Chapter Sixteen
Filled with Hidden Tears
AFTER their intimate encounter, Bari fell asleep. Kaya naman nagkaroon ng oras si Czarina para pagmasdan ang asawa. A dry and long stitch across his chest was very evident. Kanina niya pa nadama iyon pero hindi niya binigyang pansin habang nasa kalagitnaan sila ng pagniniig ng asawa. Ngunit ngayong nakikita niya na, mas lalong humanga si Czarina rito.
Maingat niyang hinaplos ang bakat ng mahabang tahi sa kaliwang dibdib nito, pagkuwa'y yumuko siya at dinampian ng halik iyon. Para sa iba siguro ay malaki at pangit na peklat iyon sa dibdib ng asawa niya. But for Czarina, it will always be her Bari's battle scar. A battle he managed to succeed after fighting the months of deep sleep. Alam niyang lumaban ito hanggang sa magising, dahil gusto nitong tuparin ang pangakong babalik sa kanya...
Whether it's an old and weak heart, or a new and healthy one—Bari wanted to come home, to come back for her.
Pinagpatuloy niya lang ang paghaplos sa dibdib nito, running her fingers to his dry stitches that, also, acquired a little bump. Nevertheless, Crisostomo Ibarra Delos Santos is still and will always be immaculate.
Bahagya itong gumalaw, mas hinapit siya—mahigpit na mahigpit. Napapikit si Czarina at dinantay na rin ang braso sa baywang nito. Sinubsob niya ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat nito.
Naalala niya ang kuwento nito at may kung anong pumisil na naman sa puso niya.
Bari survived a catastrophic accident. Bari surpassed another heart attack by having a successful heart transplant.
It could have been a double kill. At hindi na gustong isipin iyon ni Czarina. This king have fought a lot through his years. Hindi niya na alam kung may isasagad pa iyon.
"From now on, I'll be the one to take care of you," mahina niyang pangako kay Bari. "I'll be the one to always understand, support, and pray for you..."
Hindi ganoon kataas ang successful rate ng heart transplant. Ang mga nagtatagumpay naman na maka-adapt sa bagong puso ay binibigyan ng lima hanggang sampung taong life expansion. Subalit may mga humihigit, at mas maliit pa sa isang butil ng bigas ang tsansang iyon. Gayunpaman, aasa si Czarina. Kakapit sa kaliit-liitang tsansa, laging maniniwala na may himalang muling ibibigay ang Diyos para sa buhay ni Bari.
Huminga siya nang malalim at ipinahinga na ang isip. Hinayaan niya nang matangay siya ng antok. Naalimpungatan lang si Czarina nang maramdamang wala na siyang katabi. Agad siyang napabangon.
"I think Elijah's awake," ani Bari pagkalabas nito ng banyo. Naka-damit na ito at pinapatuyo ang buhok. He freshened up, again.
Napabuga ng hangin si Czarina at kinuha ang bathrobe ni Bari sa tabi ng kama. "Akala ko nanaginip lang ako." She was relieved! Because for a moment, she really thought that she was just dreaming that Bari's here again. Tumayo na siya at inayos ang pagkakatali ng roba. She's going to check on Elijah.
Lumapit sa kanya si Bari at niyakap na lang siyang bigla. "Salamat sa pagtanggap ulit sa'kin," madamdaming saad nito. "Salamat sa pagpapatawad nang maluwag sa puso."
She rubbed his back. "I won't trade a painful year for all of the wonderful years we shared, Bari. Any reason is invalid to hold any grudge on my own husband. Life is short, my highness." Lumayo siya at nginitian ito ng matamis. "And tomorrows are not even promised. So, I'll use this day to throw away all of my bitterness and angst when you left before."
BINABASA MO ANG
Fill Me More (More Trilogy # 3)
RomanceMore Trilogy Book Three: Fill Me More (2018) Crisostomo Ibarra delos Santos wanted to be free from his father's claws. Lahat ay idinidikta nito sa buhay niya! Ultimo ang babaeng magugustuhan ay dapat rekomendado nito. Then, Maria Clara "Czarina" Flo...