doktorang nagpapaanak sa kanya.

            Napailing siya. Nanghihina na siya. She can't push anymore. Tila naubusan na siya nang lakas upang gawin iyon.

            "Come on, Bella. You can do it," pagpapalakas loob ng Kuya Philip niya. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya.

            Napaiyak na siya nang sumakit rin ang puso sa realisasyon na ang mga kapatid ang kasama niya sa panganganak kaysa kay Santino...

            "K-Kuya, ayoko na..." iyak niya habang napapailing-iling. "Hindi ko na kaya..."

            "Ate, kaya mo iyan! Little Bari's head is almost popping out!" ani Hera na nasa kabilang tabi niya. "Please, please, Ate Bella..."

            "We're here, okay? Hindi ka namin iiwan," bulong pa ng Kuya niya.

            "W-Where's S-Santino?"

            Nagkatinginan ang dalawa niyang kapatid.

            "Ah, eh... Ate, parating na siguro. Sinundo na siya nina Ate Glenda at Ate Regina sa airport...

            She's currently giving birth in California now. Nag-request lang sila ng Filipino doctor at nurses para mag-deliver sa kanya.

            Napasinghot siya. "That bastard!" bulyaw niya sa sobrang sama ng loob.

            Napangiwi ang Kuya niya. "Try to push harder, gamitin mo iyang gigil mo para mailabas ang anak mo. Come on, Ysabella..."

            "Misis, on a count of--"

            "Miss! Miss Anderson lang po ako," hindi niya na mapigilang itama ang doktora. Hindi kasi ito ang OB-GYNE niya kaya hindi nito alam na wala naman siyang asawa.

            She pushed harder.

            "Okay, one more, Miss Anderson."

            "Ahhh!" nakabibingi niyang sigaw na halos ikapatid ng lalamunan niya. Ngunit hindi pa rin lumalabas ang anak niya.

            Baby, don't make this hard for Mama! Huwag kang magmana sa Papa mo, utang na loob!

            "Miss Anderson, nasa alanganin ng posisyon ang baby. You have to push harder dahil baka hindi makahinga ang baby niyo."

            Agad na sinalakay ng takot ang dibdib niya. Napatingin siya sa mga kapatid. "W-Wala pa ba si Santino?"

            "Um-ire ka na, ate! Don't think about that jerk," naiinis na wika ni Hera. "Ikaw ang ayaw magpakasal at pagkatapos ay ngayon, hinahanap mo?!"

            "Audreyana Hera!" saway dito ng Kuya Philip nila. "Hindi tamang oras para pag-usapan iyan. Go outside. Tignan mo kung nakabalik na ang mga kapatid natin kasama si Santino."

            Agad namang sumunod si Hera. Pagkalabas nito ay nakadalawang ire pa si Ysabella subalit wala pa rin... Hindi niya na maramdaman ang buong katawan. Pagod na pagod na siya! Bakit ba ayaw lumabas ng baby niya?!

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon