CHAPTER FIVE
Filled with the Days He Fell in Love
HABANG nakatingin si Bari sa kalendaryo ay hindi siya makapaniwala. It's December 2004 already... dalawang taon na agad ang lumipas nang hindi niya namamalayan!
O hindi nga ba?
He's been busy watching Czarina growing up, and now, the time has come when he can finally tell her how much she means to him.
Binuksan na ba nito ang locket necklace? Mukhang hindi pa rin. Mula nang binigay niya kay Czarina iyon ay wala namang nagbago sa pakikitungo nito sa kanya. She's still very clueless and very playful around him.
Napabuntong-hininga si Bari at inilayo ang tingin sa kalendaryo. Tumayo siya at naglakad palapit sa bintana. How time flies... but when he looks back, madami ring nangyari sa dalawang taon na iyon...
Iyon ang mga araw kung kailan mas umigting ang damdamin niya para sa dalaga... Kusa siyang napangiti nang maalala ang mga nangyari sa loob ng dalawang taon.
Naalala ni Bari ng ayain siya ni Czarina para sa graduation ball nito noong high school...
"Please! Huwag mo na 'kong tanggihan!" she demanded. "Tinanggihan mo na 'ko sa prom noong February pero hindi ngayon!"
Napakurap si Bari. "Don't be desperate, Maria Clara. Women should not be this desperate."
Napalabi ito at napayuko ng ulo. "Gusto ko lang naman na..."
Unti-unti siyang lumapit rito at pinatong ang kamay sa ulo nito. "Tumanggi akong sumama sa'yo noong prom dahil may trabaho ako."
It was partly true. But God knows how he wanted to escort her that night. Kaya niya namang tapusin ang trabaho nang mas maaga pero kailangan niya ring pumunta sa doktor. It was his general heart checkup. At sa tuwing nangyayari iyon ay labis ang kapaguran niya. Ni hindi siya makatayo dahil sa pagod. Ayaw niyang makita siya ni Czarina na ganoon, lalo na't wala naman itong alam tungkol sa kondisyon niya sa puso.
"M-May trabaho ka ba ulit?" Tumingala na ito sa kanya. "Huwag ka munang magtrabaho, please? Gusto kong may makasama sa graduation ball. Lahat ng classmates ko, may partner, ako lang wala! Nakakahiya..."
Typical teenager. She wanted to show-off like the rest of her classmates.
Inalis niya na ang kamay sa ulo nito at napailing-iling. Patagal nang patagal ay pakulit nang pakulit ito. Hindi na ito nahihiyang may hilingin sa kanya. Nang ikuwento niya iyon sa Papa nito ay ganoon daw talaga si Czarina oras na naging pinaka-komportable na ito sa kakilala. Masuwerte daw si Eugene dahil nakaalis sa mga pangungulit at pamemerhuwisyo ni Czarina.
"Hindi ba mas nakakahiya ang ginagawa mo ngayon? You're not requesting. You're demanding."
Natuto na rin si Bari na pagsabihan si Czarina kung kinakailangan. Hindi niya na binibigyang pansin kung magmumukha siyang mahigpit na kuya o nobyo o kung ano pa man. Kapag may mali sa ugali o kilos nito, hindi na siya nagdadalawang-isip na sawayin ito.
"I'm demanding because I know you. Malakas lang ang loob kong ayain ka dahil malapit naman tayo." Sumimangot ito. "Gusto mo bang ibang lalaki pa ang ayain ko? Ha?"
Don't use that girlfriend tone on me, pretty brat. It's not yet the time!
Inirapan siya nito. "Sabagay kung iba naman ang ayain ko ay hindi ako tatanggihan." Tinignan siya nito nang matalim. "They will even have the privilege to hold my hand!"
BINABASA MO ANG
Fill Me More (More Trilogy # 3)
RomanceMore Trilogy Book Three: Fill Me More (2018) Crisostomo Ibarra delos Santos wanted to be free from his father's claws. Lahat ay idinidikta nito sa buhay niya! Ultimo ang babaeng magugustuhan ay dapat rekomendado nito. Then, Maria Clara "Czarina" Flo...