CHAPTER NINETEEN
Filled with Revenge
HABANG nagluluto ay pasimpleng sinilip ni Czarina si Bari sa sala. Matiyaga nitong binabasahan si Elijah ng isang children's book.
Mukha namang maayos si Bari. Actually, hindi na ito gumigising ng mag-isa sa kalaliman ng gabi. Hindi na rin niya ito naabutang binabangungot.
Is he really alright? Or he's just great at hiding his pain?
Napabuntong-hininga si Czarina at binalik na ulit ang atensyon sa pagluluto. Mula nang kausapin siya ni Blair last week, sumasakit ang puso niya sa mga nalaman.
"You see, there were a lot of people involved in the accident. Even kids. Maybe, I was lucky enough to jump off the car but the rest... they all died. Si Kuya Bari lang ang naka-survive dahil na rin sa tulong ng biglaang heart transplant. Tita Bella could have survived, too, kung nagising lang siya from comatose. But she didn't. Majority of the families that got affected were very angry. Ayaw nilang maniwala sa paliwanag kong inatake sa puso si Kuya habang nagmamaneho. Until we presented the evidences to the court. Nakita ng judge na wala naman talagang kasalanan si Kuya. Nakita rin sa mga CCTV sa mga kalsadang nadaanan namin that we are not over-speeding, although mabilis ang pagmamaneho ay pasok pa rin naman sa road policies. Mas bumilis lang kami nang oras na nawalan na ng kontrol si Kuya sa pagmamaneho dahil inaatake na siya at nawalan kami ng tsansa na itigil ang sasakyan. Tumutugma lahat ng salaysay ko sa mga nakitang videos, plus the medical records of Kuya Bari. The court decided to trash the case. Mas nagalit ang mga taong namatayan. They thought justice was not served for their loved ones."
"Tumigil lang ang paghahabol ng mga namatayang pamilya nang hindi na nila mahanap kung saan naka-admit na ospital si Kuya. We said that the Delos Santos died, too. Doon namin naisipan ni Mama na ibahin ang identity nila. At... at hindi namin nagawang ipaalam sa iba pang kamag-anak nina Kuya Bari dahil... Ewan ko, Czarina. Gulong-gulo ako kay Mama. Gusto niyang paghigantihan si Papa kahit patay na. At sa pamamagitan ng pagtatago kay Kuya Bari at Tita Bella iyon ginawa ni Mama. I'm sorry I didn't do anything during those months."
"I know my mother's crazy. But I hope you and the rest of the Andersons can forgive us. Pati na si Kuya Bari. Hindi ko lang kayang talikuran ang Mama but I made sure that Kuya Bari and Tita were safe. Iyon nga lang, hindi na nagising pa si Tita Bella. Doon na 'ko natauhan na dapat ko nang tawagan ang mga Anderson. I sneaked behind my mother's wicked plan to throw Tita Bella's body out of nowhere. H-Hindi ko masisikmura iyon. Tamang-tama ring may investigators na palang nakamanman sa ospital kung saan namin itinago sina Kuya Bari. At nang malaman kong pinadala sila ng Andersons, I purposely left clues for them to find us. At wala nang nagawa si Mama ng magpunta ang ilang kapatid ni Tita Bella para bawiin sila. They didn't press charges against us, though. Ayaw daw ni Kuya Bari."
"I've always hated Kuya for being a good brother. Iniisip ko kaya hindi kami ni Mama ang pinili ni Papa dahil mas mabuting tao sina Tita Bella kaysa sa'min. And I hated that fact ever since. P-Pero napamahal din ako kina Kuya Bari. Kahit anong galit ko kay Papa, wala na lang. But my mother's anger ate her up, fully. Naging tahimik lang siya pero punong-puno ng pagkamuhi ang buong pagkatao niya kay Papa, kay Tita Bella, at kay Kuya Bari. I don't want to end up like that, kaya itinigil ko ang galit. I don't want my child to have a mother like my mom. Now, I admitted her to a mental facility abroad. Umuwi lang kami ng anak ko dito saglit dahil gusto kong ibigay muna siya sa tatay niya habang inaalagaan ko si Mama sa ibang bansa."
Inilipat ni Czarina ang nilutong ulam sa serving plate. Naghahalo-halo pa rin ang nararamdaman niya. Malungkot na siya katotohanan ng trahedya, naaawa pa siya sa kalagayan ni Blair. Ngunit higit sa lahat...
BINABASA MO ANG
Fill Me More (More Trilogy # 3)
RomanceMore Trilogy Book Three: Fill Me More (2018) Crisostomo Ibarra delos Santos wanted to be free from his father's claws. Lahat ay idinidikta nito sa buhay niya! Ultimo ang babaeng magugustuhan ay dapat rekomendado nito. Then, Maria Clara "Czarina" Flo...